webnovel

Chapter 1

WARNING:RATED SPG!!!PATNUBAY AT GABAY NG MGA MAGULANG AY KAILANGAN PARA SA MGA BATANG MAMBABASA!!:-D

Yassmin P.O.V

"Yassmin! Anak, gising na. Tanghali na!Yusko, ginoo! Ang batang ito, kanina pa ginigising eh! Tanghali na, hindi ka pa ba maghahanda?"

Naalimpungatan ako sa malalakas na sigaw at katok sa labas ng aking kwarto. Iminulat ko ang aking isang mata at aantok-antok na tumingin sa orasan na nasa side table. Alas-syete pa lang ng umaga, kung maka-tanghali naman si Mama, napaka O.A talaga.

Pipikit sana akong muli upang ipagpatuloy ang naudlot kong pagtulog nang marinig kong ang muling pagsigaw ni Mama. "Yassmin tanghali ka na! Hindi ba't ang sabi mo ay may job interview ka ngayon sa Harry Lee Company?"

Agad akong napabalikwas ng bangon nang marinig ang sinabi ni Mama.

Shit! Ngayon nga pala yung interview ko sa HLC or HARRY LEE COMPANY. Ang nangungunang kumpanya sa bansa. Sikat ang kumpanyang iyon at talaga namang magaling kaya hindi na ako magtataka kung bakit kasisimula pa lamang nito ay nangunguna na.

Ako nga pala si Yassmin Kurdy Smith, 26 years of age. 6'F ang height ko, maputi at makinis din ang aking kutis at mamula-mula ang mga pisngi, mahaba at umaalon-alon naman ang aking itim na buhok. Mahaba at makapal naman ang aking pilik mata at asul ang aking mata.

Bakit?

Dahil American ang Daddy ko. Pero wala na sya. He passed away since 4th year college ako dahil sa heart attack dulot ng pagbagsak ng aming kumpanya.

Nagmamadali akong pumasok na banyo ko at naligo. Long sleeve na korean style na kulay white at high waist ang napili kong damit. Nag-heels din ako pero mababa lang since matangkad nga ako. Nagpulbos at nag-lip balm na lamang dahil parang O.A naman kung todo kolorete ang mukha ko. Itinali ko din ng messy hair bun ang aking buhok at hinayaan kong may kaunting matirang buhok sa magkabilang gilid. Tiningnan ko ang itsura ko sa malaking salamin ng aking kwarto kung presentable akong tingnan at ng makontento ay nagmadali akong bumaba.

"Good morning, Ma," bati ko nang makita ko itong nag-aahagan. Lumapit ako dito upang humalik sa pisngi. Saka ako naupo sa upuan na tapat nito.

"Good morning, Manang Ester, " masigla kong bati kay Manang.

Matagal na samin si Manang Ester. Bata pa lamang ako ay nagtatrabaho na sya samin kaya pamilya na ang turing namin sa kanya dahil wala na din naman syang natitirang pamilya.

"Ano ka ba namang bata ka! Kanina ka pa ginigising ng mama mo at tanghali ka na. May interview ka daw ngayon. Ayy sya kain na kain na maga-alas otso na. Anong oras ba ang iyong interview?"sabi ni Manang Ester.

"Nine in the morning po, Manang," sagot ko habang nagsasandok ng fried rice.

Kumuha ako ng bacon at saka nagsimulang kumain.

"Alas nuwebe? Ay sus alas-otso na aabot ka pa ba?" sabi ni Manang.

"Opo, Manang. Kung hindi po traffic hahaha," biro ko dito.

Konti lang ang kinain ko at baka kabahan ako masyado at sumama ang tiyan ko mahirap na.

"Tapos na po ako," sabi ko saka nagpunta ng banyo at nag toothbrush.

Isinabit ko sa balikat ko ang aking bag at dinala ang folder na naglalaman ng mga requirements ko.

"Bye, Ma. Aalis na po ako," pamamaalam ko sa aking ina na noon ay nagbabasa na ng libro sa sala.

