4 The Invitation

Phone ringing....

Napalingon si Sandy na makitang tumutunog ang celphone nito. Kasalukuyang nakalabas na sya ng ospital at nagpapahinga sa kwarto habang katabi nya ang mga anak na natutulog. Meron syang dalawang anak isang babae at isang lalaki, kasalukuyan na syang byuda dahil maagang pumanaw ang kanyang asawa kaya mag-isa na lang syang nagtataguyod ng kanyang mga anak.

Sandy POV:

Nakitang kong numero lang ang nakaregister sa phone ko kaya hindi ko alam kung sino ang tumatawag sa akin, kaya agad ko itong sinagot.

'Hello' usal ko

'Good Evening Sandy this is Jin, naistorbo ba kita?'

'Ha?!' nagulat ako sa aking narinig di ko inaasahan na tatawagan pa ako nito, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko saya at kilig ambisyosa lang ang peg.

'Did I disturb you' tanong uli nito, mukhang nagloloading ang utak ko at di ako makapaniwala na kausap ko sya ngayon.

'Ay hindi naman, bakit ka nga pala napatawag?' balik kong tanong sa kanya, kinocompose ko pa ang aking sarili para hindi nito mahalata na sobra akong kinikilig sa kanya.

'Just to check kung ok ka na, I'm just worried' Oh my gosh totoo ba ito nag-aalala sya akin, kinikilig naman ako!!!!

'Oo ok na ako may unting kirot lang sa sugat pero kaya ko naman' masaya kong sagot dito

'Mabuti naman, sige pahinga ka na gabi na' paalam nya

'Sige salamat sa pagtawag bye' paalam ko, medyo nalungkot naman ako

'Sige, by--- wait!' habol nito

'Ano un?' pagtataka kong tanong

'Uhm... Pwede ba kitang invite magdinner after ng concert namin?' yaya nya sakin, Ha? tama ba ung narinig ko iniimbitahan nya akong magdinner date ba ito? Oh my god!!!! sigaw ng utak ko

'Ha?! Bakit?' tanong ko

'For thanking you for saving my life' sabi nito, Ay asyumera lang ang peg gusto lang pala magpasalamat pero anyway ok na din yun atleast kahit sinong ARMY fan hindi nila maeexperience ang ganito.

'Ah-Ok, sige' pagpayag ko, sino ba naman ako parang tumanggi sa grasya gusto ko rin syang makasama at makakwentuhan, minsan lang itong pagkakataon na ito grab the opportunity ika nga nila.

'Ok sige, by the way this is my personal number please save it' sabi niya sakin

'Ok I will' sagot ko naman

'Sige bye, goodnight' paalam nito

'Goodnight' paalam ko din, pagkapatay ko ng phone

"Teka paano ko pala malalaman kung anong oras at kung saan kami magkikita hindi naman nya sinabi sakin, anu ba yan kainis itext ko kaya sya" usal ko sa sarili

"Naku nakakahiya naman, paano kaya un?" parang tangang tanong ko sa sarili, maya-maya narinig kong tumunog ang celphone ko may nagtext. Binuksan ko ito

'From Jin, by the way papasundo na lang kita sa driver para alam mo kung saan tayo magme-meet. Take care'

"OMG totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip" sunod-sunod kong tanong sa sarili, tila hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon. Tila isa itong panaginip na ayaw ko ng magising, hindi pa rin ako makapaniwala para akong nasa cloud 9. Hanggang sa nakatulog na ako sa aking pag-iisip.

JIN POV:

"Tama ba itong ginawa ko?" tanong ko sa sarili

Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko basta naisipan ko na lang gawin yun.

Hindi ko alam kung bakit hindi na sya maalis sa isip ko simula ng makita at makilala ko sya. Marami pang babae na mas magaganda ang nagkakandarapa sa akin pero hindi ko alam ang nararamdaman ko. Dahil lang ba sa utang na loob kaya ko ito ginagawa, dahil lang ba sa pagligtas nya sa buhay ko? Tama, siguro nga kaya ko ito nararamdaman dahil sa utang na loob at guilt ko sa nangyari sa kanya. Walang ibang ibig sabihin ang nararamdaman kong ito, Wala....

avataravatar
Next chapter