webnovel

KABANATA 1

Isinalansan kong mabuti ang mga aklat sa minishelf sa may tabi ng aking study table. Napaubo pa ako sa mga alikabok na kumakawala doon. Binuksan ko ang mga mini drawer ng aking lamesa at nilagyan ko iyon ng mga gamit ko sa engineering. Kumpleto lahat; all size ng bond paper, iba't ibang klase ng panukat at mga lapis na may iba't ibang kapal. Pinunasan ko ng tuyong basahan ang ibabaw nito tsaka ko sinunod ang basang basahan at panibagong punas ulit ng tuyong basahan. Pati ang aking computer chair ay maayos ko ring pinunasan. Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga matapos kong gawin iyon. Sumulyap ako sa kabilang table na halos katabi lang ng akin. Nahagip ng mata ko ang seryoso niyang mukha, mga mata niyang walang emosyon at mapula niyang labi na nakaguhit sa tuwid na linya.

Oras-oras pinapangarap kong makasama ang lalaking ito. Kahit pagkakaibigan lamang ay tatanggapin ko. Napangiwi ako ng maalalang naging magkaibigan nga pala kami pero sinira ko iyon ng walang pahintulot niya. Simple lang, iniwasan ko siya. Mali, dahil napakahirap 'nun kung tutuusin. Hindi ko kayang mapalapit sa kaniya ng matagal dahil pakiramdam ko'y lalala lamang ang aking nararamdaman at nakakatakot iyon sa parte ko.

"Hmmm, d-do you want me to c-cook for our dinner?" Nahihiyang tugon ko. Lalo akong nahiya ng maalalang hindi nga pala ako bihasa sa pagluluto.

"You sure?" Balik na tanong nito sa akin. Tumaas pa ang isang kilay niya dahilan ng pag-usbong ng panibagong lebel ng hiya ko.

"I c-can....c-cook?" Sambit ko na nagmukha pang tanong dahil sa kabang nararamdaman.

Natawa siya sa sinabi ko. "You can't." Sabi nito na parang siguradong sigurado pa. Bahagyang lumabas ang inis ko.

"M-matututo rin ako!"

Padabog akong pumasok sa aking kwarto. Mariin akong napapikit ng marinig ko pa ang halakhak niya sa labas. Sumalampak ako sa aking kama dahil gusto ko munang magpahinga. Maghapon kasi naming nilinis ang bahay na ito at medyo nabawasan ang lakas ko.

They say "Woman place is in the kitchen, cooking a man a delicious meals", pero 'ni kailanman ay hindi naging maganda ang pananatili ko sa kusina. I really did my best to learn how to cook pero 'nung makita nina Mama ang mga nangyayari sa aming kusina ay pinagbawalan na ako nito. Nasasayangan kasi sila sa mga pagkaing nailuluto ko dahil kung hindi sunog ay hilaw naman. Pero gusto ko pa ring matutunan 'yun!!

Malapit na ang unang pasukan namin sa kolehiyo at civil engineering ang kinuha kong kurso dahil bukod sa hilig ko ang asignaturang matematika ay medyo may alam rin naman ako sa pagguhit. Accountancy ang kinuha ni Enzo pero kahit may malapit naman na eskwelahan sa lugar namin na may kursong ganun ay sinamahan niya pa rin ako dito.

Walang civil engineering sa mga kolehiyo malapit sa sitio namin, kung meron man ay pribadong paaralan na iyon. Naging dahilan iyon ng pagdayo ko dito sa Batangas para dito magtake ng college degree.

Ang plano ko sana'y mangupahan na lang para hindi na ako pabalik balik sa amin at ganun lang rin naman ang magagastos. Balak ko ding mag-apply ng trabaho, gusto ko ding kumita habang nag-aaral pa lang. Pandagdag na rin sa panggastos sa aking pag-aaral.

