3 Kabanata Isa

"Kumusta ka naman ngayon, hija?" Tanong ni Lola Tharri.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon. Ang ulam ay adobo. I missed adobo so much! Sa China kasi, ayaw ni ba ba ng lutong Pinoy. Hindi ko alam kung bakit. Ayaw din namang sumuway ni ma ma. We all have no choice but to follow ba ba.

Sometimes I wondered what was going on between ma ma and ba ba. Bakit sunod-sunuran lang si ma ma? Hindi ba kami mahal ni ba ba? Bakit lagi siyang nasusunod?

"I'm doing fine, Lola Tharri." Sabi kong may ngiti.

"Eh, 'yong pag-aaral mo?" Sunod niyang tanong.

"I'm doing great, la. In fact, 'di ako makakauwi rito kung 'di ako nagsipag sa pag-aaral."

"Puwede naman kasing dito ka na mag-aral," singit ni Phillia sabay irap.

"Ayaw ni ba ba," sagot ko. "Saka pumapayag naman siyang umuuwi ako rito."

"Kahit na!" Inis niyang sabi.

"Phillia," saway ni lola. "'Di natin puwedeng pilitin ang papa niya at baka 'di na talaga siya makakauwi rito."

"Tama si lola, 'nak." Ani Manong Ismaelito, ang ama ni Phillia. "Baka magalit pa sa atin si Sir Chuatoco. Malalagot pa tayo."

"Sorry, 'tay. Gusto ko lang naman na dito na tumira at mag-aral si Solaire. 'Wag na siya doon sa China. Mas masaya kaya rito!" Phillia pouted.

"I know," sabat ko. "But I can't just be against with ba ba. I believe he knows what he is doing and this is all for my sake."

Ba ba once explained to me why he had to be tough and a strict father. Lahat naman ay ginagawa niya para sa akin, para sa amin ni ma ma. Ayaw niya nahihirapan kami. Gusto niyang mabigay lahat ng pangangailangan namin.

'Di na ako nagsalita pa at pinagpatuloy nalang ang pagkain. Medyo nainis ako kay Philia kasi parang ang sama ng tingin niya kay ba ba. Sana ay maintindihan niya iyon. Kasi kahit mahirap o labag man sa loob ko, sumusunod pa rin ako kasi siya ang ama ko. Mahal na mahal niya ako.

After we had our meal, nagpaalam ako kay ma ma na pumunta muna sa baybayin. Pumayag naman siya basta ay mag-ingat ako.

One thing I love my mother is she's the complete opposite of my father. Pinapayagan niya akong gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa akin. Basta ay alam ko kung ano ang limitasyon ko, walang problema sa akin si ma ma.

Tumambay ako sa isang kubo na nagmimistulang gazebo. Nakatayo ito few meters away mula sa coastal zone, sa likod ay maraming puno ng niyog. At tama lang na masisilungan ito ng kung sino man kung sakaling nangangagat ang init ng haring araw.

I was in the midst of my wanderlust when someone knocked me off from my trance. Pumasok siya sa loob nang nakangisi.

"Nandito ka lang pala. Galit ka ba sa 'kin?" Sumimangot siya.

"I'm not," I curtly answered. "Maybe you got some point but still, he's my father."

She rolled her eyes and sat next to me. Humalukipkip din siya at pinagkrus ang legs.

"I know," she said. "... ayaw mo ba akong makasama sa iisang school?"

"Of course I want. Pero 'di talaga kaya."

Bumuga siya ng mabigat na hininga. It was a sign of resignation.

"Fine," she made a face. "Basta, 'wag mo 'kong ipagpapalit sa iba, ha? Sige ka, magtatampo ako niyan."

"Sus," I mocked. "Hindi, ah. Why would I do that? You're my only bestfriend."

"Talaga?" Agap niya. She shifted her weight. "Wala ka bang crush doon?"

"Crush?" I scrunched my brows. "What's that?"

Is that even a word? I thought it's for ice only. Crushed ice, eh?

