1 CHAPTER 1

Riley Marquez's POV

Alas nueve ng gabi. Maingat naming pinagmamasdan ang pinakamalaking bangko dito sa bayan.

"May tatlong gwardya sa entrance ng bangko, R." Ani Coco.

Umirap lamang ako dahil sa sinabi ng gunggung na'to. Obvious naman na may tatlong gwardya dahil doon din ako nakatingin.

Kinuha ko nalang ang binoculars ko at tinignan pa ang ibang side ng bangko.

"There are 2 guards on the left doing their usual rounds."

"Boom! Gotya!" Biglang sigaw ni Steve.

Agad naman kaming napalingon ni Coco dahil sa gulat at saka pinandilatan ito ng mata.

"I already have an access on their cctv cameras. Look!" Dagdag pa nito habang nakangiti.

Tumutok kami sa screen ng laptop nito.

"There are 2 guards in front of the vault. Another 2 guards roaming inside the bank, 1 guard assigned on the tech room, the other 2 in front on the entrance, last two roaming outside the are and the other 1 on the guardhouse at the main gate. Those you've said earlier." Tugon nito sa akin.

Obviously, may sampung lalaki kaming dapat ipatumba.

"Easy pissy..." saad ko pa habang nakangiti.

"It's not as easy as you think R because their fences are generated with 10,000 volts of electricity. Mahihirapan silang pumasok."

"Which means, you need to hack their whole system." Saad ko pa.

Napatampal naman ito sa noo niya saka muling nagtipa sa keyboard ng laptop niya.

Ngumiti lamang ako't agad na kinuha ang handgun na gagamitin ko. Ikinabit ko ito sa leg pocket ko pati na rin ang trench knife na iniregalo pa ni Leon: ang utak naming lahat.

Mag-aalas dose na ng gabi. Muli kong tinignan ang itsura ko sa rearview mirror ng sasakyan. Suot ko ang isang makinang na pulang slutty dress na halos iluwa na ang dibdib ko. Agad naman akong naglagay ng pulang lipstick sa mga labi ko. Perfect!

Kinuha ko na rin ang pouch na naglalaman ng especialized lipstick at cologne. Maybe I'll need these later.

"Stay alert. Meet me on the other side." Bilin ko kina Coco.

Pinindot ko naman ang button ng earpiece na suot ko.

"It's showtime." Mahinang sambit ko saka nagsimulang maglakad na parang lasing.

Pasuray-suray ako sa daan hanggang sa makapunta ako harapan ng bangko.

Binangga ko ang nakaparadang sasakyan sa labas nito at umaktong sumusuka.

Naramdaman ko ang paglapit ng isang gwardyang mula sa guardhouse.

"Miss? Okay ka lang ba?" Malumanay na saad nito.

Tumuwad ako lalo habang sumusuka. Get my bait, dickhead.

Gaya ng inaasahan ay nilapitan nga ako nito at inalalayan.

Umakto akong nanghihina at nahihilo.

Dinala ako nito papasok sa bangko at narinig ko pa ang pagtawa ng mga manyakis na gwardya.

"Ano 'yan pre?" Saad ng dalawa sa entrance.

"Ano sa tingin mo pre? Biyaya!" Saad nito habang hinahawakan ang pwet ko.

You just made a big mistake, dickhead.

Dinala nila ako sa loob ng quarters nila. Sa likurang parte ng bangko. May mga lockers dito at shower area.

Inalis ng isa pang gwardya ang mga kalat sa mesa at doon naman ako inilapag ng isa pa.

Marahan akong hinalikan ng gwardyang may abong buhok habang nilalamas ng dalawa pang gwardya ang dalawang umbok ko sa harapan.

Another big mistake dickheads.

Hinubad nila ang strap ng suot kong damit at doon na hinalik-halikan ang aking dibdib.

Fuck! Ang tagal naman Steve!

Akmang bababa na sana sa puson ang kaniyang halik nang biglang namatay ang ilaw.

"Touchdown." Magkapanabay na saad ng kambal mula sa kabilang linya.

Ngumiti ako't agad na sinipa ang lalaking may malaabong buhok. Natumba ito sa sahig at bigla ko namang naramdaman ang paglapit ng dalawa pang manyakis sa kaniya.

"Pre?" Agad na nagpaputok sa kung saan ang isang gago.

Sinipa ko ito sa mukha at agad na itinarak ang takong ng suot ko sa dibdib nito.

Good thing we were trained to gracefully move in the dark.

"Buddy? Buddy!?" Saad ng isa pang gunggung.

Naramdaman ko ang paggalaw nito papunta sa lalaking pinatay ko na.

Agad naman akong lumapit sa likod nito at kinuha ang trench knife ko.

"Good bye, dear!" Matamis na saad ko kasabay ng paggilit ko sa leeg nito.