Pinanood ko syang maglakad papunta sakin. Niyakap nya ako at humalik sa pisngi ko.

"Galingan mo anak ha. Kailangan nating mabawi ang kumpanya natin. Para na din sa ala-ala ng daddy mo." Nakita ko ng mangilid ang luha nito pero agad din nya iyong pinunasan.

Nalungkot man ay pinilit kong ngumiti.

"Opo naman Ma. Gagalingan ko para mabawi natin ang kumpanya natin. Pangako." Iyon lamang at umalis na ako.

Sumakay ako ng kotse ko at saka nagmaneho papuntang HARRY LEE COMPANY.

Habang nagmamaneho ay inalala ko kung bakit ako mag-aapply sa HLC. Ang totoong dahilan kung bakit ako mag aapply sa HLC ay dahil napanood ko ang commercial nila na kung sino ang matatanggap na bagong secretary ng CEO nila ay tutupadin ang isang kahilingan mo. Yes, one wish. Kahit anong wish ang gusto mo tutupadin nila kung ikaw ang maswerteng matatanggap.

Hindi man kapani-paniwala pero totoo yun. Talagang tutuparin nila ang isang hiling mo.

Genie lang ang peg!

Since may experience naman ako sa field ng isang kumpanya, mag-aapply ako at kung matatanggap ako, hihilingin kong maibalik ang company namin sa amin, since sila din naman ang nakabili nito. Clothing Company ang HLC kaya sure akong malaki ang posibilidad na matanggap ako since clothing line din naman ang company namin noon. Bukod pa dyan ay talagang pangarap ko na ang makapagtrabaho sa HLC since napapanood ko sila noong 4th Year college ako.

Noong nalaman ko na sila ang bumili ng Company namin ay natuwa pa ako dahil alam kong magaling sila at kung magtatrabaho ako sa kanila ay parang nagtatrabaho na din ako sa company namin.

Kinakabahan ako dahil ang balita ko ay ang mismong CEO daw ang magiinterview samin. Kaya mo yan Yassmin, ikaw pa ba? AJA!

Sa tagal ng pagmumuni-muni ko ay di ko napansing nasa tapat na pala ako ng HLC building. Nagpark lang ako at saka sinilip sa salamin kung presentable pa din ang itsura ko saka ako bumaba.

"GOOD Morning kuya," bati ko sa security guard.

Tumango ito sa akin at saka bumati din pabalik. Nginitian ko na lang ito at saka pumasok sa loob ng building. Namangha ako nang tuluyang makapasok. Ganoon pala kaganda ang loob nito.

Grabe!

Malawak ang lobby ng gusali at makikita mo doon ang mga tarpaulin ng mga damit nila. May mga upuan din para sa mga clients at nasa bandang gitna ang kanilang engrandeng hagdan habang nasa gilid naman ang mga elevators. Nalunod ako sa pagmamasid kaya 'di ko namalayang lagpas na ng 9:00 am.

Shit!

Nagtatakbo ako papunta sa elevator at saka nagmamadaling pinindot ang button upang magbukas. Ang tagal bago ako makapagbukas. Tiyal na male-late ako. Sigurado akong mahaba na ang pila sa taas. Bakit naman kasi inuna ko pa ang pagmamasid sa kabuuan ng kumpanya? Pero 'di ko din lubos masisi ang sarili ko sapagkat tunay na napakaganda ng itsura niyon. Napapadyak ako sa pagkainip.

Damn it!

Kakainis!

Muli akong pumadyak para lamang magulat nang may narinig akong nagmura sa likuran ko. Napasinghap na nilingon ang nagsalita at ganiyon na lang ang gulat ko nang lalaki ang aking malingunan. Hindi lang basta-bastang lalaki kundi si Harry Lee!

Ang may-ari ng kumpanyang pagtatrabahuhan ko ay nasa harap ko at hawak hawak ang dulo ng sapatos.

Nanlaki ang aking mga mata.

Fuck! Sya ata ang naapakan ko. Patay ako nito!

Shit! Napamura ako sa aking isip.

