16 Reconcilation

Magkasamang bumalik ng Korea si Jin at Sandy, pagkadating nila sa airport agad na dumeretso sila sa tahanan ng pamilya ng lalaki. Bumungad kay Sandy ang magarang bahay nila Jin, napapalibutan ito ng magagandang halaman at bulaklak. Tila namangha sya sa ganda ng bahay nito pagkahinto ng kanilang sasakyan.

"Lets go?" napatitig lang ang babae sa kanya, bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Hinawakan ni Jin ang kamay nito

"Don't worry mabait naman sila and naikwento ko na kanila lahat ng tungkol sayo" nakangiti nitong sabi

"Pati mga anak ko..." paniniguro nito

"Oo"

"Anong sabi nila?"

"Wala naman ok lang naman sa kanila, don't worry akong bahala sayo" sabay na silang bumaba ng sasakyan.

Pagpasok nila sa loob ng bahay lalo syang namangha sa ganda nito, kung maganda ang labas nito lalo ng ang loob.

Ilang sandali pa ay sinalubong na sila ng magulang nito ng nakangiti.

"Hi mom, hi dad I miss you!" sabay halik ni Jin sa magulang

"Good evening po..." nakangiting bati nya sabay tango sa dalawang matanda para magbigay galang

"Good evening Iha" magiliw na bati ng dalawa, biglang dumating ang kapatid nito at asawa

"Bro musta na?" sabay yakap sa kapatid

"Sya na ba yun? Hi Sandy and this is my wife" nakipagkamay naman ang dalawa kay Sandy

"Yes Kuya" nakangiting sabi ni Jin sabay akbay kay Sandy

"Tara iha lets eat" lumapit ang ina nito kay Sandy at dinala sa dining area kasunod naman ang iba

Tila naiilang pa rin ito sa mga taong nasa paligid niya. Iba't-ibang pagkain ang nakahain sa mesa, hindi sya makapili sa dami nito dahil puro masasarap.

"Feel at home Sandy, di rin naman magtatagal ay magiging part ka na ng pamilya namin" masayang sabi ng ama nito, napangiti naman si Sandy sa sinabi nito

"Sya nga pala iha hindi pa kami nakapagpasalamat sayo tungkol sa pagligtas mo sa buhay ng anak namin" sabi ng ina

"Walang anuman po, nagkataon lang po siguro..." sagot niya

"Yan ang tinatawag na destiny hindi ba?" sabi ng kuya nito sabay tawanan ng lahat

Hindi na nailang si Sandy sa presensya ng pamilya ni Jin, habang tumatagal na kasama niya ang mga ito. Madaling nyang nakagaanan ng loob ang mga ito dahil na rin sa magandang pakikitungo nito sa kanya. Nasa veranda si Sandy habang tinatanaw ang mga ilaw sa syuda, kitang- kitang dito ang magandang tanawin sa ibaba ng yakapin sya ni Jin sa likuran.

"Happy?" tanong nito sabay halik sa pisngi nya

"Ano ka ba nakakahiya baka makita nila tayo..." saway nya dito sabay tapik sa braso

"Ok lang yun sa kanila" mas lalo nitong hinigpitan ang yakap sa babae "Coffee gusto mo?" alok nito

"Sige ang lamig eh..."

Habang nagkakape nakatanaw pa rin sila sa maganda view ng veranda

"Ang bait ng parents mo noh pati kuya at sister in-law mo" nakangiting sabi ni Sandy

"Sabi ko naman sayo wala kang magiging problema sa family ko mabait talaga sila." pagmamalaki ni Jin sa mga ito

Pagkalipas ng isang linggo bumalik na ng Seoul si Jin at Sandy, dun sila tumuloy sa apartment ng lalaki para may kasama din ang kasintahan. Naisipan ni Jin na dalhin si Sandy sa dorm nila para makausap ang ibang miyembro nito at para magkaayos na sila ni JK.

Pagpasok ni Jin sa bahay sakto naman na nasa living area ang mga ito at naglalaro ng UNO.

"Hi Guys!" sigaw ni Jin

"Oh nakabalik ka na pala, kailan pa?" sabi ni RM

"Kahapon lang, guys guess who's with me?" tanong nito

"You mean?!" masayang tanong ni RM

"Yes, Sandy is here!" masaya niyang sabi, mainit naman itong sinalubong ng iba at nakipagkamay dito.

"Hi!" nakangiting bati ni Sandy

"Hindi ka talaga sumuko ah" natatawang sabi ni Suga

"Oo naman..." sabay hawak sa kamay ng kasintahan kahit medyo naiilang ito sa iba

"Jin pwede bang pahiram muna si Sandy, papatulong muna ako sa kitchen" sabi ni JK

"Bisita natin yan pagtatrabahuin mo sa kusina?" sabi ni Jimin

"Basta akong bahala, Pwede ba Jin?" pahingi ng pahintulot ni JK

"Sige behave ka lang JK ha" sabi ni Jin, at niyaya na ni JK si Sandy sa kitchen

Pagdating nila sa kitchen naglabas si JK ng tig-isang slice ng cake at dalawang juice at naupo sila sa kitchen counter. Si JK ang unang bumasag ng katahimikan para mawala ang ilang nila sa isa't-isa.

"Sandy I'm sorry, sorry sa mga nagawa ko sayo noon. I didn't mean to hurt you, siguro dahil nalasing ako kaya ko nagawa lahat ng iyon. Sobrang nagselos lang talaga ako and alam mo naman kung bakit diba. Pero kahit na siguro ganun pa ang nararamdaman ko hindi sana ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko..." paliwanag nito, pinapakinggan lang sya ni Sandy

"Alam kong hindi reason yun para saktan kita at para magsabihan ng masasakit na salita. I'm sorry talaga, hindi na mauulit please forgive me..." hingi nito ng tawad

Bumuntong-hininga muna si Sandy bago nagsalita.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko, alam ko naman ang reason mo kung bat mo nagawa yun. Alam ko kung gaano kaimportante sayo si Jin, ang mapapangako ko lang sayo hinding-hindi ko sya sasaktan at papabayaan." nakangiting sabi ni Sandy

"Tama nga si Jin, mabuti kang tao. Salamat... hiling ko lang na alagaan mo sya dahil sobra nyang bait na tao."

"Oo naman..." sabay tawa nilang dalawa

Naging maayos ang pagsasama ni Jin at Sandy sa Korea sa mga nadaang buwan, nagapply si Sandy ng working visa sa Korea para mapahaba ang pamamalagi nya doon. Nagkaroon ito ng online job para na rin may pagkakitaan sya at may maipadala sa Pilipinas. Kahit binibigyan sya ni Jin ng pera, hindi naman nya ito ginagamit. Samantalang si Jin ay naging busy sa kanyang kabi-kabilang schedule ng TV guesting, rehearsal at shooting.

avataravatar
Next chapter