Bigla akong natigilan nang marinig ko ang pagkasa ng baril sa aking likuran. Tumama ang malamig bakal sa ulo ko.

"Don't move or else I will kill you." Saad nito.

Naramdaman ko ang panginginig ng baril. Oh old man, kabado ka pala ha.

Agad akong umupo at nagspin sa sahig dahilan para mapatid ko ang mga paa nito at mapatumba.

Bigla namang bumalik ang ilaw at doon na rumihestro ang kabadong mukha ng matanda.

Itinutok niya sa akin ang baril niya ngunit nasipa ko ito palayo.

Bumangon siya't agad akong sinugod ng suntok. Binuhat niya ako at ibinagsak sa kahoy na mesa.

Fuck, it hurts!

Agad akong bumangon at sinuntok ang panga niya. Sinundan ko pa ito ng pagsipa sa mukha nito kaya agad itong napatumba.

Umupo ako sa ibabaw nito saka siya pinaliguan ng suntok hanggang sa hindi na maitsura ang pagmumukha niya.

"This is for holding my butt..." saad ko kasabay ng pagsuntok sa kaliwang mata nito.

"This is for kissing me and my chest..." sinuntok ko naman ang kanang mata nito.

Tumayo ako't kinuha ang pouch na dala ko. Tumalikod na ako't naglalakad na palabas nang maramdaman ko ang paggalaw niya kaya agad ko namang kinuha ang handgun ko at pinagbabaril siya.

"Where are you?" Sambit ko matapos pindutin ang button ng earpiece.

"Inside. Pinatay na namin ang dalawa sa labas." Si Pong.

"Techroom's clear..." mahinang saad naman ni Ping.

Tumingin ako sa paligid at may nakita akong pwedeng daanan papasok.

Agad kong hinubad ang takong na suot ko. Sumampa ako sa grills ng window nito at agad na umakyat paitaas. Maliit lamang ang butas na ito.

I clicked the tiny button behind the diamond pendant ng necklace ko. Umilaw ito at nagmistulng flashlight na gagamitin ko paloob.

Pumasok na ako rito at mahinang gumapang.

"Give them a show. Ako ang bahala sa vault."

Sumang-ayon naman ang dalawa kaya agad na akong gumapang papasok. Masikip, mabaho at may maliliit na daga sa loob nito.

Naririnig ko na ang kaguluhan sa baba mula sa mga butas na nasa scuttle cover.

Gumapang pa ako hanggang sa makita ko na ang vault.

I was about to jump off nang mapansin ko ang isang gwardyang alertong binabantayan ang labas ng vault habang ang mga kasamahan nito'y nakikipagbakbakan kina Ping at Pong.

Sakto namang umikot ito at hinarap ang vault kaya nakatalikod siya sa bababaan ko.

Maingat akong lumundag kasabay ng pagkuha ko ng baril na nasa legpocket ko.

Nakaluhod ako't nakayuko habang tinatago ang baril sa likuran ko.

Naramdaman ko ang malamig na dulo ng shotgun sa noo ko.

Gamit ang mabilis kong paggalaw ay agad kong hinawi ang shotgun nito at itinututok sa ulo niya ang baril ko.

Hindi na ako nagdalawang-isip pang buhayin siya sahil agad ko nang ipinutok ng dalawang beses ang baril sa noo niya.

Kinakapkapan ko siya at hinanap ang susi ng rehas papasok sa malaking vault.

I got a short silver key at agad naman nitong binuksan ang kandado ng bakal na pinto.

Tumakbo ako papasok sa isang hallway hanggang sa makaharap ko na nang malapitan ang isang malaking vault.

"Steve, what's the code."

"AZ-38-59-63."

Agad kong ipinihit ang lock wheel ng malaking safe valut na ito. Click.

Mabigat ang pintuan ng vault nang binuksan ko ito. I thought maraming pera ang bubungad sa akin pero no. Para lang siyang isang malaking silid na may puting pader at may kumikinang na asul na bato sa gitna.

This is what were after for: The Blue Diamond Necklace.

Sinlaki ng kamao ng 1-year old na bata ang asul na bato nito. I wonder how it would look like pagsinusuot ito.

Akmang hahakbang na sana ako palapit nang biglang may humila ng buhok ko mula sa likuran.

Umikot ako at sinipa ang mukha nito dahilan para agad niya akong mabitawan.

Bigla naman akong sinugod ng isa pa at sinuntok ako sa panga.

Damnit!

Hinawakan nila akong dalawa sa magkabilaang kamay at pinagpupukpok ang ulo ko sa bakal na pader ng vault.

Nababalot sila ng puting pintura bilang camouflage kaya hindi ko sila napansin kanina.

Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa noo ko.

Gamit ang natitirang lakas ay umikot ako ng 360° turn upward at saka isinalpok ang ulo nilang dalawa.

Kinuha ko ang trench knife sa legpocket ko at isinaksak sa leeg ng isa.