"I'm sorry, Sir! I'm sorry. Hindi ko po sinasadya," sabi ko dito habang hinahabol ang paa nito na pilit nitong nilalayo kapag hahawakan ko.

Gusto kong maiyak dahil sa katangahan ko. Naka-heels pa naman ako at kahit na maliit lang heels niyon alam kong masakit pa din kapag naka-apak. Pointed pa naman.

Tumingin ito sa akin pero wala kang makikitang emosyon sa mukha, maging sa mga mata nito.

"No, it's okay," sabi nito saka inayos ang tindig at sinipat kung nagusot ang damit. Matapos ay pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan ko saka tumitig sa aking mukha.

"Sir, I'm sorry. Hindi ko po talaga sinasadya. Sir-" magsasalita pa sana ako ng sumenyas ito na tumahimik ako at saka pumasok sa kabubukas pa lamang na elevator. Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang aking gagawin sa mga oras na iyon. Hindi ko akalain na malalapitan ko si Harr Lee. Natitigilan akong tumingin dito pero laking gulat ko nang makitang nakatingin pa din ito sakin.

"Papasok ka ba o isasara ko na to?" malamig na tanong nito. Kinakabahan man ay pumasok na ako sa elevator. Isinara na nito ang elevator pagpasok ko. Kaming dalawa lang ang sakay niyon at hindi na ako umimik dahil pareho din naman kami ng floor na pupuntahan since sya nga ang mag iinterview sa aming mga applicant.

Maya-maya ay tumunog na ang elevetor at ayon dito ay nasa 15th floor na kami. Sa office ni baby Harry.

Bahagya akong kinilig. Bakit parang crush ko na ata sya? Natawa ako sa aking sarili.

"Why are you laughing?" Tanong sakin ni baby Harry. Nang mag-angat ako ng tingin ay nasa labas na pala ito at napahawak sa button para hindi magsara ang elevator.

Napalatak ako.

Hala! Narinig pala ni sir ang tawa ko! Shit! Baka nasabi ko din nang malakas na crush ko sya?

Napakamot sa braso na umiling ako. "Ah, wala po, Sir. May naalala lang po ako," palusot ko saka nahihiyang tumungo at humakbang palabas ng elevator.

Nauunang maglakad si baby Harry ko sa akin kaya nagawa kong titigan ang paraan nito nang paglalakad maging at pananamit nya. Maayos ang tindig nito at taas noo kung maglakad. Maayos din ang buhok nito na medyo malago pero hindi naman pangit actually bagay sa kanya ang buhok nya. Litaw na litaw ang mature at gwapo nyang mukha. Medyo moreno ang kutis at pormal ang pananamit.

Pumasok ito sa pinto ng isang office. Iyon na siguro ang office nya. Bubuksan ko na sana ng pinto nang biglang may babaeng lumapit sakin.

"Excuse me Miss. Where are you going?" wika ng babae sa akin.

"Ah, sa loob po. Mag-aapply," sabi ko.

"Maupo ka po muna," anito habang sinesenyas sakin ang upuan sa gilid. Pagtingin ko sa tinuro nito ay doon ko napansin ang iba pang applicants na nakatingin sa akin. Ang ibang babae ay nagbubulungan habang ang iba naman ay masama ang tingin samin. Samantalang ang mga lalaki naman ang nakangiti sa akin. Nginitian ko na lang din sila pabalik.

"Sorry," hinging paumanhin ko saka umupo sa upuan na naroon.

Napansin kong halos nasa tatlumpo kami nakapila. Binasa ko na lang ang resume ko at saka nagintay. Ilang oras pa ang lumipas nang sa wakas ay tawagin na din ang pangalan ko.

"Ms. Yassmin Kurdy Smith. You're next," imporma ng babae na pumigil sa akin kanina.

"Thank you," nakangiting tugon ko at saka tumayo. Naglakad ako patungo sa office ng boss at kumatok muna bago pumasok.

"Good afternoon Sir," bati ko kay baby Harry ngunit agad kong kinagalitan ang aking sarili.

