13 I'm Sorry

Pagkadating ni Sandy sa Pilipinas agad niyang binura ang kanyang mga social media accounts, ayaw na nyang magkaroon pa ng communication kay Jin. Ayaw na rin nyang guluhin ang buhay nito gayundin ang buhay nya. Pinilit nyang maging maayos sa harap ng mga anak kahit alam nyang nasasaktan sya. Ito na lang ang paraan para makalimutan nya ang lalaki at alam din nyang mahihirapan na itong bumalik ng Pilipinas dahil sa sobrang busy nila.

***************

"Si Jin bumalik na ba?" tanong ni JK

"Hindi pa" sagot ni RM "JK pwede ka ba namin makausap" tanong nito

"Sige ano ba un?" tanong nito

"May ipapakita kami sayo" Pinakita ni RM kay JK ang laman ng video nagulat ito sa nakita nya.

Laman ng video ang pagpunta ni JK sa apartment ni Jin at sa ginawa nito sa babae. Nashock din si JK sa nakita, hindi nya siguro inaasahan na nagawa nya ito dahil na rin sa ispiritu ng alak.

"Bakit mo nagawa un JK?" tanong ni RM

"Sa totoo lang hindi ko din alam, hindi ko alam na ganyan kabrutal ang ginawa ko kaya pala galit na galit sakin si Jin..." nahihiyang sabi nito habang nakayuko

"Ang masakit dito pinagbantaan mo pa sya, buti na lang at hindi nya naisipan na ivideo ka at siraan. Marahil siguro, natakot sa sinabi mo kaya umalis na kagad ng Korea." si Suga

"Pero kilala nyo ako alam nyong hindi ko kayang gawin yun..." paliwanag nito

"Kaya nga kilala ka namin at hindi ka namin pinalaki ng ganyan lalo na ni Jin" si RM

"I'm sorry... hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko, alam nyo naman kung anong meron kami Jin kaya siguro nagawa ko un sa sobrang selos, pero hindi ko talaga intensyon un."

"Alam naman namin kung anong meron kayo ni Jin pero hindi ka dapat samin magsorry dapat kausapin mo si Jin." si Hobi

"Grabe nakakahiya ginawa ko" napaupo na lang si JK habang sapo-sapo ang ulo

"JK payong kapatid lang, alam mo ang naging sakripisyo sayo ni Jin alam namin na nagseselos ka pero alam mo din ang usapan nyong dalawa. Kaya sana matanggap mo na na ibang tao na ang nagpapasaya at nagmamahal sa kanya ngayon. Alam namin napakahirap nito sayo pero sana maintindihan mo para na lang kay Jin." dagdag ni RM

"Sige kakausapin ko sya pipilitin ko kahit sobrang sakit nito sakin, tatangapin ko na lang kung anong magpapasaya sa kanya..." naiiyak nyang sabi.

Makalipas ang isang linggo pumunta si Jin sa dorm ng BTS at pumasok sa kwarto nya para kumuha ng unting damit.

Tok tok tok....

"Jin si RM ito" katok sa pinto

"Pasok..." naabutan nilang nagtitiklop ng damit si Jin habang nilalagay sa maleta, nakasunod naman kay RM ang ibang miyembro

"Kumusta ka na?" tanong ni RM

"Eto ganito pa rin" blangkong sagot nito habang nag-aayos ng damit

"Balita ko hindi ka sa apartment mo nakatira"

"Oo bumili ako ng bago kong apartment dun muna ako tumutuloy" sagot nito

"Jin pwede ba kitang makausap?" singit ni JK

"Para saan pa?" matalim na tingin nito "Ito naman ang gusto mo diba ang magkahiwalay kami! O ngayon wala na sya iniwan na nya ako masaya ka na ba?!" sigaw nito

"Hindi ganun yun, Ang---"

"Anong hindi ganun yun? pinuntahan mo sya sa apartment ko ibig sabihin sinadya mo!" nakatingin ang lahat sa kanila

"Ginawa ko lang yun dahil nagseselos ako at gusto lang kitang protektahan sa kanya!" paliwanag ni JK

"Protektahan? Bakit ano ba sya kriminal? Sya nga ang nagligtas ng buhay ko! kung hindi dahil sa kanya malamang patay na ako ngayon!" galit na sabi nito

"Akala ko kasi pinagsasamtalahan ka lang niya, nag-aalala lang ako sayo... kami..."

"Kaya ba sinabi mo sa kanya na niligawan ko lang sya dahil sa utang na loob ko sa kanya? Alam kong alam mo na hindi un totoo, alam mong totoong mahal ko sya pero un ang pinaniwala mo sa kanya..." naiiyak na sabi nito

"Lahat kayo alam kong ayaw nyo sa kanya, si Jimin lang ang tumanggap sa kanya ng maayos. Hinusgahan nyo kagad sya inisip nyo kagad na manloloko sya na oportunista, hindi nyo sya kilala... Hindi nyo sya kilala huhuhu..." napaupo na ito sa kama habang umiiyak. Lumapit si Jimin at niyakap ito, tuluyan na rin naiyak ang iba nyang kasama lalo na si JK

"I'm sorry Jin, Alam kong nagkamali ako sabihin mo sakin kung anong dapat kong gawin para magkaayos kayo uli gagawin ko..." pampalubag loob nya kay Jin

"It's too late, wala na sya..." pagkasabi nya noon kinuha na nya ang bag at lumabas ng kwarto. Sinundan na lang sya ng tingin ng mga kasama.

avataravatar
Next chapter