Pero mas natuwa ako dahil iminungkahi ng Mommy ni Enzo na dito na lang muna ako pansamantalang tumira. Hindi na rin nila ako pinagbayad dahil hindi naman daw ako iba sa kanila lalo na't magkaibigan sila ni Mama. Medyo nahiya ako dun pero tinanggap ko na din, maganda rin naman itong oportunidad. Hindi ko na kailangang gumastos sa renta. Ang babayaran ko na lang ay ang bill ng kuryente at tubig pati na ang sa groceries. Sa totoo lang ay hati pala kami ni Enzo doon. Hindi naman talaga kailangang samahan niya pa ako dito dahil kaya ko naman ang sarili ko. Napalayo pa tuloy siya sa kaniyang pamilya.

"Dinner is ready" naalimpungatan ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nakaidlip pala ako siguro'y gawa na rin ng pagod.

"Palabas na" Inayos ko muna ang higaan ko pati na rin ang hitsura ko bago nagpasiyang lumabas na ng kwarto.

Hindi naman ganung kakalat ang bahay na ito ng datnan namin, actually maayos naman ang pagkakasalansan ng mga gamit. Puro alikabok nga lamang dahil walang nakatira dito at 'nung isang buwan pa daw ang huling pagpapalinis nila rito. Kumpleto naman ang mga appliances, may refrigerator rin pero walang laman, may microwave, rice cooker, gas stove at may washing machine din with drier. May malaki ring flat screen na TV sa may salas at magaganda pa ang mga sofa. May dalawang kwarto na kasalukuyang ginagamit naming dalawa at may banyo ang mga kwartong ito. Pero may banyo pa din naman sa tabi ng kusina. Nasa gilid ng kwarto ko ang study area naming dalawa, open space iyon at makikita mo agad kapag pumasok ka sa bahay. Mini Gym iyon pero ginawa talaga namin iyon para sa lugar ng aming pag-aaral. Hindi ako pinayagan ni Enzo na mag-aral sa loob ng kwarto ko dahil baka daw ako mabaliw, gayung hayuk na hayuk pa naman ako sa pag-aaral na minsan pa daw ay kinakalimutan ko ang pagkain maintindihan lamang ang mga letra sa aklat.

"Pupunta dito si Ellish tomorrow" tugon nito nang makaupo ako sa harap niya. Kinuha ko ang lalagyan ng kanin at nagsandok 'nun.

"Go ahead, I have n-no rights to s-stop you" Kumuha na rin ako ng ulam at nagsimulang kumain. Yes, I like him. No, I love him. Mahal ko siya at masaya ako dahil nahanap rin niya ang sariling kasiyahan sa babaeng kasalukuyan niyang mahal at patuloy na minamahal. Napangiwi ako sa naisip at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

"No, nakatira ka rin dito so I need your permission, too"si Enzo.

"Oh come on, Kim Lorenzo. This is your house, not mine. You can do what you want" Pinagpatuloy ko ulit ang pagkain ko.

Oo, masaya ako sa kanila. Pero hindi naman sa nagseselos ako, pero ayoko sa babaeng iyon. I'm not really in judging someone, actually I hate judgmental people. Pero 'di ko lang maiwasang pag-isipan ng hindi maganda ang babaeng iyon. Pabor sa kanilang dalawa ang lahat kaya sigurado akong ako lang ang nakakapansin 'nun. O kaya'y sadyang ganun lang ang pakikitungo niya sa akin. 'Di ko naman masasabing ganoon ang normal niyang pakikitungo sa mga tao, dahil napapansin ko namang maayos siyang kumilos sa harap ng mga ito.

"Ako na ang maghuhugas ng plato" sabi ko sa pagitan ng pagnguya ko.

"No, ako na. Take a rest. I know you're tired" pagtanggi nito.

"Tayong dalawa ang naglinis kaya hindi lang ako ang pagod. Ilagay mo na lang 'yang pinagkainan mo sa lababo at ako na ang maghuhugas" pagtanggi ko din sa sinabi niya bago uminom ng tubig. Magsasalita pa sana siya ng bigla kung tinaas ang kamay ko sa harap niya. Pinipigilan siyang magsalita.

