8 Meeting with the Boys

Pagkalipas ng isang buwan na bakasyon ng mga BTS, bumalik na sila sa kanilang dorm sa Seoul. Naging masaya ang kanya-kanya nilang bakasyon. Narefresh ang kanilang mga sarili dahil nakapagpahinga sila ng matagal.

"Hi guys namiss ko kayo" bati ni RM

"Ako din" si Jimin

"Sya nga pala bumalik na ba si Jin parang hindi ko pa sya nakikita, tinatawagan ko sya kanina hindi pa nasagot" tanong ni JK

"Ang alam ko andito na rin sya baka papunta na yun dito."

Ilang sandali pa at bumukas ang pintuan, pumasok dito si Jin na may malaking ngiti

"Guys namiss ko kayo" sabay yakap isa-isa sa mga kasamahan ang huli ay kay JK

"Kanina pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot" nagtatampong sabi nito

"Pasensya hindi ko napansin eh, sya nga pala guys may papakilala ako sa inyo" sabay pasok ng babae

Nagulat ang lahat at napatingin sa babae, lahat ay natulala na nakatingin lang dito.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni JK

"Guys si Sandy... My girlfriend" nakangiti nyang pakilala, ngumiti naman ang babae sa kanila.

"Ha?!" gulat ang lahat

"What?!" sigaw ni JK "Paanong nangyari yun at dinala mo pa talaga yang babae mo dito!" sabay duro kay Sandy at sigaw kay Jin, nagulat naman si Sandy sa naging reaksyon ni JK at napatungo na lang ito.

"JK, JK teka lang" awat ni Jin

"JK calm down" singit ni Hobi

"Shit!" sigaw ni JK sabay akyat sa hagdaan papunta sa kwarto nito

"Sandy sandali lang ha at susundan ko lang si JK" bakas sa mata ni Jin ang pag-aalala kaya sinundan nya ito tanging tungo lang ang tinugon ng babae.

"Pasensya na sa nangyari kanina maupo ka muna..." alok ni Jimin

"Salamat..." pilit na ngiti lang ang tinugon ni Sandy, nakatingin pa rin sa kanya ang mga lalaki kaya unti-unti syang naiilang. Hindi nya akalain na makikita at makakasama nya pa ang mga sikat na ito. Pero hindi nya inaasahan na sa ganito pang pangyayari makikilala ang mga ito.

Nasaktan sya sa pinakitang pag-uugali ni JK pero naiintindihan nya ito dahil alam nyang close kay Jin si JK at alam nyang may malalim na relasyon ang dalawa. Nabanggit na rin ni Jin lahat-lahat sa kanya at walang itinago ito tungkol sa tunay na relasyon nila ni JK.

"Sya nga pala I'm RM, si Suga, Hobi, V, and Jimin" turo nya sa mga kasamahan

"Nice to meet you" tugon nya.

Ilang sandali pa dahil sa naiilang na rin sya, naisipan ni Sandy na umuwi muna sa apartment ni Jin para humupa muna ang tensyon sa bahay. Hindi man nila naririnig ang paguusap ng dalawa alam nyang nag-aaway ito.

"Uhm, pwede ba akong umakyat? magpapaalam lang sana ako kay Jin aalis muna ako para makapagusap kayo ng maayos" paalam nya

"Sige akyat ka na lang sa 2nd room ang kwarto ni JK" turo ni Suga na medyo nag-aalala

Dahan-dahan syang umakyat sa 2nd floor ng bahay para puntahan ang nasabing kwarto pagtapat nya sa pinto saktong kakatok na sya ng marinig nya ang usapan ng dalawa.

"Bakit dinala mo pa ang babaeng yan dito? Talagang tinuloy mo pa ang balak mo! Hindi mo naman sya mahal diba, naaawa ka lang dahil sa utang na loob mo sa kanya ang buhay mo diba! Diba!" sigaw ni JK kay Jin

"Sumagot ka!" sigaw uli nito

"Oo!" natakip ni Sandy ang kamay sa kanyang bibig dahil sa narinig. Nagulat sya at parang nabingi sa kanyang mga narinig, hindi nya alam ang kanyang gagawin.

"Totoo ba ito? Tama ba ung narinig ko naawa lang sya sakin kaya nya ako niligawan..." Bago pa pumatak ang kanyang mga luha ay mabilis syang bumaba ng hagdanan.

avataravatar
Next chapter