1 Masaya Ang Buhay!

Ako si antonio isang binatang ipis masiyahin mapagmahal at sinusubukang mag enjoy sa buhay live life to the fullest kumbaga araw araw looking forward ako makasama ang barkada saming munting tambayan sa ilalim ng madilim na lababo sa kusina sa karinderya ni aling bebang kung san kumakain ang karamihan sa barangay kalinisan na ubod ng kalat sa paligid ligid.

madalas naka steady lang kami sa pwestong tarimang tambayan namin nag uututan dila na madalas bida ay ang barkada kong si pidoy at kami naman nila badong at elyas ay pawang tagapakinig lamang at halos buong araw yata un lang ang trip namin ngunit pag dating ng gabi dun naman kami madalas nag gagala at nag hahanap ng ibang kasiyahan kasama ang mga tao palipad lipad nakikkpag habulan sa tao minsan nang gugulat pa kami at mapapatili na lang si ate pag lapag ko sa muka nia tila ba ginawa kami para aliwin sila at makalaro at minsan inaalayan din nila kami ng makakain lalo na ung nadapuan na namin itatapon nila at un ang pag pi fiestahan namin ng barkada minsan nabangit ko sa pinakamalapit sakin na si elyas na sana walang katapusan ung ganito lagi tayo magkakasama makikipag saya kasama ang barkada at mga kaibigang tao at ang sagot sakin ni elyas sana nga kung ganito ng ganitio isa lang masasabi ko masaya ang buhay!

avataravatar