12 Leaving Alone

Pagkakita ni Jin sa sulat dahan-dahan nya itong binuksan at binasa.

To: Jin

Alam kong pagkabasa mo nitong sulat ko ay nakaalis na ako ng Korea. Una sa lahat gusto kong magsorry dahil umalis ako ng walang paalam. Mahal na mahal kita alam mo yun, alam na alam mo kung gaano kita kamahal pero mas mahal ko ang mga anak ko. Ayokong lumaki sila ng walang magulang, natatakot ako para sa buhay ko. Sino ba naman ako isang simpleng babae na wala man lang kalaban laban. Gusto man kitang ipaglaban pero alam kong sa huli ako rin ang talo, narinig ko kagabi ung pinag-usapan nyo ni JK. Alam kong dahil lang sa awa at utang na loob kaya mo ako niligawan, narinig kong inamin mo sa kanya un pero hindi na lang kita kinonpronta dahil gusto ko pa rin na ipaglaban ka. Kaya lang nung nagkausap kami ni JK dun ko narealize na tama sya, baka nga masyado lang mataas ang pangarap ko na mamahalin ako ng isang tulad mo. Wag kang mag-alala hindi ko galit sayo, nagpapasalamat pa ako sayo sa mga naitulong mo sakin at sa pagiging mabuti sa mga anak ko. Maraming salamat sa lahat-lahat, Lagi mong aalagaan ang sarli mo Mahal na mahal kita.

Goodbye,

Sandy

"Ahhhhh!!!!" sigaw ni Jin habang tumutulo ang mga luha. Hindi nya akalain na hahantong sa ganito ang kanilang relasyon, hindi nya alam na si JK ang magiging hadlang na sana sa masaya nya ng buhay.

"Im sorry Sandy... Alam mong hindi totoo yun, alam mong mahal na mahal kita huhuhu..." usal nya sa sarili habang umiiyak. Dahil sa sobrang iyak napasalampak na sya sa sahig ng kanyang kwarto.

***************************

Sa rehearsal

"Dumating na ba si Jin?" tanong ng isang staff

"Kanina ko pa nga tinatawagan nakapatay ung phone" sabi ni RM, samantalang si JK ay hindi kumikibo

"Ayan na pala eh" si Hobi sabay turo kay Jin, dumating ito na nakacap at naka sunglass nakatingin ang lahat sa kanya.

Sa rehearsal tahimik lang si Jin na nagpapractice, paminsan-minsan ay nagsasalita pero hindi pa rin kinikibo si JK. Feeling awkward ang lahat sa kanila, pero kahit ganun ang ambiance nakikita naman na professional ang dalawa.

"Ok good job guys see you tomorrow sa rehearsal uli natin" sabi ng choreographer

Pagkatapos ang rehearsal agad na kinuha ni Jin ang bag at lumabas ng studio.

Naisipan niyang tawagan ang boss nila at magpaalam na pupunta ng Pilipinas para kausapin ang kasintahan. Gusto niyang kausapin ito ng personal para ipaliwanag na mali ang lahat ng narinig nya.

'Hello Boss' bungad nya

'Oh Jin kumusta ka na?'

'Ok lang po Boss, may gusto po sana akong sabihin sa inyo' panimula nya

'Sige ano yun?'

'Pwede po ba akong pumunta sandali sa Pilipinas? kahit balikan lang po alam nyo naman po siguro ang nangyari sa akin' pagmamakaawa nya

'Yes narinig ko nga, kaya nga diba ayaw ko ng ganyan dahil alam kong makakapekto yan sa career nyo. Pero dahil sa gusto mo pinagbigyan kita kaya lang eto na nga nagkaroon pa kayo ng alitan ni JK although hindi naman naapektuhan ung trabaho nyo pero ung relationship nyo nasisira ngayon' paliwanag nito

'Boss hindi naman po ako ang may kasalanan alam nyo naman po yun at alam din ni JK kung anong meron kami hindi nya lang siguro matanggap'

'Jin gusto man kitang payagan pero alam mong hindi pwede dahil puno ang schedule nyo ngayon, makakaalis ka pa after 6 months sa vacation leave nyo'

'Pero boss sobrang tagal non...'

'Pasensya na Jin gusto man kitang tulungan I have no choice nakapagcommit na tayo, I'm sorry...' hingi nito ng paumanhin

'Sige po Boss salamat...'

Hindi na nya macontact si Sandy dahil iniwan na nito ang celphone na gamit nya. Hindi na rin nya masearch sa ibang social media ang account nito, mukhang dinilete or blinock na sya . Wala na syang nagawa kundi ang mahintay ng 6 na buwan.....

avataravatar
Next chapter