Saka na ang landi, focus muna, Yassmin!

"Sit down," utos ni baby Harry sa akin habang ang paningin ay nasa papel na siguradong resume ko. Agad akong tumalima at nang makaupo ako ay saka lang ito nang-angat ng tingin sakin.

"According to your resume, you're a Psychologist. Why are you applying in my company then?" unang tanong nito.

"Well yes Sir, I am a psychologist but i decided to apply here because I want to develop my skills in this kind of field since I had a little experience in working in this kind of job Sir, "sabi ko habang nakatingin sa mga mata nito.

"Why do you want to develop your skills in this field while you had a nice job? Why would you trade your job as a Psychologist in being my secretary? You know the difference between the two and still your applying in that position, " sabi ulit nito.

"I want to develop my skills so I can manage our company and I am applying in your company because I watched your commercial on the T.V and I am interested to that deal Sir, "Sabi ko.

"So you have a company huh? What is the name of your company? "sabi nito. Mababasa mo na interesado itong malaman. Siguro dahil iniisip nitong kakompentensya nila kami.

"The Kurdy Clothing Company Sir, " sabi ko dito.

"The Kurdy Clothing Company? Yan ang company na binili namin hindi ba? " Tanong nito sakin.

"Yes Sir and the reason why I am applying in your company is because the commercial said that the applicant that will be hired will be given a chance to make a wish, any kind of wish. So I am applying to that position to try my luck and make my wish which is to have our company back Sir, "sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito.

"Okay, "sabi nito habang tumatango-tango. "Just wait for our call. You may go." Dagdag nito.

Tumayo ako saka humarap dito upang magpaalam.

"Thank you Sir, I will wait for that call, "sabi ko dito.

Yun lamang at lumabas na ako ng office. Nagpaalam ako at nagpasalamat sa babae kanina saka nagmaneho pauwi.

Harry P.O.V

Nagising ako ng tumunog ang alarm ko. It's 4:00 am in the morning. Tumayo ako saka dumiretso sa banyo ko. Naligo muna ako bago bumaba papunta sa kitchen. Naabutan ko si Manang Lita na naghahanda ng lulutuin nito.

"Good morning Manang. Ang aga nyo naman po pumunta dito? " Sabi ko dito saka umupo sa upuan na nasa center island ng kitchen ko habang pinapanood si Manang Lita.

"Aba'y oo iho parang di ka na nasanay. Lagi naman akong maagang pumupunta dito upang ipaghanda ka ng almusal dahil alam kong maaga ka parati gumigising. Pero napaaga naman ata masyado ang gising mo? Hindi ba't ang normal mong gising eh alas singko? Eh alas kwarto pa lamang hindi ba?" sabi nito sakin habang abala pa din sa paghahanda ng lulutuin.

"Yes Manang kailangan kong gumising ng maaga at magiinterview ako ng mga aplikante sa kumpanya, " sabi ko.

"Ahhh oo nga. Naghahanap ka nga pala ng bagong sekretarya dahil umalis na si Aimy, " sabi nito.

Hindi na ako umimik. Binanggit na naman nya ang pangalan ng babaeng mahal ko. Oo ng babaeng MAHAL KO. Pero iniwan nya ako at sumama sa ibang lalaki. Almost 2 years na nung iniwan nya ako pero di pa ako nakaka move on sa kanya hanggang ngayon. Sya ang first love ko.

Naalala ko pa yung araw na nahuli ko syang may iba. Dec 13 bale 3rd anniversary namin yun, plano kong puntahan sya sa bahay nya kasi di ko sya pinapasok gawa anniversary namin at naghanda ako ng supresa sa kanya.

Pagkatapos kong siguraduhing handa na ang surpresa ko sa kanya ay nagdesisyon akong sunduin na sya sa kanila. Tinatawagan ko sya pero di sya sumasagot. Nakailang tawag na din ako pero hinayaan ko nalang. Masaya akong nagmamaneho nung araw na yun at paulit ulit kong sinisilip ang bouquet ng rosas na ibibigay ko sa kanya.

