18 The Ex 2

Nakatayo si Sandy sa harap ng glass wall habang nakayakap sa sarili na tila nilalamig, tanaw na tanaw sa apartment nila ang magandang view ng buong Seoul tila malalim ang kanyang niisip ng marinig ang pagbukas ng pinto. Ngunit hindi pa rin sya natinag sa kinatatayuan nya.

Pagbukas ni Jin ng pintuan ng kwarto nakita nya si Sandy na nakalikod at nakadungaw sa glass wall, pero ang umagaw sa kanya ng atensyon ay ng makita ang isang maleta.

"Honey..." tawag nya dito

"Andito ka na pala..." malamig na tugon nito ngunit hindi pa rin ito lumilingon sa kanya.

"Bakit nakalabas ang maleta mo? San ka pupunta? May problema ba?" sunod-sunod na tanong nito

"Uuwi muna ako ng Pilipinas... namimiss ko na din ang mga bata..." nakatalikod pa rin ito kaya hindi nakikita ni Jin ang reaksyon nito.

Totoo naman namimiss na nya ang kanyang mga anak pero ang totoo ay nasasaktan talaga sya dahil mukhang walang balak masabi sa kanya ng totoo ang lalaki. Unti-unti ng nanunubig ang kanyang mga mata, tila pinipigilan nya ang mapahikbi. Hindi nya alam kung narinig na nito ang balita tungkol sa kanya pero imposibleng hindi dahil marahil sinabi na ito ng mga kaibigan nya lalo na si Jimin.

"Bakit biglaan? Paano ka nakabili---"

"Nanghiram muna ako sa kaibigan ko ng pera pambili ng ticket, hindi kasi umabot ung savings ko" putol nya dito

"Sand---"

"Kumain ka na ba?" tanong nyang muli sa lalaki

"Oo, kumain na ako..." malungkot nitong sabi

Hindi na nya napigilan ang kanya mga luha at tuluyan na itong tumulo. Sobra syang nasasaktan, bakit pa nya tinanong ito marahil kumain na ito dahil kasama nya buong maghapon sa ex nya sa hotel. Ex nya nga kaya o nagkabalikan na sila? tanong nya sa sarili. Bago pa lumapit si Jin sa kanya at makita syang umiiyak agad syang humiga sa kama para matulog, buti na lang at dim ang ilaw sa kwarto kaya hindi halata ang kanyang mga luha.

"Maliligo muna ako bago matulog..." paalam nito

Pagkatapos maligo ni Jin ay lumabas na ito ng CR si Sandy naman ay nakatagilid na nakahiga sa kama at kunwaring pinikit nya ang kanyang mga mata para makita nito na tulog na sya.

Agad na binuksan ni Jin ang kanyang celphone at ilang sandali pa ay sunod sunod na message ang dumating dito, maya-maya ay tumunog ito at agad nyang sinagot.

'Hello' mahinang sagot ni Jin,

'Nasan ka? kanina pa kita tinatawagan nakapatay celphone mo' si Jimin

'Andito na sa bahay, bakit?' tanong nya

'Hindi mo pa ba alam?'

'Ang alin?' takang tanong nito sa kabilang linya

'Balita ka ngayon sa TV at social media, may nakakita sa inyo ni Faye na pumasok kayo sa isang hotel may picture kayo'

'WHAT?!' gulat na nyang tanong napatingin pa sya sa nakahigang si Sandy sabay labas ng kwarto.

Ang hindi alam ni Jin ay gising pa si Sandy at naririnig lahat ng sinasabi nya tila pinapakinggan lang sya nito habang nakahiga.

"Marahil alam na ni Jin ang lahat at alam na rin nito na alam na nya ang chismis sa kanila ng ex nya." usal ni Sandy sa sarili

'Kaya nga kanina pa kita tinatawagan, at hindi lang yun alam na ni Sandy ang balita sa inyo ng ex mo'

'HA?! Paano nya nalaman? Paano mo nalaman na alam na nya?' sunod-sunod na tanong nito na tila nag-aalala

'Wala syang sinabi sayo?' takang tanong ni Jimin

'Wala..." malungkot na sabi nito

'Galing ako dyan sa inyo kanina dahil naiwan mo yung bag mo sa photo shoot idinaan ko dyan, nagmamadali ka kasi kanina kaya naiwan mo akala ko naman nagmamadali ka kasi gusto mo na umuwi un pala may dinaan ka pang iba' inis na sabi nito

'Jimin I will explain it to you...' sabi ni Jin

'Wag kang magpaliwanag sakin kundi sa gf mo, nagsinungaling ka pa sa kanya ang sabi mo hanggang gabi yung photo shoot natin. Nasaktan sya sobra ng malaman nyang nagsinungaling ka at nung marinig nya yung balita sayo, kitang-kita ko sa mga mata nya na nasaktan sya.' paliwanag nya dito.

'Malamang kaya hindi nya binanggit sayo ang tungkol dun dahil gusto nya ikaw mismo ang magsabi sa kanya kung magsasabi ka talaga ng totoo. Ginawa mo ba? kinausap mo na ba sya?' tuloy-tuloy na tanong ni Jimin

'Hindi ko nabanggit sa kanya kanina, kaya pala nung dumating ako parang ang cold nya tapos sabi nya sakin uuwi daw sya ng Pilipinas bukas dahil namimiss nya mga anak nya..." naiiyak na sabi nito

'Sige na ayusin mo na yan bago ka pa nya tulayang iwan. sya nga pala tumawag si boss kay RM hinahanap ka, kanina ka pa din nya tinatawagan'

'Nakita ko nga ang daming message sakin ni boss, Sige salamat bro bye...' paalam nya kay Jimin

Nang maramdaman ni Sandy na tapos ng mag-usap ang dalawa agad nyang pinikit uli ang kanyang mga mata. Naluluha na naman sya sa kanyang mga narinig.

JIN POV:

Nagulat ako sa sinabi ni Jimin hindi ko alam na ganun kagagaling ang mga paparazi pero ang mas iniisip ko ay si Sandy, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Alam ko naman na malinis ang kunsensya ko na wala akong ginagawang masama pero hindi ko maalis na mag-isip sya ng masama lalo na ang masaktan dahil ex-gf ko.

Kaya pala kanina ang cold nya sakin, although naniniwala ako sa reason nya kaya sya uuwi ng Pilipinas ay para mga anak nya ay may pagdududa pa rin akong nararamdaman. Un pala mas malalim pa pala ang dahilan. Bukas na bukas ay kakausapin ko sya at sasabihin ang totoo, baka pagmuli syang umuwi ng Pilipinas ay hindi nya na ako balikan at hindi ko na iyon makakaya.

Pagpasok ni Jin sa kwarto tinitigan nya ang nakahiga nyang kasintahan. Sobra syang nasasaktan para dito at hiyang-hiya sya sa kanyang ginawa. Humiga sya sa tabi nito at niyakap ito ng mahigpit, samantalang si Sandy ay tuluyan ng tumulo ang mga luha ng maramdaman ang mahigpit na yakap ni Jin.

avataravatar