14 Kabanata Labindalawa

"Ready ka na bang pumasok, sweety?" Tanong ni ma ma.

It's last week of May and school is coming near. Kinakabahan ako kasi bukod sa bagong paligid, mayroon ding bagong subjects. Although Philia has taught me some of her past subjects, 'di ko pa rin maiwasan ang mangamba lalo kapag pinapagawa na ng essay sa Filipino. English lang ang kaya ko at Chinese. Kung tagalog, ibang usapan na 'yon.

"I don't know, Ma. I'm having a hard time to cope up."

I sighed. Nakakalungkot. Parang gusto ko nalang sa China mag-aral. Gustong gusto ko naman dito sa Romblon pero dati iyon. At maybe kung alam ko sa sarili ko na hindi mahihirap ang mga subjects.

I have the brain, but I don't think it can function to all. It has its own limitation. May mga bagay na magaling ako pero meron ding hindi. And I can't just force myself to something I am not good with or I have no interest. The harder I try, the more failure I become.

"It's always hard on first try, sweety. Don't pressure yourself. Just enjoy studying." She gave me an assuring smile.

"Thanks, Ma. But what if I will fail?"

Kasi nasanay si ma ma na always on top ako kasi nga I was doing it para makauwi ako rito sa Romblon. Marahil isa na rin 'yon sa mga dahilan kung bakit si Tzu En lang ang naging kaibigan ko.

"Sweety," she tucked the loose strand of my curly hair. "It's okay to fail. It's normal. But make sure you did your best. Besides, I still love you even if you're the worst person in the world. Nothing will ever change."

I smiled in awe and hugged my mother. I love her so much. I wish I can be like her someday kapag magkaroon ako ng sariling pamilya. My mother is always my role model.

Dahil sa sinabi ni ma ma ay medyo nabawasan ang tensyon na nararamdaman ko kapag school ang pag-uusapan. She always told me I should not worry to fail dahil lahat naman dumadaan sa ganoong proseso. Aniya'y i-enjoy ko lang ang pag-aaral because grades can never define who I am. It's just a matter of numbers. Numbers are manipulative. As long as I'm learning in my own way at nagagamit ko 'yon to make myself a better person, walang problema kay ma ma iyon. At wala ring problema sa akin iyon.

"Have you talked to ba ba, ma ma?" I asked her one time.

I haven't heard anything about ba ba. Wala akong alam kung nasaan siya ngayon o ano ang ginagawa niya. 'Di rin naman binabanggit ni ma ma sa akin si ba ba kaya nawawala siya sa isip ko.

"Yes, sweety. He's doing fine." Sagot ni ma ma.

"Where is he now, Ma?" I asked again. I just wanted to make sure ba ba was doing good.

"In Shanghai, sweety."

"But Mr. Huang is in Chengdu." Pagkaklaro ko. 'Di kaya maayos na ang kalagayan nila Tzu En doon?

"Your ba ba is excluded from the business war, sweety... our family. But because I just want to make sure you're safe, we have to fly back here."

I nodded. I somehow understood ma ma. I thought may kinalaman si ba ba sa gulo kaya kinailangan naming lumipad pabalik dito sa Romblon to run away.

My remaining days of summer vacation was good. Tinuturuan ako ni Kuya Gilau sa pag-uukit. Mayroon na akong natutunan, lalo na ang iba't ibang tools and their functions.

"Dapat laging nakadikit ang gilid ng palad sa kahit na ano while carving to keep your movements in control," ani Kuya Gilau habang nagdedemonstrate sa akin. Tinuturo niya ang paraan para maging smooth ang trabaho.

"Like this, kuya?" I asked. Pinakita ko sa kanya 'yong galaw ng kamay ko. Pinag-aralan niya 'yon nang ilang segundo pero sa huli ay umiling siya sa gitna ng ngisi.

"Let me," he said. Maingat niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa handle ng chisel. "Kung ano 'yong ginamit mong kamay to hold the shaft, keep it touched to any surface. It can be sa mismong board, sa gilid nito... anything that you'll be comfortable with."

He cupped my hands with no effort. Malaki ang kanyang kamay na kayang sakupin ang akin. He carefully demonstrated me the right position of my hands while holding the chisel. At 'yon ngang sabi niya na kailangang nakatouch sa kahit na anong surface ang gilid ng palad ko, itinuro niya rin sa 'kin 'yon.

"You may interchange your hands, depende sa kung saan ka sanay or saan ka mas madadalian." He said and I looked straight to his eyes.

His caramel brown eyes were captivating. Ngayon ko lang lubusang na-appreciate 'yon. As if they were taking me to other dimension and obliviously, my heart skipped a beat.

