1 Chapter 1

It's raining so hard at wala akong sundo. Hindi ko na kontak ang driver namin at ang mga lalaki naman ay may sinusundo daw sila sa airport.

"Puta sino ba yan? Importante ba yan? Pano ako?"

"Mag taxi ka nalang, Rey..." sagot ni Daxton sa kabilang linya.

Binaba ko ang tawag at hindi na nagsalita pa. Maingay sila sa iisang sasakyan kaya mas lalo lang ako pinag-initan ng dugo. How dare them have fun without me? Kaibigan ko ba talaga tong mga gagong 'to?

Naghanap na ako ng taxi na pwedeng sakyan. Habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan ay hindi ko maiwasang hindi magtaka kung sino iyong sinundo nila. I mean it seems like all of them know whoever that person is parang ako lang ang walang alam. Is Sarah with them too? I hope not para may kasama akong walang alam.

Nang nasa bahay na ako ay inirapan ko ang driver namin. Hindi ko na siya pinagalitan o pinagsabihan pa kasi in the first place ako naman ang nagsabi sa kanyang wag ako sunduin kasi sasama ako kay Daxton but that jerk just ditched me.

Inilapag ko sa kama ang mga pinamili ko. Doon ko din napagtanto na marami pala akong napamiling bagay na hindi ko naman kailangan. Well, it's okay, dad doesn't give a fcuk about it.

Habang nagbibihis ako ay biglang nag ring ang cellphone ko. I guess I know who that is.

"Rey..."

"Oh? Nasan ka?"

"Can you please come here?" Sarah said in a low voice. I can sense sadness on it.

"O-okay" sagot ko at binilisan ang pagbihis. I'm only wearing a pajama pero binalewala ko na iyon at dali-daling bumaba para makaalis na. Narinig ko pa ang tawag ni Tita Valentina sa'kin pero hindi ko na iyon pinansin. She will just probably say non sense things.

"Hello tita!" bati ko sa mommy ni Sarah pagdating ko sa bahay nila.

"Hi, anak! Si Sarah hanap mo? She's in her room ayaw lumabas."

"Sge po, Tita. Puntahan ko lang." pagpapaalam ko at tumango lang yung mommy niya sa'kin.

Pagbukas ko sa pintuan ay agad kong nakita si Sarah na nakahiga sa kama niya. What's the matter this time??

"Sarah..." tawag ko at agad naman siyang bumangon para harapin ako.

"Rey"

"Ano na naman yang problema mo?"

"Help me, Rey"

"Tell me what's going on first"

"The guy that I'm telling you is in here now."

"Which one? Madami kang kino-kwento sa'kin"

"Aaahhh! This is frustrating" sigaw niya na tila ba inis na inis talaga siya.

"Mag kwento ka nga ng maayos!"

"Remember I told you that my parents will arrange me into someone? That guy is in here now! Like nakaapak na talaga siya dito sa Cagayan!"

"What's the problem, then? Meet him! Baka sakaling magustuhan mo."

"I'm pretty sure I'm not gonna like him, Rey. I'm so sure about that."

"There's nothing wrong in trying, Sarah. Marami pang oras para makilala niyo ng maigi ang isa't-isa"

"I like someone and you know that."

"Stop liking that man, Sarah! Ilang beses pa ba niyang kailangan ipamukha sayo na hindi ka niya gusto para matauhan ka?"

"Yeah, right. He likes you nga diba?" ani niya at sarkastikong tumawa.

"Sarah" may pagbabantang banggit ko sa pangalan niya.

"What?" sagot niya at tumawa na naman.

"That's not funny at all" napa-iling na sabi ko at akmang tumayo pero bago pa ako makatayo ay hinawakan na ni Sarah palapulsuhan ko.

"One favor. Just one."

Nilingon ko siya at hinintay ang kadugtong ng sinasabi niya.

"If I won't like him please help me"

Her stares is pleasing like she badly needs my help.

"Seduce him or what. Baka sakaling magustuhan ka niya at siya na mismo ang maghahanap ng paraan para hindi kami magkatuluyan"

"Naririnig mo ba ang sarili mo?! You dumbshit!"

"I don't want to disappoint my parents, Rey. I really don't..."

Her eyes is now teary and it's hurting me. I don't wanna see her cry. I know how she badly wants to make her parents proud of her. Saksi ako sa ibang pagtrato ng magulang niya sa kanya. Her parents treats her so poorly compared sa kapatid niya. She must've felt so insecure.

"Gusto kong siya mismo ang umayaw sa'kin. I disappoint my parents so many times at ayaw ko nang dagdagan pa." she said as her tears flow down to her cheeks.

Umupo muli ako sa kama niya at niyakap siya. I can't afford to see her cry again for the same reason.

"I'll try..."

avataravatar
Next chapter