6 Kabanata Apat

"Come here, Tzu En! Let's play!" Aya ko kay Tzu En na ngayo'y nagmumuktok sa kanyang upuan. Nakabusangot na naman.

He didn't respond kaya tumakbo ako papunta sa kanya. Galing pa ako sa labas ng school, nakipaglaro sa iba naming kaklase. Dahil 'di ko naman puwedeng iwan si Tzu En dito mag-isa, bumalik ako sa silid para imbitahin siyang maglaro kami ng soccer.

"Hey!" I poked his side. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at muli na namang yumuko. "Ni hao ma?"

"Uhh," nag-angat siya ng tingin sa 'kin. Namula na naman ang kanyang pisngi. Siguro dahil sa lamig. Ang sabi ni ba ba sa 'kin ay mags-snow. 'Di niya lang alam kung kailan but within this week umano.

"Let's play!" Pamimilit ko. "You know it's good to use your body once in a while."

Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko. Ngumisi naman ako dahil alam kong may mali sa sinabi ko.

"I mean, exercise! Don't you want to be healthy?"

"I'm... tired,"

I pouted. Gusto kong maglaro kami ni Tzu En ng soccer pero kung ayaw niya, iba nalang siguro ang gagawin namin.

"Do you draw? Paint? Dance? Sing?"

I tapped my chin, contemplating. Ano pa ba ang puwedeng gawin? Or anong talent kaya meron siya?

Biglang ngumiti si Tzu En. Ibinalandra niya sa 'kin ang maliliit niyang ngipin.

"If you're free later, come to my house. Let's play piano!"

I snapped my eyes open and formed my lips O. Namangha ako sa sinabi niya.

"You can play piano?" 'Di ko makapaniwalang tanong. He nodded and smiled at me. "Great! I want to watch!" I giggled.

I was excited to watch him playing piano. Sino kaya ang nagturo sa kanya? Was his dad? Mom?

Pagkatapos ng klase namin ay nagligpit kami ng mga gamit. Sabay kaming naglakad palabas ng school. Excited ako na mapanood siyang tumugtog ng piano. Parang sa murang edad ay alam na niya ang kanyang talento.

Napahinto ako sa paglalakad nang nahagip ko ng tingin ang pamilyar na sasakyan. Sasakyan namin iyon at si ba ba ang nagmamaneho. He usually fetched me up while ma ma is taking care of her business.

"Wait me, okay?" Paalam ko kay Tzu En. Tumango naman siya. "I'll ask ba ba if I am allowed to come over to your house."

'Di ko na hinintay pa ang kanyang sagot. Tumakbo kaagad ako kay ba ba na sinalubong ako ng yakap.

"Ba ba!" Masaya kong bati sa kanya. He hoisted me up and kissed my cheeks.

"Who was that, honey?" He asked in Mandarin language.

"Tzu En Huang, ba ba. He asked me to come over to his house so I can watch him playing piano."

"Tzu En Huang?" Pag-uulit niya. Sa haba ng sinabi ko ay parang 'yon lang ang narinig niya. "You friend with him?"

Natahimik ako. Natakot ako bigla. 'Di pa niya alam na kaibigan ko na si Tzu En. Isang taon na kaming magkakilala ng kaklase ko at ngayon lang niya kami naabutang magkasamang umuwi. I usually walked alone palabas ng campus. And to think may lakad kami ni Tzu En, baka magagalit na talaga si ba ba sa 'kin.

"Ni hao, Heather!" Boses ng lalaki ang bumati. Pareho kami ni ba ba na gulat na napalingon sa lalaking may-ari ng boses.

"Oh, Mr. Huang." Bati ni ba ba. Binaba niya ako para makipagkamayan sa estranghero.

"You sent your daughter Lian Wan here?" He asked. May accent ng Chinese.

But wait, this strange man knew me? How? Kailan pa sila magkakilala ni ba ba?

I saw Tzu En walked towards us. Kinutuban akong Papa niya ang lalaking kausap ni ba ba ngayon.

"Yes, Mr. Huang. And your son, too?" Sagot ni ba ba.

