2 CHAPTER 2

Riley's POV

Ibinaba niya ako sa labas ng isang subdivision. I told him na doon nalang dahil ayaw ng papa ko kako na makitang may kasama akong lalaki.

Of course its not true because first of all, wala akong bahay sa subdivision at pangalawa, wala akong pamilya.

Wala na akong pamilya.

Paika-ika akong naglakad patungo sa apartment. Dalawang kanto lang ang layo mula sa subdivision.

'Police Officer Denver Washington'

He's a police officer pero bakit hindi niya tinulungan ang kapwa niya pulis? He didn't even bother to ask them what's wrong or kung anong krimen ang naganap.

Baka naman alam niya talaga ang nangyari pero pinalagpas niya lang? O baka isa rin siya sa mga pulis na walang silbi sa bayan?

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng apartment namin. This serves as our hideout.

Kahit nasa hagdanan palang ako ay rinig na rinig ko na ang sigawan ni Steve at Coco.

"Ba't mo ba ako sinisisi ha? Kasalanan ko ba kung tanga ka kaya nagasgasan yang mukha mo pagtalon mo?" Boses ni Coco.

"Mas tanga ka dahil alam mo namang may mission tayo e hindi ka pa nagpa-gas tanginamo!" Ani Steve.

"May paharurot pang nalalaman, pahabol-habol pa sa pulis tapos wala naman palang gasolina ampota!" Dagdag pa nito.

"Nakalimutan nga e diba!"

"Tanga ka lang talag---" akmang susugurin na ni Steve si Coco nang bigla kong buksan ang pinto.

Napatingin silang lahat sa akin at agad naman na tumakbo si Coco sa likuran ko at nagtago.

"Lali, oh si Steve oh!" Inirapan ko naman ito dahil sa pagtawag niya sa akin ng Lali.

Napatakip ito ng bibig saka tumakbo patungo sa kambal at sumuot sa gitna ng dalawa.

"Sinong gumamot sa mga sugat mo?" Seryosong tanong ni Steve.

Diretso lamang ang lakad ko't kumuha ng yelo sa ref saka inilagay sa icebag ko.

"Tinatanong kita, sino ang gumamot sa mga sugat mo?"

"Its nanya." Walang gana kong tugon.

"Nan--what?"

"Nanya business."

Tinalikuran ko na ito saka nagtungo sa couch. Alas tres na pala ng madaling araw jusko!

"Where's the necklace, Pong?"

"Kindly get it on my bag please, Coco." He said, eyes still fixated on the game.

"Ayoko nga." Saad ng nakangusong si Coco.

"Remember what you've done earlier. We almo---"

"Fine, fine! Asan ba?" Pagsuko ng huli.

Kinakalkal ni Coco ang bag ni Pong at saka ibinigay sa akin ang necklace. It's really fascinating!

Natigilan kaming lahat nang biglang nagring ang telepono.

I picked it up and answered the call.

"Put the necklace on the table and leave the apartment within 10 minutes." Saad ni Leon mula sa kabilang linya.

He has this anonymity in him. Ganito siya makipag-usap sa amin; through call. All we know is his voice, his deep voice that speaos masculinity and authority. Ni wala nga kaming ideya kung matanda na ba siya o bata o kung ano ang itsura niya but the way I imagine him e isa siyang matandang lalaki nagpapatakbo ng mga sindikato. Marahil kami lang ang exception sa mga binuo niyang grupo.

We were built to steal. Magnanakaw kami pero kakaibang magnanakaw. Ninanakaw namin ang mga bagay na ninakaw lang din mula sa iba. Then Leon manages to sell it in an auction bidding.

Ang perang makukuha mula doon ay idinodonate niya sa mga orphanage at less fortunate na mga tao.

There are times that I wonder why would he do that. I mean, we work for him. We steal and we all know it's a crime but the proceeds were used in a good way. Isn't it ironic?

