3 TWITTER

"Yvonne! Kilala mo ba yung bagong pogi sa twitter?"

"Di ako updated and isa pa, I have no interest diyan sa poging yan."

"Lies. Ang sabihin mo wala kayong internet!"

"How dare you expose the truth?! Tingin nga!"

"Hahahahahaha! Mamaya na pag-uwi natin. Punta ka sa bahay."

"Tsk. Tingnan mo! Di mo rin pala ipapakita!"

-Recess time-

"Nicole, may assignment ka ba? Paturo please kung pano."

"Yeah, kopyahin mo na Lia. Alam ko naman yang may hidden meaning ka. Hahahahahah!"

"Thank you talaga mole! Di ko alam kung paano ako makakapasa kung wala ka."

"Ano ka ba! Ikaw nga nagturo sa akin niyan. Tamad ka lang gumawa."

Pumasok si Calvin sa classroom dala ang walang kamatayang cheese bread sa canteen.

"Lia Yvonne! You can't believe what I had just experience sa canteen!"

"Shhh. Mamaya ka na nagsasagot pa ako."

"Hmph, sige. Gagawin ko na nga rin yan!"

After 10 minutes... 

At the corridor

"Calvs! Ano na nga yung ikukwento mo?"

"Ay oo nga pala! Ayun na nga! Nakita ko si Luke, feeling ko type niya ako kase lagi niya ako tinititigan!"

"Psssh. Wag mo ngang agawin saken si Luke! Mang-aagaw ka talaga kahit kailan. Pwede ba, kahit lahat na, wag lang siya okay?!"

"Hahahahaha! Baket? Are you threatened?"

"Of course not! Ayaw ko lang na you're fond of him also."

"Hahahahaha don't wo-"

"GUYS ANDIYAN NA SI MA'AM BRENDA!"

"Come on Calvs, pasok na us."

*bell rings

---------

- Along the streets of Via Verde -

"Hayys, inaantok na ako."

"Uy Yves, wg mong kalimutan pumunta sa bahay ah. Ipapakita ko sayo ung pogi!"

"Tsk. Fine. Whatever. Magwi-WiFi din ako sa inyo hahahahah!"

"Sinasabi ko na nga ba, isa kang oportunista!"

"Hahahahaha you know me well. Sige, tulog muna ako. Mga 3:00, pupunta na ako sa inyo."

"Okay, see you sis!"

---------

- Arellano Residence -

"Mom! I'm home na!" Sabay nagmano si Yves sa kanyang mommy.

"Oh, you want to have some lunch? Or pahinga ka muna?"

"I'm tired na ma eh. I'm going to sleep muna. Kila Calvin nalang ako kakain."

"Hayy naku ka talagang bata ka! Mahiya ka nga kila Tito Caleb mo."

"It's okay ma, may plano na naman kami ni Calvin. Besides, sanay na si Tito. Hahahahah!"

"Haysss, sige. Go upstairs na. Magpahinga ka muna."

-------

- Carbonell Residence -

"My god! 3:10 na wala pa si Yvonne! Palibhasa laging late eh."

*ding dong!

"Pasok!"

*ding dong!

"Yves, are you deaf?! Bukas yan!"

*ding dong!

"Oh shit! I'm coming!"

Dali daling binuksan ni Calvin ang gate.

"Bakit ba ayaw mong puma-"

Calvin froze on the spot.

"Uhm, ito nga pala ung report natin bukas. Ako kasi pinagdrawing mo tsaka pinagsulat kaya sa akin naiwan. Hinatid ko lang ngayon."

Calvin was still speechless.

Nagulat ang dalawa nang biglang may boses na bumulabog sa kanila.

"Hey sis! Sorry I'm-" Nagulat din si Yves sa kanyang nakita.

"Eherm, so what is the meaning of this? Jam! Why are you here?"

"Hahahahaha may binalik lang ako."

"Ah, kaya pala tanda mo parin ung bahay ni Calvs."

"Ano ka ba! Madalas kasi tayong mag-overnight at gumawa ng projects sa kanila."

"Oh, what a wonderful memories Jam no?"

"What the heck Yvonne! Shut your mouth!"

"Why?"

Bigla silang nagulat nang may nagsalitang boses matanda.

"Hey, what's the commotion there? Calvin, papasukin mo na yung bisita mo. Oh, si Jamie pala yan eh. Jamie kayo ba uli?"

"Dad!"

"Hahahahaha hindi po. Binigay ko lang ung report namin. Paalis narin po ako."

"Wews? Tito, feeling ko may something." Sabat ni Yves.

