14 Stay With Me

Wala ng naging balita si Sandy kay Jin dahil lahat ng social media account nya ay dinelete na nya. May naririnig pa rin sya paunti-unti sa internet at balita sa TV na mas lalong naging successful ang BTS pero hanggang dun na lang un, pinipigilan na nyang may malaman pang iba.

"Mommy hindi na po ba pupunta dito si Tito Jin?" tanong ng anak nya

"Naku anak hindi na, nasa malayong lugar na and Tito Jin mo at hindi na sya makakapunta dito kaya kalimutan mo na lang sya anak" sabi nya sa anak

"Ganun po ba Mommy namiss ko na kasi sya..." nalulungkot sya sa nararamdaman ng anak

"Kalimutan mo na sya anak ang importante tayong tatlo ang magkakasama diba..." paliwanag nya dito na nakangiti, pero sa likod ng mga ngiti na yun ay ang sakit na nararamdaman. Hindi pa din sya makapaniwala sa nalaman na kaya lang sya nagustuhan nito ay dahil sa utang na loob.

Samantala... Unti-unti ng nagiging maayos ang pagsasama ni Jin at JK, bumalik na uli si Jin sa dorm ng BTS. Naging maayos din ang pag-uusap ni Jin at sa iba pang miyembro nito.

Makalipas ang anim na buwan tuluyan ng naging maayos ang samahan nila lalo na ni Jin at JK, napatawad na din nya si JK sa mga nagawa nito. Pero hindi pa rin lubusang masaya si Jin dahil kahit kailan hindi nya nakalimutan ang dating kasintahan.

************************

Eto na ang pinakahihintay na araw ni Jin, nabigyan sila ng 1 month vacation ng kanilang boss, kaya lahat sila libre kahit saan nila gustong pumunta kung sino man ang gusto nilang kasama pamilya o kaibigan.

Agad syang nagpabook ng flight papuntang Pilipinas para suyuin ang kasintahan, sinabi nya sa sarili niya na hindi sya babalik ng Korea hanggat hindi ito kasama.

"Best hindi ka pa ba uuwi?" tanong ng kaopisina nyang si Shirley

"Hindi pa magoovertime ako hanggang 6pm, sige na mauna ka na" sagot niya dito

"Sige best una na ako ingat ka pag-uwi at delikado dyan tumawid sa labas" paalala nito

"Sige salamat best" sabay kaway nya dito.

Pagsapit ng 6PM agad niyang inayos ang kanyang table at naghanda na sa paguwi. Paglabas nya ng gate ng kumpanya sa di kalayuan ay may napansin syang dalawang magarang sasakyan, at sa isang sasakyan ay may nakasandal dito na lalaking na tila may hinihintay.

Habang papalapit sya unti-unti nyang nakikilala ito kahit nakacap, shades at facemask ito. Kilalang-kilala nya ito dahil sa porma at tindig nito, biglang siyang napahinto sa paglakad at bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Tila hindi nya pinansin ito at derederetso lang syang naglakad ngunit bago pa sya lumagpas ay naharang na sya nito.

"Sandy can we talk?" masuyo nitong tanong sa babae, tinignan lang siya nito at aktong aalis sya ng hawakan nito ang kanyang braso.

"Please..." pagsusumamo nito, wala na syang nagawa kundi ang pagbigyan ito, alam nyang kahit ilang beses nyang iwasan ito hindi sya nito titigilan.

Pinagbuksan sya ng pintuan nito at umupo sila sa backseat sabay paandar ng driver. Hindi pa rin pinapansin ni Sandy si Jin, nakatanaw lang ito sa bintana nakatingin sa kawalan samantalang si Jin ay pasulyap-sulyap lang sa babae.

"Sir andito na po tayo" sabi ng driver.

"Sige kuya iwan mo muna kami" at lumabas na ng sasakyan ang driver

Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan, tanging tunog lang ng aircon ang maririnig.

"Anong pag-uusapan natin? Bakit sa malayo pa tayo nagpunta?" si Sandy ang unang bumasag sa katahimikan.

"Sandy I'm sorry... I'm really really sorry sa ginawa ni JK and I'm sorry kung ngayon lang kita napuntahan dito. Nagpaalam ako kay boss kaya lang---" hindi pa tapos ang kanyang sasabihin ng putulin sya ni Sandy

"Jin it's ok wala ka naman kasalanan sakin, I'm sorry kung basta na lang akong umalis at hindi na nagpaalam sayo, iniisip ko lang kasi yung mga anak ko kung may mangyaring masama sakin and besides I understand kung hindi mo man ako sundan dito dahil alam kong busy ka at wala kang time." malumanay na sabi ni Sandy

"No... hindi naman sa ganun, I tried I really try na magpaalam after mong umalis pero hindi lang talaga ako pinayagan kaya hinintay ko lang talaga itong pagkakataon na ito" paliwanag nya

"No Jin ok lang talaga... Atleast napaliwanag mo na sakin at nakapagusap na tayo ok na yun..." nangangatal na sabi ni Sandy, unti-unti ng nanunubig ang kanyang mga mata hindi nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman dahil unti-unti nyang naalala ang mga ginawa sa kanya ni Jk. Ang mga masasakit na sinabi nito sa kanya, ang narinig nya na sinabi ni Jin at ang pagbabanta nito sa buhay nya.

Hindi na nya kayang tumagal pa sa loob ng sasakyan kasama ang lalaki dahil alam nyang malapit ng bumagsak ang kanyang mga luha.

"Sige mauna na ako..." paalam nya dito, akmang bubuksan na nya ang pinto ng sasakyan ng yakapin sya ni Jin sa likod.

"No Sandy please stay... please stay with me..." pagsusumamo nito, at dito na pumatak ang nagbabadya nyang mga luha.

Impit ang kanyang pag-iyak para hindi ito malaman ng lalaki. Daha-dahan tinggal ni Sandy ang mga braso ni Jin sa pagkakayap sa kanya, agad nyang pinahid ang kanyang mga luha para hindi ito makita ng lalaki at humarap sya dito.

"Siguro hanggang dito na lang talaga tayo Jin, Mahal kita... mahal na mahal kita kaya pinapalaya na kita..." Hindi na nya napigilan ang muling pagtulo ng kanyang mga luha "Ayoko ng mahirapan ka pa na isakripisyo mo ang sarili mo dahil lang sa utang na loob mo sa akin..." paliwanag nya dito

"What?! anong sinasabi mo?!" gulat ng tanong nito

avataravatar
Next chapter