webnovel

Unang yugto

"Ako si Anna. Para sa aking isipan ang mangarap sa buhay ay kay saya. Kahit naman siguro kung mangangarap lang, magiging masaya na lalo na kung tungkol sa pangarap nating tao. Yung taong mamahalin natin at makakasama natin sa lahat ng bagay."

Dahil sa kakulangan ng aking mga magulang sa pera upang mapag-aral ako, napilitan silang ipaampon ako sa aking madrasta at naging maayos naman ang buhay ko. Napagtapos ako nang aking madrasta ng elementarya, hayskul at kolehiyo. May mga lalaking tinangkang sungkitin ang aking puso ngunit hindi sila magtagumpay dahil sa prayoridad ko muna ang magtapos ng pag-aaral. Habang nag-aaral ako, sinikap kong wag munang umibig hanggang makatapos ako ng kolehiyo. Lumipas ang ilang mga buwan nagkaroon din agad ako ng trabaho at sabay doon, nagkaroon ako ng kasintahan.

Siya ay mabait, masayahin, palabiro, hindi mahiyain at mapagmahal sa kanyang pamilya. Sa una naming pagkikita, komportable na kami sa isa't-isa. Tawanan dito, tawanan doon. Nakailang beses din kaming magkita at ang aming tagpuan ay sa simbahan. Pagkatapos magsimba, manonood naman kami ng sine mall. Lumipas ang ilang araw dahil sa nagkapalagayan na kami ng loob, sinagot ko na siya ng matamis kong Oo. Sobrang saya namin noon. Sobrang kilig. Sobrang alaga ang pinaramdam niya sakin at tingin ko mahal na mahal niya ako.

Sa kabilang banda, hindi naging madali ang pagpapakilala ko sa kanya sa aking madrasta sa kadahilan na wala siyang trabaho at pagku-kundoktor sa pampaseherong dyip ang kanyang pinagkakaabalahan. Isang araw habang nagtatanggal ako ng puting buhok sa aking madrasta, binuksan ko sa kanya ang usapin na mayroon na akong minamahal. Sa kanyang gulat, napasabi si ng "Mag-aasawa kana?, Mabubuhay ka ba niya?, anong ibubuhay niya sa'yo?" natakot ako dahil unang beses ko pa lang magkaroon ng kasintahan. Ngunit sa aming kagustuhan na sabihin ng maaga ang aming relasyon, naglakas loob na akong magsabi sa aking madrasta dahil mas masarap sa pakiramdam kung walang itinatago at hindi kailangan magtago. Matapos kong sabihin ang totoo sa aking madrasta, gumaan ang aking kalooban. Ngayon, malaya nang makakadalaw sa aking ang aking kasintahan.