Pagdating ko sa bahay nya nagtaka ako kasi medyo bukas ang pinto so pumasok na ako pero wala sya sa baba kaya umakyat nalang ako para puntahan sya sa kwarto nya. Habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto nya ay may naririnig akong ingay. Ingay ng isang babae at lalaki.

"Ohhhhh!Faster babe,faster!"boses ng babae.

"Yeahhhh you like it huh, ahhhhhh!"boses ng di ko kilalang lalaki.

"Ahhhhh ohhhh y-yes! Y-yeeees, I like it,harder please! Ahhhh,"sabi na naman ng babae.

Habang papalapit ako ay sobra ang kaba na nararamdaman ko at takot sa kung anong makikita ko sa loob. Papalakas ng papalakas ang ingay kaya nagdesisyon akong pihitin ang door knob na hindi pala naka lock. Ganun na lang ang gulat ko sa nakita ko. Nakita ko si Aimee nakahiga sa kama nya at may nakapatong na lalaki sa ibabaw nya. Pareho silang nakahubad at may ginagawang milagro. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang bulaklak na hawak ko, gumawa iyon ng ingay na nakatawag ng pansin ni Aimy. Napaupo sya sa gulat at huminto naman ang lalaki sa ginagawa nito.

"Harry," gulat na gulat at humihingal na tawag ni Aimy. Tinakpan nya ng kumot ang hubad na katawan ganun din ang ginawa ng lalaki sa katawan nito.

"Why Aimy? Why did you do this to me?" walang emosyon na sabi ko dito. Pinipigilan ang maiyak sa harap ng mga taong nanloko sakin.

"I..I-I'm sorry Harry. But I don't love you anymore. I love him more than I loved you. We're done Harry. I'm sorry,"Sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.

"That's bullshit! You love him more than you loved me? Tell me, Aimy since when did you love him huh?Tell me!" Sigaw ko di ko na mapigilan ang nararamdamang sakit.

"We're in a relationship for almost a year now," nakatungo nitong sabi.

"Almost a year?so it means matagal mo na akong niloloko? Kaya pala lagi kang busy. Kaya pala lagi kang wala sa oras ng trabaho. Kaya pala hindi mo na ako naasikaso kasi iba na ang inaasikaso mo! How could you do this to me? I gave you everything Aimy, now tell me am I not enough?" Umiiyak ng sabi ko dito.

"I'm sorry Harry, but I don't love you anymore. I am in a relationship with Lance now so please leave and forget everything about us,about me. I am not going to work in your company starting tommorow. We're leaving the country. Goodbye. "diretsong sabi nito.

Umalis ako sa bahay na yun at dumiretso sa Ayala Triangle Gardens kung saan ko inihanda ang surpresa ko para kay Aimy. Napakaganda ng ayos ng supresa ko sa kanya. Pinalagyan ko ng lanterns ang puno upang magsilbing ilaw namin. Sa ilalim ng malaking puno na iyon ay may table na para samin dalawa. Nakapaloob sya sa rosas na guhit puso at napapalibutan ng maliliit na kandila ang paligid. Napaka ganda ng plano ko sa gabing iyon. Kakain kami ng masarap na pagkain at sasayaw sa ilalim ng mga bituin. Pero wala eh iniwan na nya ako. Ngayon ay magisa ako sa lugar na yun habang naglalasing sa alak na.

Bumuntong-hininga ako sa ala-ala. Hanggang ngayon ramdam ko pa din ang sakit. Nalaman ko nalang na yung Lance na yun pala ay anak ng may-ari ng kumpanyang kalaban ko. Yun pa ang nangunguna noon pero kumpanya ko na ang nangunguna sa lahat ng kumpanya dito sa Makati.

"Lalim nun ah," biglang sabi ni Manang Lita.

Masyado akong nalunod sa pagbabalik tanaw ko sa ala-alang binigay ni Aimy,halos nakalimutan ko ng nandito si Manang Lita.