"Oh, yes," Mr. Huang chuckled at iprinisenta niya sa amin ang kanyang anak na si Tzu En. "This is my son, Tzu En Huang."

"Papa!" Tawag ni Tzu En. Bumaling naman sa kanya si Mr. Huang. "I invited Lian Wan to watch me playing piano."

"Really?" Namangha si Mr. Huang. Naramdaman ko naman ang paghawak ni ba ba sa balikat ko.

"Yes, Papa. Is that okay?"

Nagkatinginan ang dalawang ama. Napatingin naman ako kay Tzu En na ngayo'y nakangiti sa akin. Namumula ang kanyang pisngi at ilong.

"Why not, Mr. Huang?" Si ba ba ang sumagot, gamit pa rin ang wika niya. "I'm sure they'll be good friends. If that's the case, there will be no problem about the marriage."

"Hūnyīn, ba ba?" Kuryoso kong tanong kay ba ba sabay angat ng tingin sa kanya. He looked down at me and smiled. (Marriage)

"Nothing, Lian Wan." Sagot niyang may ngiti at bumaling muli kay Mr. Huang. "So? I guess you'll watch over my daughter, Mr. Huang."

"Mei wen ti." Sagot ni Mr. Huang. (No problem)

Ba ba bent forward to level our eyes. He tucked the loose strands of my curly hair and kissed my forehead.

"Behave, Lian Wan, okay?" He said in his own language. Kahit 'di ko alam kung bakit ganoon ang sinabi niya ay tumango ako. He smiled and I knew he was proud of me.

Ba ba stood up straight and made a hand gesture saying "Xiexie ni."

After that, tumulak na kami sa bahay nila Tzu En. Habang nasa biyahe, wala akong ibang iniisip kung 'di ang inasta ni ba ba kanina. Parang naging okay sa kanya na pumunta ako sa bahay ng mga Huang. It was my first time to experience na halos ibigay ako ni ba ba sa isang pamilya. Usually hindi siya pumapayag lalo na kung may mga batang lalaki. He also didn't allow me to be friend with boys at my age. At ang nakapagtataka lang din ay nabanggit niya ang marriage. 'Di ba kasal iyon?

Nang huminto ang sasakyan ay napatingin ako kay Tzu En na katabi ko at katabi niya ang kanyang Papa. He also glanced at me and smiled shyly.

"Where are we?" I asked him.

"We're home, Lian Wan."

"Oh," was the only word I said.

Lumabas ang Chinese na driver. Pinagbuksan niya kami ng sasakyan. Masasabi kong mala-prinsipe ang trato ng mga tao rito kay Tzu En. Feeling ko'y napakaswerte niyang tao. Pinanganak siyang mayaman.

Mayaman naman ang pamilya namin. We have our business na si ba ba ang namamahala. Si ma ma naman, mayroon din siyang negosyo. 'Di ko nga lang alam dahil 'di naman ako nanghihimasok sa trabaho niya. Isa pa, ayaw niyang may koneksyon ako rito. 'Di rin naman sinabi sa akin kung bakit.

Naunang lumabas si Mr. Huang at sumunod si Tzu En. Si Mr. Huang ay kaagad na pumasok sa kanilang bahay while Tzu En waited me. Nang nakalabas na ako'y sinara muli ng instik na drayber ang pinto at umikot saka pumasok muli sa loob. 'Di nagtagal ay umalis ang sasakyan.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Ang kanilang bahay ay sobrang ganda at halatang pang mayaman. May curvature ang magkabilaang dulo ng kulay abong bubong. Ang mga haligi ay kulay pula. Made of trasparent glass naman ang iba nilang dingding kaya kahit nasa labas ka'y makikita mo ang itsura sa loob.

"Your house is so cool!" Puri ko. 'Di ko maiwasang mamangha. Dim light ang shade sa loob.

Nilingon ko si Tzu En dahil 'di siya sumagot. Nadatnan ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Nilalamig kaya siya?