"Hala siya!" Bulalas niya. "You don't know what crush is?"

I contorted my face at her. "Ice ba 'yon?"

"Hindi!" Umirap siya. "Crush means you like someone."

"I like you. Crush na ba kita nun?"

She gaped at me, battering her eyelashes.

"Hoy, 'di ako lalaki! Saka tomboy ka ba?"

"Tomboy?" My mind was bubbled. "What's that?"

"Oh come on, Solaire! Instik ka talaga kasi 'di mo alam 'yon."

Bumusangot ako sa kanya. Bakit parang racist ang isang 'to?

"Crush is liking someone na opposite sa gender mo. Like me, for example. I like this guy na kaklase ko. Siyempre dahil babae ako, lalaki siya."

Napakurap kurap ako. I was trying to understand what she just said. But no matter how hard I tried, hindi ko pa rin maintindihan si Philia.

"So, ano? May nagkakagusto na ba sa 'yo roon? Ikaw? May nagugustuhan ka na ba?" Sunod sunod niyang tanong.

"Wala," umiling ako. "I don't have any. Kailangan ba 'yon?"

"'Di naman," ngumiwi siya at binaba ang kanyang braso. "You know, inspiration."

"Ah," tumango ako.

I don't need that. I need to excel in class para tuwing summer ay nakakauwi ako rito. Sapat na ang taga rito para maging inspirasyon sa pag-aaral.

Few moments passed when we decided to have a walk in a seashore. It was the best thing to do para kumalma ang aming isipan.

Pinong pino ang puting buhangin. Kulay turkesa naman ang dagat. It was really beautiful and quite kahit pa ang hangin ay mistulang sumisigaw. Napagtanto ko kung gaano ko na-miss ang Romblon. If I will be given a chance to live here, I will grab the opportunity. Ayokong malayo kay Philia kasi siya lang ang tinuturing kong kaibigan.

"Have you seen Kuya Gilau?" Biglang tanong ni Philia.

Nang napagod kami sa paglalakad ay napagdesisyunan naming umupo sa isang trunk na nadaanan namin. Tama lang ang laki para makaupo kami nang komportable.

"Not yet. Where is he?" I asked.

I almost forgot about Kuya Gilau. He is ten years older than me. He's like a big brother to me dahil sa pagiging maalaga niya sa 'kin. He treated me like his own little sister.

"Baka busy din siya. Alam mo namang walang ibang inaatupag 'yon kung 'di ang negosyo nila."

May maliit na negosyo sila Kuya Gilau. They are producing furnitures made of woods. 'Di basta basta ang mga kahoy nila dahil matitibay iyon.

"Pero puntahan na natin kasi baka magtatampo 'yon kapag malaman niyang umuwi ka pero 'di ka man lang nagpakita sa kanya."

"Hmm," I tapped my chin. "Sige!" I grinned.

Nilakad namin ang daan papunta sa pagawaan ng muwebles nila Kuya Gilau. Masikip din at medyo maputik. Baka umulan dito kagabi at 'di pa natutuyo ang daan.

"Dahan dahan, Solaire. Baka madulas ka," concerned na sabi ni Philia.

"Okay. Ikaw din." Sagot ko.

Maingat naming binaybay ang daan hanggang sa narating namin ang pagawaan. Ilang metro pa lang ang layo namin mula roon ay naririnig ko na ang pamilyar na ingay ng makina. Ngayon lang nag sink in sa utak ko na nandito na nga ako sa Romblon. Na malayo ako mula sa nakagisnan kong paligid na puro chinese characters and nakikita. Most of the color is red dahil swerte iyon lalo na sa negosyo. Marami ring mga palamuti para mas lalong masagana ang buhay.

"Kuya! Kuya!" Sigaw ni Philia. Natigil sa pagtatrabaho ang mga tao sa loob ng pagawaan dahil nakiusisa sa nangyari sa labas.