May sinasabi pa siya but I was being deaf. Wala akong naintindihan because my whole system was glued to his eyes. Ang ganda pala ng mata niya. Bakit ngayon ko lang napagtanto iyon?

"Okay na ba?" He asked as he held my hand. Napabalik ako sa ulirat at napatingin kaagad sa kamay niyang nakahawak sa 'kin. Then I threw my gaze straight to his eyes and nodded mindlessly. "Okay ka lang? Baka nagugutom ka na."

"H-Hindi naman, kuya." Sabi ko. I looked away and made myself busy. Ano kaya 'yong naramdaman ko? Ang weird.

Isang linggo nalang ay pasukan na sa Banton National High School. 'Di pa naman ako nakakabisita roon pero nailakad na ni ma ma ang mga dokumento ko na kakailanganin ng school to be officially a student. Ang sabi rin sa 'kin ni Philia na may kalakihan ang school dahil may junior students. Malaki ang field.

"Mamaya na ihahatid 'yong uniforms mo, Sol," balita sa 'kin ni Philia. "Lima 'yon kasi limang araw ang pasukan."

Matagal na akong nagpasukat ng uniporme sa kilalang mananahi rito. Bumili kami ng tela na kulay blue, parang checkered style pero maraming kulay nga lang. But the dominative color is blue. 'Yon ang ginawang skirt na 3/4 ng legs ko o taas ng tuhod ang haba.

"Okay," sabi ko.

And the first day of school has come. Maaga kaming gumising ni Philia para makapaghanda ng sarili. 'Di kami nagsuot ng uniporme tutal unang pasukan pa naman daw. Gawain niya iyon at gusto niyang ganoon din ang gawin ko. Wala naman akong nakitang mali kasi may tiwala naman ako sa kanya. Nakakapanibago lang kasi sa China, all uniform kami. First or last day man ng pasukan. Saka may PE uniform din na sinusuot tuwing kailangan.

"Dito na tayo, Sol," anunsyo ni Philia. Bumaba kami ng tricycle at ang pulang gate ang una kong napansin.

I froze for a moment. I just couldn't believe my eyes na nasa tapat na ako ng school na papasukan ko ngayong Grade 11 na ako. It was mixed emotion. My stomach was flipping upside down.

"'Wag kang kabahan, Sol. Ako ang bahala sa'yo rito." Philia assured me. Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa loob ng paaralan.

She was right. There was a wide field. As in malawak. Mayroong mga classroom na kulay blue ang facade or the pillars. But what caught my whole attention was the building with staircase. Kulay pula ang barandilya while blue ang kabuuang kulay ng building. 'Yong hagdaanang iyon ay magkabilaan, parang nagkatagpo sa gitna. Para 'yon sa tataas sa pangalawang palapag ng building.

"Diyan 'yong classroom mo, Sol," ani Philia sabay turo sa second floor, 'yong may hagdanan. "'Yong akin naman sa baba."

'Di ako nakapagsalita. I can feel nosy eyes on me na para bang 'di ako parte ng lugar na 'to. Maybe they saw me as an alien. Sino ba naman kasing instik na mag-aaral dito sa Banton National High School.

"Hayaan mo 'yang mga tingin nila. Inggit lang 'yan sila sa 'yo," ani Philia at iginiya ako sa kung saan ang classroom ko.

Pero bago pa kami makaakyat sa malaking hagdanan ay may lumapit sa aming isang babae. Hindi siya nakauniporme pero pakiramdam ko'y isa siyang guro.

"Goodmorning, Philia," nakangiting bati ng babae. "Siya ba si Lian Wan?"

"Opo, ma'am," sagot ni Philia at saglit na lumingon sa 'kin. "Tagalog at Ingles lang ang alam niya kaya 'di siya makakaintindi ng ibang salita."

"Ah, okay," tumango ang guro. "Pero more on English ba siya?"

"Yes, ma'am, kaya dugo dugo talaga." Tumawa si Philia, maging ang guro. Pero ako ay matulin lang na nakikinig sa usapan nila.

The teacher turned to me with her friendly smile. Iyong ngiting magiging komportable ka sa kanya.

"I hope you'll find many friends here, Lian Wan. But if you have any problem, you may call for a help."

"Thank you so much..." I trailed off. 'Di ko alam anong pangalan nito.

"You may call me Mrs. Famarin," aniya. Tumango naman ako then she turned to Philia again. "Basta kung may problema man, i-report kaagad sa faculty. We don't tolerate bullies here."

"Sige, ma'am. Ako ang bahala sa pinsan ko."

"Okay. You may now go," she turned to me once again. "Feel comfortable here, Lian Wan. You'll get used to this."

"Okay, Ma'am Famarin." I smiled.

