1 Papasok nanaman ako?

Ang alam ko lang namatay na ako, pero bakit nga ba nandito ako ngayon sa loob ng kuwarto ko noong nag-aaral palang ako ng highschool?

Kahit anong tingin ko saking paligid, talagang katulad ito saking kuwarto. Kaya pinili ko nalang na bumangon sa aking kama at lumabas sa kuwarto.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng sumakit ng bigla ang aking ulo at may narinig ako na boses na tila bang nasa loob ng ulo ko.

[Sinisimulan na ngayon ang 'Supreme System']

[Pina alalahanan ang 'host' na makakarandam siya nang matinding sakit.]

[1%....27%.....69%.....99%.....100%]

[Ang 'Supreme System' ay nakakabit na sa 'host']

Ano to? Bakit ako nakakarinig ng boses sa ulo ko? Anong system? Nababaliw naba ako??

[Hindi kapa nababaliw host. Pero kung ipagpapatuloy mo pa yang ginagawa mo mag mumukha kang baliw]

Ayon na naman ang boses. Talagang nasa loob nga ng ulo ko. System yung sabi kanina diba? Katulag ba ito ng mga nababasa ko sa internet? Ma subukan nga.

"System meron ba akong panimulang regalo?" Tinanong ko ito sa aking isipan at sumagot naman ito sakin.

[Oo host. Mayroon kang panimulang regalo. Gusto mo ba itong buksan?]

"Oo system, buksan mo." Sabi ko habang tinatago ko ang aking kaligayahan.

[Binubuksan na.....]

[Binabati kita host nakatanggap ka ng isang Phoenix Pill]

[Binabati kita host nakatanggap ka ng isang Supreme Intelligence pill]

[Binabati kita host nakatanggap ka ng isang Supreme Talent Pill]

[Binabati kita host nakatanggap ka ng Book of Talents]

Nagulat ako sa mga natanggap kong mga regalo galing sang system pero dahil di ko alam kung ano ang mga gamit dito hindi ako gaanong masaya.

Ngunit tinanong ko ang system kung ano ang mga ito.

Phoenix Pill: Ang iyong katawan ngayon ay gigibaim at gagawan ka ulit ng bagong katawan na mailalarawan mong perpekto.

Supreme Intelligence Pill: A pill na ito ay magagawa kang matalino ng ilang mga beses kaysa kay Albert Einstein.

Supreme Talent Pill: Bubuksam ng pill na ito ang lahat ng iyong talento sa lahat.

Book of Talents: Ang librong ito ay naglalaman ng mga dapat mong malaman sa iba't ibang talento.

Nang nalaman ko ang tunay nilang mga gamit, tuwang tuwa ako kaya agat kong isinubo ang mga ito at nakalimutan ko na masakit pala yung proseso at nahimatay ako sa sakit.

______________________

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas ngunit alam kong hindi ito mahaba. Tiningnan ko ang katawan ko at nata kong wala na akong taba sakin tiyan ang tanging nan doon ng ay ang 10 packs abs ko lang.

Tapos, nang tumingon ako sa salamin, nagulat ako sa aking nakita. Mas pogi pa ako sang mga lahat ng poging alam ninyo dito sa mindo dahil pang out of this world and ka gwapohan ko.

Talagang masaya na ako sa katawan kong ito. Ni hindi ko nga inakalang popogi pa pala ako. Tumingin ako sa labas at hindi ako sigurado kung anong oras na pero sa posisyon ng araw at ang kanyang angolo sa parting ito alam ko na 6:45 am na at malapit na mag 7:00 am at yun ang oras na dapat ay nasa may kalsada na ako at naghihintay ng sasakyan.

Pero dahil sa dalawang ulit ko na pagkahimatay, parang mahuhuli ako sa pagpasok ngayong umaga.

Kaya agad agad akong naligo at nagbihis agad ako ng uniform ko na nakahanda na. Napansin ng mga magulang ko na pumogi raw ako pero sinabihan ko lang sila nagmana lang ako sa kanila.

Pagkatapos kong kumain, umalis na agad ako at naghintay ng jerpney papuntang paaralan. Ang oras ay 7:05 am na at 25 na minutp nalang bago mag flag ceremony at parang mala-late ata ako.

Buti nalang may dumating agad na jerpney at nakasakay ako. Habang nakasakay ako panay ang titig sakin ng mga tao. At alam ko kung bakit, dahil ito sa mukha ko na sobrang ganda.

Nang dumating na ako sa may paaralan namin agad akon pumunta sa classroom ko at inilagay ang bag ko sa aking upuan. Nagulat yung mga ka klase ko sa pagbago daw ng itsura ko.

Sinabihan ko lang sila na wala naman at mukhang hindi sila naniniwala dahil talagang pumogi naman ako.

avataravatar