Right after the call ay agad kaming lumabas ng apartment and separated ways. Hindi na namin binalak pang silipin kung sino ang kukuha ng necklace dahil for sure wala lang din kaming mapapala kagaya ng dati.

Steve asked to drive me home pero tinanggihan ko ito. I don't want to piss myself off with his presence.

Sumakay ako ng jeep at dumeretso na sa maliit na apartment na tinutuluyan ko.

Squatters' area, they must say, but the connection between people is beyond limit.

Agad akong nagshower nang makarating ako sa loob. Ginamot ko na rin ang mga pasa at sugat ko sa buong katawan.

It's almost 7am nang matapos ako ngunit 'di na ako nag-abala pang magluto ng agahan. I'm still full and all I wanna do is to sleep and rest. Kailangan kong magrecharge dahil naubos ata lahat ng energy ko sa mga nangyari.

"Baby?" Mahinang turan ng nanay ko. Kahit na medyo madilim ay klarong-klaro ko pa din ang pagtulo ng mga luha nito.

"Magtago ka at kahit anong mangyari, huwag kang lalabas ha? Mahal na mahal kita." Mangiyak-ngiyak niyang saad.

Matapos akong halikan sa noo ay lumabas ito at hinarap ang lalaking humahanap sa kaniya. Nakasuot ito ng itim na maskara at may malaking tattoo sa kanang braso. Tattoo ng isang leyon.

Gamit ang maliit na butas mula sa pinagtataguan ko ay nakita ko kung paano pinagbabaril sa ulo ang nanay ko. Agad kong tinakpan ang bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay.

Nais kong lumabas pero natatakot ako. Natatakot ako na baka pati ako ay patayin din ng lalaking iyon.

Nang masiguro kong nakaalis na sila ay saka ko na lamang inakay ang nanay ko. Umiyak ako nang umiyak habang yakap ito.

Ilang sandali pa ay may apoy na nagkalat sa buong bahay. Sinubukan kong hilahin at ilabas ang nanay ko pero napakabigat nito.

Iniwan ko siya doon at agad na lumabas ng bahay nang mapansing halos nilalamon na ito ng apoy.

Tumakbo ako nang tumakbo sa mga talahiban sa likod ng bahay para makalayo. Walang tigil ang pag-agos ng luha ko habang tumatakbo.

Huminto ako sa may burol at tinitigan ang nagliliyab naming tahanan. May mga taong nakapalibot dito na sinusubukang apulahin ang apoy ngunit napatakbo ang lahat nang biglang sumabog ang aming tahanan.

Bumangon ako habang hawak ang dibdib ko. Hinahabol ko ang paghinga dahil sa napanaginipan ko. Tagktak din ang pawis ko at hindi ko namalayan ang mga luhang umaagos sa mga mata ko. 'Yun ang huling alaala ko sa nanay ko. Alaalang nais ko nang makalimutan.

I looked at the clock beside me. Oh, 5pm na pala. Pinunasan ko na ang luha ko at tumayo mula sa kama.

Kumain ako ng hapunan at naligo muli para gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko na masyado nararamdaman ang sakit ng katawan pero visible pa rin ang mga pasa at galos ko sa mukha.

Suot ko ang black shirt, black jeans at ang black na leather jacket. I put my helmet on saka pinaharurot ang motor ko patungo sa isang sikat na bar.

Tahimik akong nakaupo sa bar counter habang pinagmamasdan ang mga taong nagkakasiyahan, may mga naglalandian at may nagsasayawan sa center floor.

Umorder ako muli ng isa pang can ng beer at nilagok ito. This means happiness to them but for me, this is my escape.

Nakakaanim na cans na ako nang makaramdam ako ng kaunting pagkahilo. Nagpasya na akong umuwi dahil mag-aalas onse na rin naman ng gabi.

I asked for my bill and payed it saka lumakad palabas ng bar.

Tumungo ako sa parking lot at sasampa na sana sa motor ko nang may marinig akong sigaw.