Nahila naman ako ng isa pang babae at agad na hinambalos ang katawan ko sa pader. Fuck it!

Bumagsak ako sa malamig na sahig at naramdaman ko ang pagkabali ng mga buto ko.

Gumapang ako papalayo nang bigla niya akong binuhat at muling ibinagsak sa sahig. Fuck!

Agad niya akong sinakyan at pinaliguan niya ako ng suntok sa mukha.

Nanghihina na ako at nanlalabo na ang paningin ko. Hinanap ko ang trench knife kanina at nasa kaliwang bahagi ko lamang ito.

Sinubukan kong abutin ang kutsilyo ngunit naunahan niya ako.

Itinaas niya sa hangin ang kutsilyo. Nakatutok ang talim nito sa ulo ko.

Nakaposisyon na ang mga kamay niya at itatarak na sana ang kutsilyo sa bungo ki nang biglang may putok ng baril na tumama sa noo niya.

Agad na lumapit sa akin si Ping at inalalayan akong tumayo.

Binuksan naman ni Pong ang clear glass at kinuha ang Blue Diamond Necklace at ipinasok ito sa isang itim na pouch.

Agad kaming lumabas ng bangko at pumasok sa sasakyan na agad namang pinaharurot ni Coco.

Mabilis ang pagpapatakbo nito dahil may mga pulis na humahabol sa amin.

Kinuha ko ang isa pang armas at pinaputukan ang mga police cars.

Boom sapul! Nakita ko ang pag gewang-gewang ng sasakyan hanggang sa bumangga ito sa isa pang sasakyan.

Nagpasikot-sikot kami sa masikip at madilim na eskinita hanggang sa makalabas na kami sa national highway.

May tatlo pang humahabol sa amin.

Binaril ko ang gulong ng isa pa hanggang sa nawalan din ito ng preno at nahulog sa tulay.

Umikot ang sasakyan namin sa isang underground parking at lumusot sa kabilang daan.

Naririnig na namin ang papalapit na sirena ng mga police cars ngunit laking gulat namin nang nagpagewang-gewang ang sasakyan namin.

"Anong nangyayari, Coco?"

"Naubusan tayo ng gasolina habang tumatakbo!"

"What???"

Pinandilatan ko siya ng mata ngunit ngumiti lamang ito.

"We have no other choice but to jump off the car."

Narinig ko pa ang pag angal ng tatlo ngunit wala na kaming magagawa pa. Palapit na ang mga pulis.

"Lagot ka sa'kin, Coco!" Saad ni Steve bago kami tumalon at gumiling palabas ng sasakyan.

Lahat sila ay napunta sa left side at ako lamang ang nasa right side.

Ilang sandali pa ay nakita ko ang pagkahulog ng sasakyan sa isa pang tulay.

Agad naman akong nagtago sa likod ng nakaparadang sasakyan nang maaninag ko na ang ilaw ng police cars.

Dumiretso sila sa tulay at tinignan ang ibabang parte nito.

"Let's meet at the apartment." Mahinang sambit ko.

Lalabas na sana ako sa pinagtataguan ko nang may tumawag sa atensyon ko.

"Miss? What are you doing there?" Saad ng isang baritonong boses.

Naaninag ko ang pagmumukha niya dahil sa streetlights.

"Miss?" Oh crap!

Tumayo ako't umaktong nahihilo.

"Ah, uhm... I just threw up h-here."

"T-teka is that blood?" Lumapit siya sa gawi ko at doon ko lang naamoy ang kaniyang pabango.

Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman kong namumula na ang mukha ko dahil sa paglapit niya sa akin.

"Ah, w-wala ito."

"Wait, you have bruises too. Fuck! Get inside the car at dadalhin kita sa hospital."

"No---"

"Get inside." Maawtoridad niyang saad at agad akong pinagbuksan ng pintuan.

Agad naman itong umikot at pumasok na rin sa loob.

"What happened to you?" Nag-aalalang saad nito.

"Uhm... may nakaaway lang s-sa b-bar." Liar.

"Well, dadalhin kita sa h---"

"No, no need. J-just drive me h-home please."

"Pe---"

"Please..." pagmamakaawa ko pa. Hindi ako pwedeng dalhin sa hospital dahil for sure mahuhuli ako doon.

Nilamon kami ng katahimikan habang tinatahak ang daan pauwi. Nararamdaman ko parin ang pagsakit ng bawat buto ko sa katawan.

"May I know your name?" Pagbabasag niya sa katahimikan.

"Uhm, I'm Riley..." nahihiya kong tugon.

"Oh, Riley. That's a cute name! By the way, I am Police Officer Denver Washington." Saad niya habang nakangiti at pinapakita ang dimple sa kaniyang pisngi.

Wait? Police??? I'm doomed.

-

Ash Orion 💙

avataravatar
Next chapter