"Ni hao ma?" Tanong ko. Tumango naman siya, mukhang nahihiya sa 'kin. "Let's go inside?" Aya kong may ngisi. Excited na akong makapasok sa loob.

Nang tumango siya bilang tugon ay 'di na ako nagdalawang isip na hilain siya papasok ng bahay. Para akong aattend ng isang party sa sobrang excited. I've never been to this kind of house. 'Yong sa amin, bagaman may touch ng modern, mas malaki at mas maganda pa rin 'tong kanila Tzu En. Napakayaman talaga nila.

Pagkapasok namin sa loob, the warm environment welcomed me. Mas namangha ako dahil 'di sila makakaramdam ng lamig dito sa loob ng bahay kahit pa mag snow sa labas. And there were chandeliers na dim ang light. Everything was touched with elegance and modern time.

"Wow!" Tanging nasabi ko. Sobrang ganda ng bahay nila!

"Uhh," Tzu En trailed off. Nang bumaling ako sa kanya, mukha na naman siyang nahihiya sa 'kin. "Let's eat?"

"Sure!" I agreed and grinned at him. Muling namula ang kanyang mukha.

Their cook served us Chinese foods like cong yo bing, baozi and Sichuan cuisines like Kung Pao Chicken and Ma Po Tofu.

"Tai Xiexie le, Mr. Huang!" Sabi ko nang nabusog ako sa hinanda nilang pagkain. Mabuti at sanay akong kumain ng maaanghang na pagkain kaya 'di na bago sa panlasa ko ang Ma Po Tofu. (Thank you so much)

"Bu yong xie, Lian Wan." (No need to thank.)

I grinned at Mr. Huang. He was very nice to me. Kaya nawala ang pagtataka ko kung bakit ganoon kung makaasta si ba ba sa kanya kanina dahil pinagkakatiwalaan niya pala ito.

Matapos naming magpahinga para bumaba ang mga kinain namin ay pumunta na kami sa isang silid kung nasaan ang malaking piano ni Tzu En. It was a classic piano or a grand piano na kulay itim.

"Who taught you to play piano, Tzu En?" I asked him. Tahimik lang siya habang inaayos ang kanyang upuan.

"Papa," he simply said. Umupo siya sa upuan. Lumapit naman ako para mapanood siya nang malapitan.

"Oh, I see..." sagot ko.

He glanced at me with hesitation plastered on his face. It was either nahihiya siya sa 'kin o 'di siya komportable na may nanonood sa kanya.

Huminga siya nang malalim at itinuon ang buong atensyon sa piano. He then placed his fingers on the tiles, dahilan para tumunog ito. Una pa lang ay nakuha na niya ang atensyon ko. Mas lalo akong namangha sa kanya.

I was eight years old when I learned Tzu En was good in playing piano. Nakilala ko rin ang kanyang ama na ubod ng bait. Simula noon, okay na kay ba ba na nakikipagkaibigan ako sa ibang lalaki, kaklase ko man o hindi. Pakiramdam ko'y mula nang nalaman niyang magkaibigan kami ni Tzu En ay pinagkatiwalaan na niya ako.

"Ligo tayo, Sol!" Sigaw ni Philia, beckoning at me. Tumalon naman ako sa tuwa at tumakbo papunta sa kanya.

It was summer again and ba ba allowed me to fly back to Philippines without any conditions. Nakakapanibago lang kasi kung dati kailangan ko siyang hamunin, ngayon ay kusa na siyang nagsasabi na may ticket ako pabalik ng Pinas kahit 'di ko na binabanggit iyon. Siguro naging abala ako sa pakikipagkaibigan kay Tzu En. May improvement na kasi sa kanya. Nagsasalita na siya pero still, namumula ang mukha lalo na kapag nahihiya siya sa akin.

"Hintay!" Sigaw ko at tumawa. Hinayaan ko ang sarili kong salubungin ang kalmadong alon.

Asul na asul ang kulay ng dagat. Sa coastal zone ay white dahil mayroon pang puting buhangin pero habang palalim nang palalim ang dagat ay dumidilim ang lilim ng kulay asul.

