2 CHLM 2: Cute♡

Ralph's Point Of View

I can't forget that moment!

Waaah! It's so awkward but i'm happy with that scene.

I can't even forget his face, his smile, his eyes and his body.

Saturday na ngayon, mahigit apat na raw na nung huli ko siyang nakita at nakausap. Yes! you heard it right, nakausap ko siya pero hindi ganun katagal kasi nao-awkwardan na ako sa mga nangyayari nung panahong iyon.

So ayun na nga papunta ako ngayon sa Levinity University or mas kilala bilang L.U para mag enroll ayoko sana dito dahil bukod sa ang mahal~mahal dito, masyadong mga mayayabang ang mga nag-aaral dito.

Paano ko nalaman? Well... andito yung mga dati kong classmates nung nasa highschool pa ako, mga classmate kong mayayabang na akala mo naman kung sino, akala mo may maipagyayabang. Well... meron naman talaga kasi mayayaman sila pero hindi din nila alam na mayaman din ako dahil sa aking pananamit .

Katulad ng sinabi ko sa inyo nung una palang na simple lang akong tao hindi ako masyado nagsusuot ng magagarbong damit. Lumalabas nga ako ng aming bahay na nakasando at boxer lang minsan.

Kaya nabubully ako dati, pero hindi ko na sila pinapansin mas nagfo-focus ako sa studies ko kasi ang goal ko noon ay ang makapagtapos ng highschool with an highest honor dahil may gusto akong mapatunayan sa aking mga magulang.

Yun ay ang kaya kong mag-aral mag-isa na hindi kinakailangan ang kanilang tulong. At lalong-lalo na ng magtutor sa akin, kasi parang feeling ko kapag may tutor ako parang iniisip nila na ang hina-hina kong estudyante.

Kaya kapag binibigyan nila ako ng tutor nagkukunwari akong mahina ang aking utak at laging hindi naiintindihan ang kaniyang tinuturo hanggang sa mabuwisit sa akin yung nagtuturo.

Kaya ang ending minsan ayun susuko nalang at aalis dahil ang hirap ko daw turuan. Kaya mission success na naman ako pero after that moment pagagalitan na naman ako ng aking butihing ama. Lagi niyang sinasabi na...

" hindi ka na ba magbabago?!" halos pasigaw niyang sambit sa akin.

" Bakit ba ang hina- hina mong bata ka? Kanino ka ba nagmana? Buti pa ang mga kapatid mo ang tatalino, eh ikaw anong nangyayari sayo?", dagdag niya.

"Ano bang gusto niyo?", patanong kong sambit sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

" Umayos ka Ralph kapag hindi ka nagbago hinding-hindi na kita pag aaralin. Sayang lang ang pinapaaral ko sayo. Ang mahal- mahal pa naman ng tuition fee mo tapos bababuyin mo lang", sagot niya tapos biglang labas ng Study room ko.

" Kung alam mo lang dad", pabulong kong sambit sa kawalan.

Napapabuntong hininga na lamang ako sa tuwing naalala ko ang scenariong iyon. Kaya simula noon hindi na siya nagpupunta sa school palaging yung yaya ko nalang ang pumupunta sa tuwing may meeting at recognition sa school.

Hindi nga din niya alam na grumaduate akong with high honors si mom lang ang nakakaalam dahil siya lang ang umattend nung moving up namin ayaw daw ni dad dahil ano daw ang gagawin niya dun, magsasayang lang daw siya ng oras dun. Kaya kinausap ko na lang si mom na wag sabihin na may honor ako.

I remember that moment na pagkasabit na pagkasabit sa akin ng medalya sa aking leeg bigla akong napaiyak dahil naalala ko yung unang moment na sinabitan ako ng medalya ng aking ama ang saya- saya niya noon pinagmalaki niya ako sa lahat ng kumpadre niya. Kaya isa din yung sa pinakamasayang araw ng buhay ko.

So back to the reality, nandito na ako sa may cashier para magbayad ng aking tuition fee. Naaasikaso ko na ang lahat ng papers para makapag aral sa uniberisidad na ito. Sa tagal ba naman nating nagkukuwentuhan dito HAHAHA.

At ayun na nga nakapagbayad na ako, palabas na ako ng university ng biglang may tumawag sa akin.

biglang nagflash sa screen ang pangalan ni mom.

" Hello mom?" sagot ko sa tawag.

" Son! How are you? Nakapag enroll ka na ba?", tugon niya.

" Im fine, yes nakapag enroll na po ako", sagot ko.

"Saan ka kumuha ng pambayad mo? Nakita mo ba yung cheque na iniwan ko sa room mo kanina?" saad ni mom.

"Sa savings ko po mom, may pera pa naman ako eh", sabi ko.

" ahh okay... kunin mo na yung cheque at isave mo nalang din", sabi niya.

"Okaaaa... Araaaaay! " napasigaw ako dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko.

Nakakainis naman sino ba to?

" Sa susunod tumingin kasi sa dinadaanan para hind..." hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sa nakita ko.

" Sorry , hindi ko sinasadya nagmamadali na kasi ako baka hindi ako makaabot sa enrollment", paghingi niya ng despensa.

" Ahh its okay. Kasalanan ko din naman, Hindi rin kasi ako natingin sa dinadaanan ko", sabi ko sa lalaking nasa harapan ko.

" Naah its okay, by the way im Julian, and you are?", pagpapakilala niya sabay lahad ng kaniyang kamay.

" Ralph, call me ralph", sagot ko at abot din ng kanyang kamay.

" its nice to meet you ralph, im really really sorry about what happened" sabi niya.

" btw, i need to go anong oras na kasi eh", dagdag pa niya.

" okaay! Nice meeting you too, mauna na din ako", sabi ko sabay lakad palabas ng university.

" bye ralph see you around", sabi niya sabay takbo.

Napatawa nalang ako sa itsura niya kasi mukhang nagmamadali talaga siya. Anong oras na din kasi kaya siguro nagmamadali siya.

pero ang cute niya ahh...

pero ang cute niya ahh...

pero ang cute niya ahh...

Di mawala sa isip ko ang mga katagang iyon. Nababaliw na naman ata ako. Itutulog ko nalang ito at maaga pa ako bukas para bumili ng uniform at mga gamit para sa nalalapit na pagpasok next next week.

Goodnight guys! Love you all!

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Like it? Well i hope you like it.

I promise na magaupdate ako araw-araw. Ill try my best.

Love you all

"Forget the negativity and stay with positivity."

~ Annessioness💛

avataravatar