webnovel

CHAPTER 1

"Hailee, kahit anong tingin mo dyan, hindi magsasalita 'yang poster na yan."

"Bitter." She said, "Siguro hindi pa binibigay ng boss mo sa isang store yung sweldo mo noh? Ang sungit mo eh!"

"Alam mo sa totoo lang, I'm thankful na ang bestfriend ko owns a coffee shop. Atleast may income ako kasi hinayaan mo ko dito magtrabaho." I said, "Masaya naman ako dito except pag dumarating Kuya mo na ang hilig mambwisit."

"Hi girls!" And this is Raphael Villar, Hailee's twin brother. "Alam niyo na order namin."

"Nag-cut class ka nanaman ba?" Tanong ko, "Alam mo, wala ka talagang matututunan nyan if puro ka cut class. Paano ka na sa college?"

"Anong paano? I have you." Napa-taas kilay ko, "You'll help. Ano pang silbi mo as my tutor?"

Oo nga pala, I am Raph's tutor. Hindi naman kasi siya bobo, tamad lang. Buti nalang talaga at malakas ang business nila kasi if not, nako! Hindi ko hahabaan pasensya ko sa taong to.

"By the way, magkano na ipon mo para sa tuition mo next sem?" Hailee asked.

"Sakto naman na siya, all I have to think about is yung expenses ko like pamasahe papuntang school at pagkain." I sigh, "Buti nalang talaga marami akong part-time job."

"Kamusta naman sa bahay nyo?" Napa-tigil nalang ako sa tanong ni Hailee, "Hindi pa rin okay? Hindi ka pa rin kinakausap ni Tito?"

"Napagod na ako besty. Puro yung bagong asawa nya lang naman pinapaniwalaan niya at si Ate Jane."

"Simula nung natapos yung investigation sa sunog, biglang nagbago si Tito."

Sa totoo lang. Bigla nalang niyang kinalimutan si Mama, pati mga pinagsamahan nila. Hindi ko alam kung ano bang nalaman ni Papa sa case ni Mama, gusto ko rin malaman pero paano? Ni-hindi nga ako kinakausap ni Papa.

Natapos nanaman ang isang araw na nagsserve ako ng customers at nagtitimpla ng kung ano ano para sa kanila. Araw araw kasi iba trabaho ko. Saturday and Sunday, nandito ako sa coffee shop nila Hailee. MWF ng madaling araw, nasa convenience store ako at TTH naman nagddeliver ako ng mga pagkain.

Ganon ako ka-problemado sa mga gastusin. Malapit na rin kasi yung death anniversary ni Mama, kailangan ko magdala ng bulaklak sa kanya at syempre maipangako na makakatungtong ako ng college.

Next chapter