3 CHAPTER 3

Steve's POV

R is really a mysterious woman. The way her mind works is unpredictable. Alam mo 'yung para siyang vacuum? The more you get closer to her e, the more din na hihigupin niya ang interest mo.

Maingat ko siyang pinagmamasdan mula sa malayo. She's wearing her white poloshirt at black pants. She's working in a coffee shop owned by me.

Yep, ako ang may-ari pero hindi niya 'yun alam and I don't wanna inform her, too. As far as I know, ayaw niya magkaroon ng utang na loob or special treatment from others kaya mas minabuti kong itago nalang kesa mawala siya sa shop ko.

I was 15 when I knew that I like her. I'm 5 years older than her pero napakamature niyang mag-isip. Pareho kaming nasa orphanage that time.

"Alam mo, kung makakaalis man ako dito, hahanapin ko ang pumatay sa mama ko." Saad nito habang diretso ang tingin sa kawalan.

I can still remember how eager she was on having revenge. On that orphanage, ako lamang ang batang nakakalapit sa kaniya.

We had that bond na wala sa iba. I know kuya ang tingin niya sa akin but with that young age, I knew we didn't feel the same.

Natigilan lamang ako sa pag-iisip nang may makita akong lalaki na lumapit sa kaniya.

He's wearing a police uniform at halatang kinukulit si Riley. The latter didn't seem to care at all cause she's still wearing that blank cold expression in her face.

Bumaba ako ng sasakyan para pumunta sa shop. Ayokong may kumukilit kay R. It pisses me off!

Tatawid na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Oh, it's him. Napakagaling maniming.

I answered the call and waited for him to talk.

"I only told you to watch over her, hindi ko sinabing lumapit ka at makialam. Go back to your car and meet me. We have to talk." Damnit!

Agad akong pumasok sa sasakyan at muli ko silang pinasadahan ng tingin bago pinaharurot ang sasakyan ko palayo. Your face is now registered on my mind, police officer. I'll see you soon!

-.-

Riley's POV

I'm busy taking orders from the customers nang mapansin ko ang white Lamborghini Huracan ilang metro ang layo mula sa shop. I know who's inside. It's Steve.

I don't know why he's here or what he's up to kase wala atang araw na hindi ko nakikita ang sasakyan niya pag may duty ako dito.

Is he watching over me? I don't know because if he does, ang tangang spy naman niya. He's using his car na alam niyang alam ko na siya lang ang nagmamay-ari ng ganiyang sasakyan sa buong Cagayan de Oro.

I continued doing my job at hindi na pinansin ang presenya niya. I didn't even bother to stare at him. I don't wanna ruin my day with his presence outside.

"One espresso for batman, please!" Saad ng isang pamilyar na boses.

Oh, please. Not now.

Lumingon ako't tinignan ang customer sa harap ko. Yap, it's him.

"Wow! Ikaw ulit?" Manghang saad nito.

Obvious ba? I just rolled my eyes saka pinindot 'yung order niya.

"Ang liit nga pala ng mundo, wonderwoman." Asar pa nito.

"That's not my name."

"One espresso, Lucas." Saad ko sa barista namin.

Lumapit siya sa gilid ng counter at saka ako kinausap.

"Kamusta na ang mga sugat at pasa mo mula kagabi?" Seryosong saad nito.

"You can wait for your order on that empty table." Turan ko habang tinuturo ang isang bakanteng lamesa.

"I want to wait here."

"But---"

"Customer's always right." Palusot niya pa.

Akmang hahawakan na niya ang mukha ko nang umiwas ako at umatras.

"Do you mind if I asked you to join me for a coffee?" Saad nito habang nakangiti. Biglang sumilay ang maliit na dimple niya sa pisngi.

"I'm on duty." Palusot ko pa.

"Leave it to me. I just want to thank you about last night." He leaned on the counter.

"Wala kang dapat ipagpasalamat. Hindi naman siguro kayo related no'ng babae."

"But you saved her. It's my job pero naunahan mo'ko."

