10 Jealousy

Nagkita nilang nakabihis si JK at pababa ng hagdanan.

"JK san ka pupunta?" tanong ni RM, dere-deretso lang itong lumabas ng pintuan na parang walang narinig

"JK!" sigaw ni Jin, narinig na lang nila ang tunog ng sasakyan palabas ng garahe.

Sa bar nakailang bote ng ng alak si Jk, nag-iinom mag-isa sa VIP room. Syempre dahil sikat hindi pwedeng may makakita sa kanyang ibang tao. Dahil sa dami ng nainom medyo lasing na rin ito.

Lumabas ito ng bar at nagdrive na sasakyan, nakita na lang nya ang sarili na nasa tapat na sya ng apartment ni Jin.

Naisipan nyang pumasok dito dahil hinala nya na nandun ang kasintahan nito na si Sandy. Madali naman syang nakapasok sa bahay dahil alam nya ang code ng pinto nito. Dahan-dahan syang naglakad papasok ng bahay at hindi nga sya nagkamali nakita nya itong nakaupo sa isang sulok.

"Sabi na nga ba dito kita matatagpuan" inis na ngiti nito, dahan-dahan napatingala si Sandy sa nagsalita

"JK..." usal nito

"Talagang dito ka pa pintuloy ni Jin, alam mo ba ang pinasok mo?" asar na tanong nito

"Anong ibig mong sabihin? Hindi kita m--maintindihan..." bakas sa mukha nito na kagagling lang nito sa pag-iyak

"Gusto kong layuan mo na si Jin, hindi kayo bagay siguro alam mo naman kung anong estado ng buhay ninyo?"

"Mahal ko sya..."

"Alam kong mahal mo sya, sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Jin gwapo, sikat, mabait at higit sa lahat mayaman" may pag-uuyam sa huli nitong sinabi

"Alam ko ang iniisip mo pero hindi ako ganung tao" pagtatama nya sa lalaki

"Talaga lang ha?!" Kumuha ito ng beer sa ref at tinungga ito "Eh ano ka ba?! Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan sayo ni Jin eh!" sabay bato ng bote ng alak malapit sa kinauupuan ng babae

"Ayyyy!!!" sigaw nito sabay takip ng tenga at nanginginig sa takot

"Isa ka lang simpleng tagahanga na patay na patay ka Jin at nakakita ka ng chance and you grab the opportunity diba! Oportunista ka!" sabay bato uli ng bote sa pader

"Hindi totoo yan!" sigaw ni Sandy habang umiiyak, lumapit ito sa babae at umupo.

"Hindi ka mahal ni Jin naaawa lang sya sayo at may utang na loob lang sya sayo kaya ka nya niligawan." ung ang narinig nya sa usapan ng dalawa kanina at tama nga sya hindi sya nagkamali sa narinig kanina. "Ngayon kung mahal mo pa ang buhay mo at mahal mo pa ang mga anak mo bukas na bukas umalis ka na dito at bumalik ka na sa Pilipinas" mahinahong sabi nito na may pagbabanta.

Nagulat sya sa sinabi nito, halong takot ang pangamba ang kanyang naramadaman. Unti-unting tumulo ang kanyang mga luha.

"Sige aalis na ako, sya nga pala linisin mo ito baka makita pa ni Jin ito pagpunta nya rito" sabay balibag ng pinto.

Tanging iyak lang ang maririnig sa loob ng bahay. Awang-awa sya sa sarili nya, ganun na ba kababa ang tingin sa kanya dahil ordinaryong babae lang sya. Unti-unting syang tumayo para linisin ang mga nagkalat na bote sa loob ng bahay. Pagpulot nya sa malaking tipak ng bote at nasugatan sya nito kaya nagdulot ito ng pagdurugo. Lalo syang naawa sa sarili at humagulgol ng iyak. Hindi lingid sa kanyang kaalaman kung bakit sobra ang galit ni JK alam nya kung anong meron ang dalawa bago naging sila ni Jin.

Pagkatapos nyang maglinis ng bahay narinig nyang tumunog ang kanyang celphone. Nakita nya ang picture ng kanyang anak sa celphone na tumatawag.

"Hello anak..." mahinang sagot niya

"Hello mommy?" tanong nito

"Yes anak, musta na kayo ni baby brother mo" naiiyak nyang tanong

"Ok lang po mommy tulog na po sya..."

"Eh bakit ikaw hindi ka pa natutulog late na..." pagpapasaya nya sa boses nya

"Namiss na kasi kita mommy..."naiyak naman sya sa sinabi ng anak "Mommy umiiyak ka ba?" tanong ng anak

"No baby, sinisipon lang si mommy, masama lang pakiramdam" pagsisinungaling nya

"Drink ka na ng medicine mommy para magaling ka na..." sabi nito

"Sige anak bukas na lang uli ha"

"Kasama mo ba Tito Jin?" tanong ng bata

"Hindi eh bakit?" tanong nya

"Mommy sama mo uli si Tito Jin dito pagbalik mo ha, miss ko na din sya..." lalo syang napaiyak sa sinabi ng bata tinakpan na lang nya ang bibig para hindi sya marinig nito. Tanging hikbi ang maririnig sa kanya na pilit pinipigilan ang pag-iyak.

Alam nyang hindi na mangyayari ito at naaawa sya para sa anak nya. Alam nyang napamahal na ang mga bata kay Jin, itinuring na nyang tunay na anak ang mga ito kaya magiliw din sa kanya ang mga bata.

"S-Sige anak sasabihin ko sa kanya ha, sige na bye ingat kayo ni baby brother mo"

"Ingat din po mommy I love you..."

"I love you too anak" at pinatay na nya ang telepono.

Unti-unti syang napahiga sa kama at impit na umiiyak. Dahil sa sobrang pag-iyak nakatitig na lang sya sa kawalan habang nakahiga. Nakabuo na sya ng decision mahal nya si Jin pero mas mahal nya ang kanyang mga anak. Ayaw nyang mawalan ng magulang ang mga ito, sya na lang ang meron ang mga ito.

avataravatar
Next chapter