"Humanda ka sa akin mamaya Yves!" Nanggagalaiti na sa galit si Calvin.

"Hahahahaha I have Tito Caleb to protect me!"

"Uhm, sige. Aalis na po ako. Bye po Sir. Bye Lia! Bye bakla."

"Hmph. Bye."

- At Calvin's room -

"Yun na nga lahat ng pinag-usapan namin! Binigay niya lang ung report!"

"Are you sure? Bakit sobrang affected ka? Hahahahaha!"

"Kung hindi ka kasi late, edi sana di ko yun pinagbuksan ng pinto. Sinabi niya pa na siya ung pinagsulat ko at pinagguhit!"

"Hahahaha pinapamukha niyang wala kang kwenta leader! Hahahahaha buti nga sayo."

"Tsk, naghahanap lang yon ng may maigaganti. Baka di pa siya makamove on. Okay na ang lahat kung hindi mo lang kasi ginagatungan. Andun pa si dad!"

"Hahahahahaha! Mianhe, mianhe. Okay? Natagalan kasi ako manood ng K-Drama paggising ko."

"Ewan ko sayo. Pati nung nakikikain ka kanina, andami mong simasabi kay dad! Palamunin ka na nga, daldalera ka pa."

"Hahahahah, forget about it. Btw, sino na nga ung pogi sa twitter?"

"Kala ko ba wala kang pake? Hayss, bibigay ka rin pala. Come here. Ito oh!"

"Oh. Okay, yan lang pala."

"Omaygoshhhh! Di ka ba napopogian sa kanya! Ang hot niya kaya! He's Migo Traspe. Search mo na rin!"

"No need. Somehow mediocre yung looks niya. Tsk. Tapos na ako sa research ko. I'm heading downstairs. Hatid mo ko sa gate. Magdidilim na rin."

"Ok. Let's go."

--------

"Bye tito! Thanks po uli!"

"Sige Lia, regards mo ko sa mama mo."

*Closes the gate

"Calvin, let's talk."

"For what dad?!" Calvin was dumbfounded.

"Kay Jam."

"Omaygo- Urgh! dad, stop pestering me! Kalokohan lang ni Yves yon!" Calvin hurriedly ran towards his room.

------

JAM'S POV

Actually, di ko naman talaga plinano na ipaiwan yung report para ako ung personally magbalik sa kanya. Masyado kasing hayahay yung lider namen! Para naman maiready niya sa report bukas.

Pero nung binabalik ko sa kanya, I felt awkward towards him. I felt like may gusto pa siya sa akin.

I mean inaamin ko, I'm not fully moved on. Naaalala ko parin ung bigay niyang letter at moon necklace, and kinikilig parin ako dun.

Pero nung nalaman kong bakla parin siya, I felt like my world had been upside down. Ang hirap kase, all this time na magkasama kami, may type parin siyang guys and I'm hurt because of that fact.

I don't know why, pero nung sumingit si Yves, mas kinabahan ako. Lalo na nung makita ko yung daddy ni Calvin. I felt like narereminisce ko yung past and nafuflutter uli ako.

Omaygosh, I'm not going to fall for that gay again!

--------

CALVIN'S POV

Urgh, here we go again. Sira nanaman yung araw ko dahil sa dalawang yon! Ginantihan talaga ako ni Yves kasi feeling niya inaagaw ko si Luke sa kanya. Di ko naman kasi inexpect na pupunta si Jam.

Why do I feel awkward sa kanya, I mean I'm. A gay and I need to be friendly. Pero totoo nga ang sabi nila. Mahirap kaibiganin ang isang ex.

Mygosh I'm so frustrated! Si daddy rin, ayaw tumigil makiusyoso! Nahihirapan na ako!

Bahala na nga! Atleast may Migo ako sa twitter. Mas pogi naman to kaysa sa ex ni Lia no!

Pero bakit parang may kamukha si Migo?

--------

YVONNE'S POV

Hahahahahaha! Buti nga sa kanya! Mainis siya to the max! Buti nga spoiled ako ni Tito Caleb. Masyado niya kaseng pinapakialaman yung Luke ko!

I admit, may kaunting feeling parin ako para kay Mark. Hirap kaya ng first time! I'm sorry pero pinantatakip butas ko lang si Luke para di ako maasar ni Keira. Pero kahit ganon, akin parin si Luke!

Mygod! Ang landi ko hahahahahah! May report pa kami bukas, aaralin ko muna yun tapos manonood ng favorite kong K-Drama. Isa pa yung Migo daw? Uhm, quite pogi, pero di ako nattract. Hays, hirap talaga pag bakla, mabilis mafall basta gwapo!

avataravatar