"Oh, I'm sorry." Sagot ko habang inaasikaso ang isa pang customer.

"No, I mean, I just want to thank you for doing that." Pagpupumilit pa nito.

"No need." Kinuha ko na ang espresso at inilapag sa tabi niya.

"Here's your order." I coldly said.

"Pakilagay sa table ko. Alangan naman dito ko inumin 'yan hindi ba?" Fuck. Nananadya ba 'to?

"Guess you could do that on your own, sir." Mariing saad ko.

"I'm the customer~" saad nito sa pang-asar na tono.

"Fine." Kinuha ko na ang order niya saka inilapag sa bakanteng mesa.

Sumunod naman siya at umupo. Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hawakan ang wrist ko.

Tinitigan ko siya nang walang ekspresyon sa aking mukha.

"Stay and have coffee with me." Maawtoridad nitong saad.

I stared at his hazelnut-colored eyes na medyo natatabunan ng buhok niya.

Ngayon lang ako nakakita ng police na may mahabang buhok. Police ba talaga 'to?

"Hey." Pagpukaw nito sa aking pansin.

Binawi ko ang kamay ko at lalakad na sana nang bigla ulit siyang magsalita.

"Please? I just need someone to talk to." Biglang magbago ang tono ng boses nito.

The hell I care with you?

Diretso akong naglakad patungo sa quarter namin at hinubad ang apron ko. Good thing, Janice is there already. May karelyebo na ako.

Lumabas ako muli ng quarter dala ang backpack ko. He's still there. Tahimik na humihigop ng kape habang nakatingin sa labas.

I dragged the chair in front of him saka umupo. Agad naman itong napalingon sa gawi ko.

"Sorry for bo---"

"Thank you." Makabuluhang saad nito.

Ba't nagbago bigla? Ba't parang naging malumanay ang pananalita nito? Kung kanina e inaasar pa'ko ng gunggung na'to e.

"May oorderin ka ba? My treat." Sambit niya.

Umiling lamang ako saka ngumiti.

I stared at his face. Malaanghel pala siyang tignan. His reddish lips, perfect nose, pinkish cheeks, dark brows at ang mga mata nito na animo'y hihigupin ka kung saan.

"Riley?" Natigilan lamang ako nang bigla niyang pukawin ang atensyon ko.

"Hmm?" Tanong ko naman habang inaayos ang upo ko.

Ngumuso siya at itinuro ang mukha ko.

"What?" Kinapa-kapa ko ang mukha pero wala naman aking nakapa. May dumi ba?

"Laway mo." Bulong niya habang tinuturo ang labi ko.

What??? Agad ko itong kinapa at tinignan ngunit wala naman.

"Gotya! You're spacing out again!" Saad nito saka tumawa.

"Ganiyan ba ako kapogi, huh?" Dagdag pa niya habang hinahawakan ang baba at itinataas-baba ang kilay niya.

Tss.

I rolled my eyes again for the nth time. He's wasting my time.

I grabbed my bag saka muling tumayo.

"Oy, biro lang naman e." Pagpipigil pa nito sa akin.

"Pikon naman 'to e." He pouted.

"I need to go, may gagawin pa ako." Seryosong sambit ko.

"Please don't leave me here. Just stay for a while." He pleaded.

Bigla namang nagring ang cellphone ko. I picked it up and found out that it's Leon.

"I have a new project for the team. Gather your team later and make your plan."

"What project?" Tanong ko pa.

"I sent it to Steve already. Talk to him about that." Pagkatapos noon ay ibinaba na niya ang tawag.

"I really need to go." Saad ko pa.

"Then have a lunch with me tomorrow, instead." Oh, he's on a bargain now?

"Please..." dagdag pa nito.

I won't, dickhead.

"Okay, fine. Tomorrow at 12. Bye for now." Saad ko saka diretsong naglakad palabas.

"Bye, hero!" Pahabol pa nito.

What was that? Ba't ako pumayag?

What did you do, Riley?

-

@Ash Orion

avataravatar
Next chapter