"Kanina pa luto ang almusal. Kanina pa din kita tinatawag pero tulala ka lang. Ayos ka lang ba iho?" bakas ang pag-aalala sa tono nito.

"I'm okay Manang. Let's eat," sabi ko dito upang di na nito mabanggit ang tungkol sa nangyari samin ni Aimy. Alam nya kasi ang relasyon namin ni Aimy maging ang pagtatraydor nito sakin.

Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa gym ko upang mag excercise ng konti tutal maaga pa naman. Nang alas otso na ay umakyat ako ulit ng kwarto ko upang maligo at maghanda pagpasok sa opisina. 9:00 am ang schedule ng pagi-interview ko sa mga aplikante. Paglabas ko ng banyo at nakita kong nakahanda na sa kama ko ang damit ko sa trabaho. Naihanda na ni Manang Lita. Napangiti pa ako ng saglit bago nagdesisyong magbihis ng matapos ay bumaba na ako.

"I'm going to work now Manang Lita. Kayo na po ang bahala sa bahay. Huwag po kayo masyadong magpapagod," bilin ko pa dito.

"Salamat Iho. Ingat ka din sa pagmamaneho," sabi nito.

Iyon lamang at umalis na ako. Habang nagmamaneho naisipan kong dumaan sa Ayala Triangle Gardens gaya ng lagi kong ginagawa bago pumasok. Mula ng iwan ako ni Aimy,pabalik-balik akong pumupunta doon upang magpalipas ng oras. Pagkarating doon ay umupo ako sa damuhan at doon inubos ang aking oras habang inaalala ang nakaraan namin ni Aimy.

Inalala ko kung paano kaming unang nagkita. Ganitong panahon din yun,naghahanap kami ng bagong secretary at sya ang natanggap ng daddy ko para sa posisyon. Hindi pa ako ang CEO nun pero palagi akong nasa kumpanya nun dahil gusto ni daddy na masanay ako sa kaganapan sa loob ng aming kumpanya. Unang kita ko pa lamang sa kanya ay nagkagusto na ako sa kanya. Sinong hindi magkakagusto kay Aimy. Maganda,matangkad,sexy at matalino. Kahit na madaming nagsasabing hindi maganda ang ugaki nito ay hindi ko iyon pinansin. Niligawan ko ito at makalipas ang kalahating taon ay sinagot na din ako nito.

Masaya naman kami nun at makikita sa kilos namin kung gaano namin kamahal ang isa't-isa. Hindi ko alam kung anong nangyari at pinagpalit nalang nya ako bigla. Bago ko pa namalayan ay tumulo na naman ang aking luha. Saka ko tiningnan ang oras at nalamang late na pala ako. Tumayo ako upang pagpagan ang pantalon ko at saka pumunta ng kotse ko. Nagmaneho na ako papunta sa kumpanya ko at ganun nalang ang inis ko dahil traffic.

Fuck! Not now malelate ako sa trabaho. Singhal ko kahit ako ang CEO ayoko ng pinag-iintay ang mga nagtatrabaho sa kumpanya ko. Saktong 9:00 am na ako nakarating sa kumpanya ko. Nagpark lang ako saka pumasok sa loob. Naglalakad ako sa lobby ng mapansin ko ang isang babae. Matangkad,maputi at maayos ang postura. Minamasdan nito ang bawat sulok ng loob ng kumpanya. Ilang oras pa ito nagmasid bago nagmadaling pumuntang elevator at pinindot ng pinindot ang button dun upang bumukas kaso ay kakasarado lamang ng elevator mukhang papaakyat pa lamang ito. Pinanood ko itong magpapadyak sa inis saka ako naglakad papalapit dito. Sa kamalasan naman ay nasaktuhan pagpadyak nito ng huling beses ay paa ko ang naapakan nito.

Damn! Singhal ko dahil masakit naman sadya lalo na at naka heels din ito. Kahit mababa lamang iyon ay patusok naman iyon kaya masakit talaga. Hinawakan ko ang dulo na sapatos na parang paa ko mismo ang hawak hawak. Natigilan ako ng lumingon ang babaeng nakaapak sa paa ko,napanood ko din ang naging reaksyon nito. Mukhang kilala ako nito base sa reaksyon ng mukha nito.