May lumabas na 'di pamilyar na lalaki. Malaki ang pangangatawan at may tatoo sa biceps. He looked dangerous for a little girl like me. Napayuko ako dahil sa takot na nadarama.

"Bakit, Philia? Anong nangyari?" Rinig kong tanong nito. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nadatnan ang malalim at mausisa nitong mata.

"Si Kuya Gilau po nasaan?"

"Bakit?" Isang masungit na boses ang sumagot ng tanong. Umatras kaagad si Philia. 'Di ko alam bakit.

"Nandiyan po ba si Kuya Gilau?" Tanong ko. Kilala ko ang lalaking 'to. If I was not mistaken, related siya kay Kuya Gilau. A brother, perhaps?

"Is that you, Solaire?" He asked and I abruptly knotted my brows together.

He knew me? I thought hindi.

"Uhh," I blushed. "Opo, kuya. Nandiyan po ba si Kuya Gilau?"

"Ah, wala rito. Kararating mo lang ba?"

Nagpunas siya ng kamay gamit ang isang puting damit na medyo marumi na. Lumapit siya sa akin while Philia cowered.

"Opo, Kuya Sat." I smiled at him. I felt at ease.

I remembered Kuya Sat is the older brother of Kuya Gilau. Medyo masungit siya pero mabait naman.

"Guillaume will be right back, Sol. Baka maya maya ay nandito na 'yon."

"Sino, kuya?" Rinig naming pamilyar na boses. Umikot kaagad ako at nakita si Kuya Gilau na ngayo'y nakasando at nakaboxer. Medyo maputik ang kanyang suot.

"Kuya Gilau!" Tawag ni Philia sa kararating na lalaki. Tumakbo siya papunta roon. "Saan ka galing? Bakit ang dumi mo?"

Kuya Gilau turned to Philia na ngayo'y chinicheck ang kanyang sando. Bigla naman siyang napatingin sa akin. Kumunot kaagad ang noo niya.

"Solaire?" He called, sounding unsure. Napabaling sa amin si Philia nang wala sa oras.

"Hi, kuya." I waved awkwardly.

It felt foreign. Ang makita siyang muli ay nakakapanibago sa pakiramdam. I was four when we became friends. Now that I am six, sana ay magkaibigan pa rin kami.

"Ikaw nga!" Humalakhak siya at tumakbo papunta sa 'kin. Halos tumili ako nang kinarga niya ako at hinalikan sa pisngi. "I miss you, Sol! Mabuti at nakauwi ka rito?"

Maingat niya akong binaba sa lupa na parang isang babasaging nagkakahalaga ng buhay.

"Thank you," I said.

"Maligo ka muna, Gilau. Ang baho mo na." Pang-aasar ni Kuya Sat. Nagkamot naman ng batok si Kuya Gilau dahil sa hiya.

"Sige sige." He said and turned to Philia. "Punta kayo sa bahay, Philia," hinarap niya ako. "... lalo ka na, Sol. Namimiss ka na ni Lolo Pablo."

"Okay, kuya." I gave him a tight smile. He nodded at me then turned to Philia again.

"Sige, ha? Ligo muna ako. Nakakahiya sa inyo." Ngumisi siya at ganoon din ang ginawa ni Philia.

Nang umalis si Kuya Gilau ay inasiko kami ni Kuya Sat. Pinaupo niya kami sa isang kahoy na upuang nasa loob ng pagawaan. Tumigil na rin sa pagtatrabaho ang mga tao rito dahil oras na ng pahinga.

"When did you arrive here, Sol?" Tanong ni Kuya Sat at nilapag ang baso sa mesang nasa tapat namin.

"Kanina lang, kuya." Sagot ko. Kumuha ako ng tinapay at kinagatan kaagad ito. "Ang sarap naman nito, kuya."

"Talaga?" Nagpakawala siya ng mumunting halakhak.

"Yes," I nodded. I was enjoying eating the bread when I noticed Philia was silent. "Bakit?" I asked her as I held her wrist. Gulat naman siyang bumaling sa 'kin.

