15 The Truth

"Siguro hanggang dito na lang talaga tayo Jin, Mahal kita mahal na mahal kita kaya pinapalaya na kita..." Hindi na nya napigilan ang muling pagtulo ng kanyang mga luha

"Ayoko ng mahirapan ka pa na isakripisyo mo ang sarili mo dahil lang sa utang na loob..." paliwanag nya dito

"What?! anong sinasabi mo?!" gulat ng tanong nito

"Nung nagtatalo kayo ni JK sinundan kita sa kwarto para magpaalam sayo na uuwi muna ako sa apartment, kaya lang hindi ko naman sinasadya na marinig lahat..." kwento nya habang umiiyak

"A--Anong narinig mo?" nauutal na tanong ni Jin, tila may ideya na sya kung ano ito

"Narinig ko na sinabi ni Jk sayo na kaya mo lang ako minahal ay dahil sa utang na loob, na sinakripisyo ko ang buhay ko sayo at inamin mo naman yun sa kanya..."

"No... hindi yun yon baka hindi pa ako tapos nung narinig mo yun..." paliwanag nya sa babae

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Sandy

"Oo inaamin ko, akala ko ganun lang naramdaman ko sayo pero habang tumatagal at nakikilala kita dun ko nararamdaman na hindi lang utang na loob ang nararamdaman ko kundi totoong pagmamahal. Mahal na mahal kita Sandy sinabi ko din yun sa kanila at alam nila yun. Please believe me... hindi ako magaaksaya ng panahon na puntahan ka pa dito kung utang na loob lang ang nararamdaman ko sayo..." mahabang paliwanag nito

"Talaga?" tanong nito paniniguro sa lalaki, hinawakan ni Jin ang magkabilang pisngi ni Sandy at pinahid ang mga luha nito.

"Yes... Mahal na mahal kita" at dahan-dahan nyang hinalikan ang babae hanggang sa lumalim iyon, tila habol ang kanilang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

"I love you too..." sagot naman ng dalaga at mahigpit syang niyakap ni Jin.

"Thank you for forgiving me... Don't worry hindi ko na hahayaan na saktan ka pa ng kahit na sino" sabi nito, pagkatapos ng kanilang yakapan pareho silang natawa.

"Namiss kita, sobra..." si Jin

"Namiss din kita ng sobra... pati ng mga bata namiss ka din..." si Sandy

"Nagugutom ka na ba?" tanong ni Jin dito

"Medyo..." sabay pout ng lips tila nagpapacute lang

"Tara kumain na tayo, nagugutom na din ako eh hehehe..." masayang sabi nito.

Tinawag na nito ang driver at naghanap sila ng lugar na makakainan kasama ang kanyang mga bodyguard.

"Hanggang kailan ka dito sa Pilipinas?" tanong nya sa lalaki habang nakayakap ito sa kanya sa loob ng sasakyan.

"1 month ang vacation namin, mga 2 weeks tayo dito and 1 week tayo sa bahay namin" sabi nito

"Ha ? Bakit?" takang tanong nya dito

"Papakilala na kita sa family ko, para legal na tayo" masayang sabi nya

"Teka teka... parang hindi maabsorb ng utak ko ang mga sinasabi mo" sabi nito, natatawa naman ang lalaki sa reaksyon nya

"Honey sasama ka na sakin pabalik ng Korea may plane ticket na tayo"

"Plane ticket? bakit mo ako kinuha ng plane ticket?

"Alam mo ba pinangako ko sa sarili ko na hindi ako aalis ng Pilipinas hanggat hindi kita kasama pabalik ng Korea and ipapakilala na kita kina mama, sinabi ko na kasi sa kanila na may gf ako ang their happy. Gusto ka daw nila mameet" simpleng sagot nito

"Paano mga anak ko?" tanong nya sa lalaki

"Matagal mo naman din silang nakasama diba, kung gusto mo pwede din natin silang isama sa Korea pati si Nanay"

"Seryoso ka?" takang tanong nito

"Oo naman pwede silang magbakasyon sa Korea kung gusto mo" sagot ng lalaki

"Hindi na saka na lang... sya nga pala paano mo nalaman kung saan ako nagwowork?" takang tanong nito, ngumiti ang lalaki sabay sabi

"I have connection, I have ways... I'm Kim Seokjin you know" pagyayabang nito

"Wow eh di ikaw na" sabay tawa nilang dalawa.

avataravatar
Next chapter