Hinanap ko ang sigaw dahil paniguradong nasa malapit lamang ito.

Naglakad ako sa parking lot hanggang sa makita ko ang babaeng pilit na pinapasok ng lalaki sa sasakyan.

Sinipa siya ng babae't tatakbo na sana ito nang hawakan ng lalaki ang mga paa nito dahilan ng kaniyang pagkatumba.

Pilit pumapadyak ang babae habang nagsisisgaw. Sasakay na sana ito sa ibabaw niya nang bigla kong hinampas ang balikat niya.

Napakingon ito sa akin saka ko sinalubong ng suntok ang kaniyang mukha. Tumilapon ito kaya nagkaroon ako ng panahon para tulungan ang babaeng tumayo.

Nanginginig ito at umiiyak. Ang kaniyang kolorete sa mukha ay nagkandakalat na at ang kaniyang damit ay halos mahubad na.

Tumilapon ako sa bumper ng isang kotse nang sipain ako ng lalaki. Putcha, 'di ko namalayan 'yun ah!

Tumihaya ako't sinipa siya sa sikmura kasabay ng paglundag at pagsuntok nito sa mukha.

Hinarap niya ako't nagpakawala ng suntok na siya namang naiilagan ko.

Yumuko ako't pinaikot ang paa ko sa lupa hanggang sa matumba ito. Pumaibabaw ako sa kaniya at pinaulanan ito ng suntok.

Gamit ang lakas niya'y gumulong kami at nagkapalit ng puwesto hanggang sa siya na ang sumusuntok sa mukha ko.

Hindi ko hahayaang mangyari 'to!

Tinulak ko siya muli't pumaibabaw at hindi na humintong suntukin ang mukha niya.

Duguan at basag na ang mukha nito ngunit hindi parin ako tumitigil sa pagsuntok hanggang sa may kamay na umawat sa akin at hinila ako palayo.

Susugurin ko pa sana siya nang may katawang humarang sa aming dalawa.

Napaupo ako sa sahig habang hinahawakan ang panga ko at ang dumugong labi ko.

Nakita ko ang pagdapa ng lalaki hanggang sa pinosasan siya ng lalaking humarang sa amin.

Hinawakan niya ito sa kwelyo saka pinatayo. Lumingon ito sa akin at saka ko lamang napansin kung sino ito.

"Oh, it's you again!" Masiglang bati nito.

Lumapit ito sa akin saka tinitigan ang mukha ko. Hinawakan niya ang baba ko at pinunasan ang dugo sa labi ko. Bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng aking mukha dahil sa ginagawa niya.

Napaatras ako ng kaunti nang maramdaman ko ang mainit na paghinga niya.

"Are you a hero? May sugat at pasa ka din kahapon ng makita kita tapos ngayon dinagdagan mo na naman. Masokista ka ghorl?" Pabirong saad nito ngunit hindi pa rin nawawala ang awtoridad sa boses niya.

Lumapit ang babae sa akin saka nagpasalamat.

"Buti nalang may wonderwoman sa paligid kaya hindi ka natuluyan ng manyakis na'to!" Saad niya sa babae.

Bakla ba 'to?

"Just take extra care next time lalo na pag sa mga ganitong lugar." Malamig na saad ko sa babae.

Tumango-tango ito at nagpasalamat.

Tumalikod na ako at lalakad na sana ng bigla niya akong tinawag ulit.

"Hindi ka ba sasama sa akin?"

"Why would I?" Sagot ko nang hindi man lang siya nililingon.

"Para makapagpasalamat at magamot ko ang sugat mo?" Turan pa nito.

"I can take care of my own." Nagsimula na akong maglakad.

"I'm sure their will be next time! See you soon!" Pahabol na sigaw nito ngunit hindi ko pa rin ito nilingon.

Patuloy lamang ako sa paglakad patungo sa motor ko at pinaharurot ito palayo.

Next time eh? Let's see...

-

@Ash Orion 💙

avataravatar
Next chapter