"Sir I'm sorry, di ko po sinasadya,"sabi nito sa akin. Sising-sisi sa nagawa at di malaman ang gagawin. Pilit din nitong hinahabol ang paa kong natapakan pero inilalayo ko iyon.

"No, it's okay,"sabi ko dito saka ako umayos ng tayo. Inayos ko din ang damit ko dahil baka nagusot sa pagkakayuko ko. Pagkatapos ay tiningnan ko ang kabuuan ng babaeng nasa harap ko. Bagay na bagay sa kanya ang suot nyang korean style na long sleeve na puti at high waist pati heels nito ay kulay puti din pagkatapos ay mukha naman nito ang tiningnan ko. Makinis at mamula-mula ang mga pisngi,makapal ang pilik-mata at kulay asul ang mga mata at mapula ang mga labi na kumintab dahil sa nilagay na lip balm.

"Sir, I'm sorry hindi ko po talaga sinasadya Sir-" hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita dahil paulit-ulit lang naman ang sinasabi nito at saka ako pumasok na elevator na noo'y kakabukas lamang. Nang makapasok ako ay nagtataka akong tumingin sa babae na noon ay nakatayo at tila may iniisip pa. Nagulat ako ng tumingin ito sa akin pero di ko ipinahalata.

"Papasok ka ba o isasara ko na to?"Malamig na sabi ko dito. Pumasok naman na ito sa loob. Hindi ko na sya tinanong kung saang floor sya pupunta dahil halata naman na isa sya sa aplikante dahil napansin ko ang dadala nyang folder.

*Tiiiiing..

Agad akong lumabas pagkabukas ng elevator pero ang babaeng iyon ay tulala pa din kaya pinindot ko ang button para di iyon magsara. Magsasalita na sana ako ng bigla itong tumawa.

"Hahahaha,"tawa nito na parang tawang-tawa sa naiisip nya at umiiling-iling pa. Weirdo!

"Why are you laughing?"Tanong ko dito mamaya baliw pala ito tapos andito sa kumpanya ko.

Nagulat ito sa tanong ko at halatang di alam na naibigkas nya ang iniisip.

"Ahhhh wala po Sir,may naisip lang po ako,"sabi nito saka naglakad papalabas ng elevator ng nakayuko.

Naglakad na ako papunta sa office ko habang ang babaeng iyon naman ay nasa likuran ko. Ngumiti ako sa mga staff ko at tumango sa mga ito bilang pagbati. Napakadaming aplikante ng araw na ito. Inabot na kami ng hapon pero hindi ko pa nakakausap ang babaeng iyon. Pinatawag ko na kay Jane ang susunod na aplikante. Jane is our Chief of Staff,she is responsible in hiring or firing the company staff pero dahil secretary ang aming kailangan ay ako mismo ang magiinterview sa mga aplikante. Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng office ko at saka pumasok,iyon ang babae kanina. Hindi ko na masyado itong tiningnan at binasa ko na lang ang resume nito. Psychologist pala ang babaeng ito. Hmmm, impressive.

"Good afternoon Sir Harry,"sabi nito.Kilala na nga ako nito hindi ako nagkamali.

"Sit down,"utos ko dito na agad naman nitong sinunod. Ang paningin ko ay nakatutok pa din sa resume nito. Yassmin Kurdy Smith ang pangalan nito.

"According to your resume, you're a Psychologist but why are you applying in my company then?"sabi ko dito.

"Well yes Sir, I am a psychologist but i decided to apply here because I want to develop my skills in this kind of field since I had a little experience in working in this kind of job Sir,"sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko. Iyon ang gusto ko,tumitingin sa mata ko para malaman ko kung nagsasabi ng totoo ang isang tao. Tumango-tango ako bago muling nagtanong.

"Why do you want to develop your skills in this field while you had a nice job? Why would you trade your job as a psychologist in being my secretary? You know the difference between the two and still your applying in that position," sabi ko ulit dito.