We excused ourselves at umakyat na sa taas. 'Di pa rin ako nakakatakas sa mapanusing tingin nga mga tao. Some were whispering to each other while their eyes on me. I suddenly felt uncomfortable. 'Di ako sanay sa ganitong sitwasyon. Sa China kasi walang pakialaman.  Mga estudyante sa pinapasukan namin ni Tzu En, they have their own world but they are friendly naman; approachable. Mayroon din namang blacksheep kasi mga makapangyarihan ang mga pamilya. Sila 'yong mga bully pero 'di nila ako kayang saktan o galawin man lang dahil kilala nila si Tzu En, mas kilala ang pamilya ng kaibigan ko. Walang nangangahas na manakit sa 'min and I was thankful for that.

"Dito 'yong room mo," Philia told me. Sumilip ako sa loob ng room. May iilan ng mga estudyante roon na nakatingin na rin pala sa gawi namin. Their eyes were curious.

Pumasok kami sa loob. Philia was acting like the bully leader. Matapang siya na parang pinakakilala sa school na 'to.

"Huwag na huwag kayong magkakamali sa pinsan ko, ha? Lalagutan ko kayo ng hininga kapag sinaktan niyo siya." She announced but it sounded like threatening.

Walang sumagot sa kanila. Mostly mga lalaki ang nandito. Iilan lang ang mga babae tapos 'di pa yata magkakakilala.

"Kung sino man ang mangahas na manakit sa kanya o kahit anong gawin niyong masama sa kanya, harapin niyo muna ako para magkaalaman tayo."

I swallowed my own saliva. Ibang Philia ang nakikita ko ngayon. She was far different from Philia I used to know; I used to play with before.

Philia turned to me with her assuring smile. Malaki ang kompiyansa niya sa kanyang sarili.

"You'll be okay here, Sol. If you have any problem from these shits, just tell me so I could blow them off." She wiggled her brows at me with her mischievous smile. At sa huling pagkakataon, humarap siya sa mga kaklase ko. "I'm watching over my cousin. Touch her and I'll break your bones."

Matapos ang pananakot niya ay iginiya niya ako sa magiging upuan ko. I was quite surprised dahil iba ang upuan nila rito. Sa China, mahaba ang mesa na puwedeng dalawang tao ang gagamit noon. Dito naman, tig-iisa. At gawa pa sa kahoy.

"You have your own snacks in your bag," aniya. "You can eat them kapag recess. But don't worry, I'll be here every break to watch over you."

"Baka makakaabala lang ako sa 'yo," nag-aalala kong sabi.

Hindi naman puwedeng lagi niya akong babantayan dito. 'Di ako masasanay sa paligid at isa pa, kailangan kong tibayan ang loob ko. Sasanayin ko na simula ngayon na 'di na si Tzu En ang katabi ko.

Tzu En...

"It's okay. Kahit isang linggo man lang ay babantayan kita." She assured.

"Sure ka ha?" Pagkaklaro ko. Tumango siya at nag-thumbs up. Pero kahit na ganoon, I wasn't still fine with that. Ayoko namang makaabala sa kanya.

Umalis na si Philia dahil papasok na siya sa kanyang room. May iilan namang pumasok na rin sa room ko and they all gave me the same expression. Nagtataka sila at naguguluhan. O naninibago. They were asking themselves kung sino ako at paano ako napadpad dito sa BNHS.

The class has started. Pinasukan kami ng isang lalaking guro. He introduced himself as Mr. Flores. He's an English major teacher and our adviser at the same time.

"Uhh, Ms. Chuatoco." Tawag niya sa 'kin. Lahat ng estudyante ay napatingin sa akin. Para bang naghihintay ng susunod kong eksena.

"Yes, sir?" Sagot ko.

"Please introduce yourself in front, young lady."

"Uhh, okay," I replied.

I stood up and walked towards the adviser. I faced the whole class and they were all eyes on me.

"My name is Lian Wan Chuatoco," I started. "I came from Shanghai, China. I was a former student of YCIS, the Yew Chung International School."

'Yon lang ang sinabi ko. I actually didn't know what informations they wanted to know about me.

"Why did you choose this school, Ms. Chuatoco?" Mr. Flores asked and I glanced at him.

"My cousin is studying here," I replied.

"Oh, you have a cousin here. Philia, right?"

"Yes, Mr. Flores."

"Okay, you may now have a seat."

"Xiexie," 'yon ang nasabi ko. "I-I mean... thank you, Mr. Flores." I bowed a bit then went back to my chair. I sighed as I settled down on my wooden chair. I missed Tzu En. Sanay akong katabi siya at kakwentuhan. Sana makabalik na ako ng China. Parang ayaw ko rito.

avataravatar
Next chapter