"Wala naman," tipid niyang sagot at naglihis ng tingin.

"Lolo Pablo will definitely be happy to see you today, Sol." Pag-aagaw ng atensyon sa 'kin ni Kuya Sat.

"Talaga po? Miss ko na nga siya, e."

"Yeah. And where did you learn speaking tagalog?"

"Huh?" I protuded my lips. "Si ma ma. While I was studying in kindergarten and up to now, I'm trying to learn tagalog words."

"That's good to hear, Sol. I don't need to speak english just to communicate with you."

"Wow, kuya," I scoffed and he laughed at my reaction. "I'm fine. And thank you for the effort."

"You're always welcome," he smiled.

Nagpaalam muna si Kuya Sat na umuwi ng kanilang bahay. Okay lang naman sa 'kin 'yon para makausap ko na si Philia. Kanina pa talaga kasi tahimik.

"Okay ka lang, Philia?" I asked her. A curt nod was only her reply. "I know you're not."

Bakit kaya tahimik lang ang babaeng 'to? 'Di naman siya ganito kanina.

"Kuya Sat is scary kaya!" Reklamo niya.

"Huh? He's not." I objected.

Mabait si Kuya Saturnine. 'Di ko alam bakit sinasabi ni Philia na hindi.

"If only you know him well, Sol. Ang sungit niyan!"

"Paano mo nasabi?"

"Basta. Naku kung makita mo 'yang nagagalit, magtago ka nalang." Humalukipkip siya at tumalikod sa 'kin. Naguluhan naman ako sa inaasta niya. Sa huli ay pinagkibit balikat ko na lamang iyon.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na si Kuya Gilau. He was literally fresh from the bath. Manipis na light brown sando ang kanyang suot. Tama lang sa moreno niyang balat.

"So, ano? Tara na sa bahay?" Aya niyang nakangiti. Tumango naman kami ni Philia. Medyo lumiwanag na ang kanyang mukha.

"Tara na, kuya!" Excited nitong tugon. "'Di kami magpapagabi kasi baka hahanapin kami ni tatay."

"Okay lang 'yan." Kuya Gilau assured. "Ako ang bahala sa inyo. Ihahatid ko nalang kayo kung sakaling magagabihan kayo."

"Sige." Sagot niya.

Tumulak na kami papunta sa bahay nila Kuya Gilau. Mga limang bahay lang ang layo nito mula sa paggawaan kaya mga limang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa tapat nito.

"Lolo Pablo!" Tawag ni Kuya Gilau. "Nandito na si Solaire!"

Nilingon ako ni Kuya Gilau at ngumiti nang kita ang ngipin. Sa sandali pa ay tumakbo siya papasok ng bahay. Baka 'di siya narinig ni Lolo Pablo.

"Lagi ka pa namang hinahanap sa 'kin ni Lolo Pablo," biglang sabi ni Philia na katabi ko lang.

"Talaga? Why?" I asked as I faced her.

"Siyempre natutuwa si lolo sa 'yo. Ang bait bait mo raw."

"Really?" Saglit akong tumunganga sa kawalan. Siniko niya ako at sumenyas na tumingin nang diretso. Ginawa ko naman 'yon kaya nakita ko si Lolo Pablo na nakasaklay. Tinutulungan siya ni Kuya Gilau na maglakad.

"O, apo. Nariyan ka na pala." Bati niya. I smiled abruptly and ran towards him.

"Lolo Pablo!" I greeted him. Umupo siya sa silya saka ako nagmano.

"Kaawaan ka ng Diyos," he said. "How are you?"

"I'm fine, Lolo Pablo." I smiled and glanced at Kuya Gilau. Nakatingin na pala siya sa 'kin nang nakangiti. "Kayo po?" I turned to the old man.

"I'm good... yes, I'm okay." He chuckled. Nahawa ako kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Have a seat, Sol. Make yourself comfortable."

"Oh, thank you, Lolo Pablo." I replied and smiled.

avataravatar
Next chapter