9 Meeting with the Boys 2

Nagalit si JK ng malaman na may kasintahan na si Jin, alam nyang may nararamdaman na ito sa babae ngunit hindi nya inaakala na seseryosohin ito ni Jin.

"Bakit dinala mo pa ang babaeng yan dito? Talagang tinuloy mo pa ang balak mo! Hindi mo naman sya mahal diba naaawa ka lang dahil utang na loob mo sa kanya ang buhay mo diba! Diba!" sigaw ni JK kay Jin

"Sumagot ka!" sigaw uli nito

"Oo!" sabay tungo nito "Nung una akala ko dahil may utang na loob ako sa kanya kaya ko sya nagustuhan dahil baka lang sa awa pero hindi eh, habang unti-unti akong napapalapit sa kanya dun ko nararamdaman na hindi awa kundi pagmamahal na ang nararamdaman ko sa kanya... hanggang sa hindi ko na namalayan na gustong-gusto ko na sya..." paliwanag nito

"Umalis ka dito ayaw muna kitang makita..." sabi ni JK

"JK please listen to---"

"Umalis ka!" sigaw nito

"Walang nagawa si Jin kundi ang lumabas at puntahan ang kasintahan.

****************************

Pagbaba ni Sandy sa hagdaan agad syang nagpaalam sa mga lalaki.

"Pasabi na lang kay Jin mauna na ako, Salamat" tumango sya sa mga ito at deretso lumabas ng pintuan, nagtataka naman ang iba ilan sandali pa ay bumaba na din si Jin

"Nasaan si Sandy?" tanong ni Jin

"Umalis na sya kalalabas lang nya" sabi ni V

"Ha?!" dali-daling lumabas si Jin para sundan ito

"Pakinggan natin kung anong pag-uusapan nila, baka mamaya kung ano-ano ang sasabihin non tungkol satin" sabi ni V

"Tingin ko mukhang hindi naman sya ganun, tingin ko desenteng babae si Sandy at kilala natin si Jin alama natin kung ano ang tipo nyang babae" sagot naman ni Jimin

"At hindi magandang tignan na nakikinig tayo sa usapan ng may usapan" sabi naman ni Suga

"Sige na" pilit ni V at lumapit ito sa intercon na nakaconnect sa gate, wala rin nagawa ang iba kundi ang makinig sa usapan nila Jin.

Naabutan ni Jin na palabas ng gate si Sandy agad nya itong tinawag.

"Sandy!" tumigil naman ito at nilingon siya

"Dun na muna ako sa apartment mo para makapagusap kayo ng maayos ni JK at iba mo pang kasama. Alam kong nagulat sila sa nalaman nila satin..." paliwanag nya

"Im Sor---"

"No, you don't have to say sorry" putol nya sa sasabihin nito "I understand, sige na pumasok ka na" naluluha na nyang sabi

"Are you sure? Ihatid na kita gabi na baka mapano ka pa"

"Hindi na kaya ko naman malapit lang naman dito ung apartment mo, I can manage sige na bumalik ka na dun at magpahinga ka na... maaga pa rehearsal nyo bukas" pagtataboy nito sa lalaki

"Sige mag-ingat ka ha text mo kagad ako pagnakarating ka na sa apartment, pahinga ka na rin alam kong pagod ka din sa byahe. Don't worry pagkatapos ng rehearsal ko puntahan kita kagad sa apartment ok. Sige na I love you..."

"Ok..." tanging naging sagot ni Jh at tumalikod na sya para maglakad.

Unti-unting tumulo ang kanyang mga luhang na kanina pa nagbabadyang umagos. Sobrang sakit ng nararamdaman niya, hindi sya makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman nya. Parang milyon-milyong karayom ang tumutusok sa puso nya, dahil sa nararamdaman nya hindi nya namalayan na nakarating na pala sya sa apartment na tinutuluyan nya. Pumasok sya dito at umupo sa isang sulok at tuluyan ng humagulgol sa pag-iyak.

"Oh ano sabi ko sa inyo matino syang babae narinig naman natin wala syang sinabi na masama satin lalo na kay JK" si Jimin

"Tama ka nga mukhang maayos naman sya..." si V

"Siguro kailangan na lang natin tanggapin kung anong decision ni Jin at kung saan sya sasaya..." si RM

"Eh paano naman si JK? alam nating nasasaktan sya ngayon?" si Hobi

"Siguro kailangan natin kausapin si JK para makapag-ayos sila ni Jin, hindi pwedeng ganito tayo at masisira ang friendship natin" Si Suga

"Sige aayusin natin yan magtutulungan tayo" si RM

Akala ni Sandy si Jin na ang lalaking totoong magmamahal sa kanya, akala nya ito na ang sagot sa kanyang dasal. Hindi pala, naniwala lang pala sya sa mga sinabi nito sa kanya. Tanging awa at utang na loob lang ang nararamdaman nito sa kanya. Gusto na nyang umuwi ngunit hindi nya alam kung paano nya ito gagawin. Siguro magpapanggap na lang sya na walang alam at walang narinig.

avataravatar
Next chapter