11 I'm Going Home

Kinabukasan...

"Ok ka lang Jin?" tanong ni RM sa lalaki, bakas sa mukha nito na balisa at kanina pa nagdidial ng celphone.

"Kanina ko pa kasi tinatawagan si Sandy nakapatay ung phone nya" sabi nito

"Baka naman tulog pa" sabi nito

"Magtatanghali na tulog pa rin, nagaalala ako baka may nangyari sa kanya. Kanina pa ako kinakabahan eh" pagaalala ni Jin "Ilang take pa ba tayo?" tanong nito

"Isa na lang last na ito" sagot ni Suga

Pagkatapos ng shooting tinawagan nya uli ang celphone ng kasintahan ngunit nakapatay pa rin ito. Naisipan nyang tignan ang CCTV recording sa bahay nya dahil nakaconnect naman ito sa celphone nya at narerecord lahat ng nangyari. Naisipan nyang tignan kung umuwi ito kagabi sa apartment niya. Sinimulan nyang panoorin ito, nakita nyang pumasok ito sa loob ng bahay umupo sa sulok at tumungo. Seryoso nyang pinapanood ang kasintahan sa celphone, nagulat sya ng makitang andun si JK at nakita ang lahat ng ginawa nito sa babae, awang-awa sya dito. Ngunit mas nagulat sya sa huling nakita, nakita nya itong umalis ng bahay dala ang maleta palabas ng apartment.

"Shit! asan si JK?" tanong ni Jin kay Jimin

"Umalis na after ng shooting" sagot ni Jimin, dahil sa alitan nilang dalawa apektado ang buong staff dahil sa hindi nila pagkikibuan.

"Huh bakit anong nangyari?" tanong ni Hobi, hindi na sya sinagot nito at dali-dali itong umalis.

"Anong nangyari dun? bakit parang galit na galit sya kay JK?" tanong ni V

"Nakita ko lang syang may tinitignan sa celphone biglang nagalit na" paliwanag ni RM.

Nakita nilang naiwan ni Jin nakabukas ang video sa kanyang celphone kaya nakita ito ng mga kasama. Nagulat ang mga ito sa kanilang nakita at sa ginawa ni JK sa kasintahan ni Jin.

Habang nagdadrive si Jin papuntang airport alam nyang uuwi na ang kasintahan pabalik ng Pilipinas, naisipan nyang tawagan ang staff nila.

"Hello Mr. Park, pwede bang pakicheck kung meron ganitong name na lumabas ng Korea papuntang Pilipinas. Please help me..." pagmamakaawa nya

"Ok sige, I'll check balikan kita" sabi sa kabilang linya

"Sige po salamat"

Sobrang nag-aalala sya sa kasintahan alam nyang sobrang nasaktan ito sa lahat ng sinabi ni JK at hindi nya kakayanin na mawala ito sa kanya. Sobra na nyang minahal ito hindi dahil sa awa at utang na loob kundi totoo na nyang mahal ito. Ilang sandali pa tumunog uli ang celphone nya.

"Hello"

"Hello Jin, as I checked nakalabas na sya ng Korea pabalik na Pilipinas" dahil sa narinig unti-unting naibaba ni Jin ang kanyang celphone at itinabi ang sasakyan.

Doon bumuhos ang nagbabadya nyang luha ng marinig na nakaalis na ito ng bansa. Sobrang sakit ang nararamdaman niya, wala na ang babaeng mahal niya pero alam nyang wala ng mas sasakit sa nararamdaman ni Sandy ngayon. Alam nyang dobleng sakit ang nararamdaman nito ngayon dahil sa kasinungalingang narinig nito kay JK.

Agad nyang pinabalik ang sasakyan papunta sa kanyang apartment. Pagtapat nya sa kanyang pintuan hirap na hirap syang ihakbang ang kanyang mga paa papasok sa bahay. Parang nakikita nya ang nangyari kagabi dito, ngunit ang pagkakaiba sobrang tahimik na nito at malinis na ang paligid.

Dahan-dahan syang pumasok sa kwarto. Nakita nyang may nakapatong na sulat at celphone sa ibabaw ng kama dahan-dahan nyang binuksan ang at binasa ito.

avataravatar
Next chapter