"Ikaw ang nagluto, kaya ako naman ang maghuhugas. Don't worry marunong naman akong maghugas ng plato. Next time ako naman ang magluluto tapos ikaw ang maghuhugas" sambit ko.

"Okay I see I see. Pero hindi ka marunong magluto" tugon naman nito na may halong ngisi pa. Sinamaan ko siya ng tingin at mahigpit na napahawak sa kutsara at tinidor.

"I can cook!" Pagmamaktol ko dahil may alam naman talaga ako sa pagluluto.

Lalo pa siyang ngumisi sa sinabi ko. "Really? I still remember that day 'nung ginawa mong kulay itim ang kulay ng pancake"

Napasinghap ako ng naalala iyon. Isa iyon sa pinakapanget na naging araw ko sa buong buhay ko.

"It was because I love b-black!! Sinadya k-ko yun!" Pagdadahilan ko na ikinahagalpak niya ng tawa. Now, I really find it annoying. Nakakainsulto.

"Okay kung iyan talaga ang dahilan mo" sabi niya habang natatawa pa din. Seryoso ko siyang tinitigan upang ipahatid sa kaniya na walang nakakatawa sa pinag-uusapan namin. I hate recalling my silly moment dahil umuusbong lamang ang pagkairita ko. Like hell, ganun na ba ako katanga?! Natigil siya ng mapansin ang nakabusangot kong mukha. Mabilis na niyang inubos ang pagkain tsaka nagpaalam na sa akin na papasok na ng kwarto.

Now I really want to learn that damn cooking. Hindi kami mayamang pamilya. Si Papa ay magtatalong pero kung walang pang talong ay huwag ka ng umasa na may mahihingi kang pera sa aking ama. Minsan pa'y hindi maganda ang bunga ng talong kaya lalong umiinit ang ulo ni Papa. Si Mama naman ay nagtatrabaho sa mga lola kong mapepera na ultimo paghuhugas ng pinggan ay pinupuntahan pa si Mama sa bahay para iutos iyon sa kaniya. Minsan naman ay naglalaba si Mama o kaya'y namamalantsa pero kapos pa rin talaga kami sa pera.

Ang kuya ko naman ay nakapagtapos na ng kolehiyo at kasalukuyang inaayos na ang mga papeles para lumipad patungong ibang bansa. Mabait ang kuya ko, siya ang tumayong pangalawang ama sa amin 'nung panahong walang wala kami. Ang ate ko naman ay graduating na din ngayon, at tulad ni kuya naging pangalawang ina rin namin siya. Minsan ay hindi kami madisiplina ni Mama ay si Ate ang gumagawa 'nun. Idilat lang niya ang malaki niyang mata ay aatras ka nang talaga. May dalawa pa akong nakababatang kapatid, isang babae na nasa sekondarya na at lalaking nasa ikatlong baitang pa lamang.

Pangatlo ako sa limang magkakapatid, naging dahilan ito ng pagkakalapit ko sa kanilang lahat. Ako ang nasa gitna kaya hindi problema sa akin ang mga agwat namin sa isa't isa. Hindi naman nagkakalayo ang agwat namin ni ate at ang kuya ko ay isang taon lang ang tanda sa ate ko. Madali ko lang silang nasasabayan sa mga trip nila na naaayon sa edad nila. And I'm glad of that. Kahit hindi kami magkaedad ay nagagawa kong makisabay sa kanila, maging sa ayos at pananalita.

Syempre kung kaya kong sabayan ang mga mas nakakatanda sa akin, ay kaya ko ring sabayan ang mga nakababata kong kapatid. Kagaya ng agwat ng edad namin nina kuya ay hindi din naman malayo ang agwat namin ng kapatid kong babae. Malayo lang ang sa bunso namin dahil sampung taon ang agwat ng edad ko at edad niya. Pero hindi iyon naging hadlang sa pagkakalapit namin, sa halip ay malapit ang loob niya sa aming apat.