Tawanan lang kami ni Phila habang nagtatalsikan ng seawater. Sobrang saya ko dahil sa wakas, nakauwi muli ako sa Romblon. It was a breath of relief dahil puro aral lang ang ginagawa ko sa China bukod sa pakikipag-usap kay Tzu En.

"Hey! Hey! Hey!" Rinig naming boses ng pamilyar na boses. 'Di nagtagal ay nagambala nang husto ang dagat dahil sa mabigat na taong lumangoy. Tumili kami ni Philia dahil sa ginawa ni Kuya Gilau.

"Kuya!" Tawag ko kay Kuya Gilau. Umahon siya at muling lumangoy papunta sa akin.

"Why, Solaire?" He asked and I giggled at him.

"Si Kuya Saturnine po nasaan?" I asked him. Napansin ko kaagad ang pag-iiba ng ekspresyon sa mukha ni Philia nang narinig niya ang pangalan ni Kuya Saturnine.

"Ah, abala sa bahay." Sagot ni Kuya Gilau. "Gusto mo, punta tayo sa malalim?"

Ginapangan kaagad ako ng kaba. Iniisip ko pa lang na 'di ko na abot ang lupa ay natakot na ako. Paano pa kaya kung pupunta kami sa malalim na parte ng dagat? Baka malunod ako!

"It's okay, Sol. I'm here to guide you." He assured but it didn't change the fact that I was scared.

"Tara, Kuya Gilau!" Aya ni Philia. Nang nilingon ko siya'y malawak ang kanyang ngisi sa mukha.

"You can swim, Philia?" I asked kahit alam kong noon pa man ay magaling na lumangoy si Philia. Siyempre nasanay na siya rito. Buong buhay niya'y dagat ang kasama niya.

"Don't worry, 'di ka pababayaan ni Kuya Gilau."

I turned to Kuya Gilau na ngayo'y nakangiti sa akin. His smiles were giving me assurance na walang mangyayaring masama sa akin. Kaya sa huli, pumayag akong lumangoy kami roon sa malalim na parte ng dagat.

Mahigpit ang pagkakapit ko kay Kuya Gilau, takot na baka makawala ako sa bisig niya. Dahil 18 na siya, malaki na ang kanyang katawan. Ang laki ng pinagbago niya: physical, mental and social. Kung dati ay responsable si Kuya Gilau, mas naging responsable siya ngayon. At ganoon din si Kuya Saturnine, mas kumisig kumpara sa dati niyang pangangatawan.

Huminto na sa paglalakad si Kuya Gilau. Nilibot ko kaagad ng tingin ang buong paligid at tinantiya iyon mula sa dalampasigan. May kalayuan na pero alam kong ligtas pa rin kami. Mukha namang abot pa ni Kuya Gilau ang ilalim dahil hanggang dibdib niya lang ang dagat.

"Takot ka pa rin ba, Solaire?" He asked. Tinignan ko siya nang diretso sa mata.

He has a deep set, caramel brown color eyes. Straight ang kanyang bushy eyebrows; high nose bridge with normal tip. Dahil wala siyang suot pantaas ay kita ko ang maninipis niyang buhok sa dibdib. At ang kanyang panga, itinuon ko ang tingin ko roon at napahawak dito dahil gusto kong maramdaman ang kanyang stubbles.

"Don't you shave, Kuya Gilau?" I asked and looked straight at him. Gumalaw ang kanyang lalamunan at malalim ang kanyang tingin sa akin.

"Tara na, Kuya Gilau!" Philia interrupted. Pareho kami ni Kuya Gilau na napabaling sa babaeng lumalangoy papunta sa mababaw na parte ng dagat.

"Let's go, Kuya Gilau." Aya ko. "Baka hinahanap na ako ni ma ma."

Kuya Gilau simply nodded and gave me a small smile. Ilang segundo ang lumipas ay napagdesisyunan na niyang bumalik kami sa patag. Napanatag ang loob ko dahil alam kong 'di na mag-aalala sa akin si ma ma.

avataravatar
Next chapter