"I want to develop my skills so I can manage our company and I am applying in your company because I watched your commercial on the T.V and I am interested to that deal Sir,"Sabi nito.

"So you have a company huh? What is the name of your company?"sabi ko. Interesado akong malaman kung ano ang pangalan ng kumpanya ng mga ito at bakit sya mag-aapply sakin kung may kumpanya naman pala sila. Baka mamaya spy to para mapabagsak ang kumpanya ko.

"The Kurdy Clothing Company Sir,"sabi nito sakin.

"The Kurdy Clothing Company? Yan ang company na binili namin hindi ba?" Tanong ko dito. So kanila pala yun?

"Yes Sir and that's the reason why I am applying in your company because the commercial said that the applicant that you will hire will be given a chance to make a wish and you will make it true. So I am applying to that position to try my luck and make my wish which is having our company back,"sabi nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito.

"Okay, just wait for our call. You may go," Sabi ko habang tumatango-tango.

Tumayo ito sa pagkakaupo at saka humarap sakin upang magpaalam.

"Thank you Sir, I will wait for that call,"sabi nito bago tuluyang umalis.

Sya ang huli naming aplikante kaya naman inasikaso ko na ang aking trabaho,pinirmahan ang lahat ng kailangan kong pirmahan at saka inayos ang gamit upang makauwi na.

"Jane, thank you sa paghahanap ng bagong secretary. Good Job,"sabi ko dito at saka tuluyang umalis.

Nagmaneho na ako pauwi dahil alam kong andun pa din si Manang Lita. Malapit lang naman sa bahay ko ang bahay nina Manang Lita kaya pumupunta na lamang sya sa bahay ko kapag maglilinis at magluluto at maglalaba ng mga damit ko at syempre pagpaplantsa. Parang nanay ko na din yan si Manang Lita,mabait yan at saka maasikaso.

"Manang I'm home,"sabi ko sana umupo sa sofa sa salas at nanood ng T.V.

"Kumain ka na ba? Teka ipaghahanda kita ng makakain," sabi ni Manang Lita

Hindi na ako umimik dahil iniisip ko din kung tatawagan ko na si Yassmin. Sya ang napili ko bilang bagong Secretary ko dahil sa lahat ng nga nag apply sya lang ang may mas matagal na experience sa field ng business at isa pa naisip ko na malaki din naman ang maitutulong nito sa kumpanya since pareho lang ng negosyo ang kumpanya namin.

"Iho kumain ka na muna bago magpahinga,"biglang sabi ni Manang na nasa likuran ko.

"Ok Manang let's eat,"sabi ko saka dumulog sa lamesa. Adobo at pinakbet ang inihandang ulam ni Manang Lita kaya napadami din ako ng kain dahil paborito ko ang luto niyang iyon.

Pagkatapos kumain ay tumayo na ako at nagpaalam kay Manang Lita na magpapahinga na. Pagkapasok ko sa kwarto ay namili ako ng damit na pampalit at saka pumasok sa banyo para maligo. Normal sakin ang naliligo sa gabi pantanggal pagod ko ang ganung gawain. Pagkatapos kong magbihis ay umupo ako sa kama at sumandal sa headboard nito habang hawak hawak ang librong babasahin ko bago matulog. Bago ko pa makalimutan ay kinuha ko na ang cellphone ko upang tawagan si Yassmin. Naka isang ring pa lamang iyon ay sumagot na ito.

"Hello,"sabi ng babae sa kabilang linya.

"Good evening Ms Smith, I just want to inform you that you are hired and shall start working on Monday." sabi ko dito. Friday palang naman ngayon so may ilang araw pa syang palugit upang makapaghanda sa pagpasok.

"Thank you Sir, I won't let you down," masayang sagot nito.

Di na ako sumagot at pinatay ko na ang tawag.

*To be continued*

A/N:Don't forget to vote,comment and share*:-)❣️

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Ms_Janecreators' thoughts
Next chapter