Pinanganak kami ng simple at sinanay kami sa simpleng pamumuhay. Pero hindi ko pa nararanasan ang hirap sa gawaing bahay. Sanay kaming pagkagising sa umaga ay may nakahain na sa lamesa, walis na ang labas at nadiligan na din ang mga halaman. Ang gawain na lamang naming lima sa buong araw ay magligpit ng higaan at maghugas ng plato at minsan ay maglaba ng damit. Kaya siguro ay hindi talaga ako matututo sa pagluluto. Ang pagkakamali lang nina Mama ay hindi nila kami sinanay bilang isang independeng indibidwal. Well, hindi ko din siya masisisi dahil lumaki talaga kaming tamad.

Matapos kong mag-linis sa kusina ay nagtungo na ako ng kwarto upang maligo. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng malamang may sarili akong banyo sa kwarto ko. Hindi ko na kailangang lumabas pa. Plano kong manood muna ng movie sa salas dahil hindi pa naman ako inaantok dahil nakaidlip ako kanina.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at dahan-dahan ko ring isinarado iyon. Medyo maingay kasi ang pintong ito kapag ginagalaw. Napabuntong hininga ako na agad na napalitan ng gulat ng masilayan ko ang isang rebulto ng tao, si Enzo.

"Gosh, you'd startle me!!" Singhal ko sa kaniya. Tumaas ang kaniyang kilay.

"Anong gagawin mo?"

"Uhmm, movie?" Nahihiyang sabi ko at ngumiti na lamang ng pilit. Tumango ito at pumasok na sa kaniyang kwarto.

Dumiretso na ako sa salas at naghanap ng dvd na pwedeng panoodin. Napangiti ako ng makita ang dvd ng mga barbie movie. Hindi pa naman ako matanda para sabihing pambata iyon at hindi nababagay sa aking edad. I'm only 19, duh! I'm still teenager! Isinalang ko iyon at naupo na sa sofa. Napatingin akong muli sa pinto ni Enzo ng biglang bumukas iyon at niluwa ang kaniyang katawan. Basa ang kaniyang buhok kaya tiyak na naligo ito. I find him cute on his panjama. Doraemon iyon kagaya ng kaniyang nightshirt, magkaterno I mean. Isang taon lamang ang tanda nito sa akin, pero magkaklase kami simula kinder, ngayon lang kami maghihiwalay ng classroom pero sa iisang school pa rin naman kaya okay lang.

"Fuck!" Pagmumura niya ng makaupo sa tabi at masilayan ang tv sa harap namin. Tumaas ang kilay niyang lumingon sa akin. "Seriously?" Napabuntong hininga na lamang siya bago sumandal sa sandalan ng sofa.

"A-ayaw mo ba? Just like I told you earlier, this is your house. Hangga't maaari ay ikaw ang masusunod" sambit ko habang kinukuha ang lalagyan ng mga dvd at inaabot sa kaniya.

"No,no. Okay lang" pagtanggi niya at tinuon na lamang ang atensiyon sa telebisyon.

Ngumiti ako. "Ilang beses ko na 'yang napanood, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagsasawa. Gusto mong malaman kung bakit?"

Tumingin siya sa akin at nginitian ko siya pero nanatili pa ring ganun ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Just because of 'happy ending'" nagpakawala ako ng hininga at itinuon ang paningin sa tv.

"It reminds me about the beauty of life, that everything is on plan. That no matter how hard our life, mararamdaman rin natin ang kasiyahan at kaginhawaan basta sa tamang panahon. At ang tamang panahon na iyon ang matagal ko ng pinapangarap" Tipid akong ngumiti at napabuntong hininga ulit. Nagulat ako ng biglang nahulog ang kaniyang ulo sa aking balikat. Tatanggalin ko na sana ito nang bigla siyang nagsalita.

"Then let me help you to reach your dream"

@Aquawrites26

Don't forget to vote and comment:)