5 Dinner Date

Naging matagumpay ang concert ng BTS, sobrang daming tao ang dumating. Sold-out lahat ng tickets at ang iba ay bitin pa. Nangako naman ang mga ito sa kanilang mga fans na ARMY na babalik uli next year sa Pilipinas dahil marami pang fans ang hindi naka punta sa concert nila.

Pagkatapos ng concert ay nagdinner sila kasama ang buong grupo at production team, nagpunta sila sa isang mamahaling restaurant malapit lang hotel na tinutuluyan nila.

Naisipan ni Jin na itext si Sandy para ipaalam na bukas na ang kanilang dinner.

'Good evening! Sandy this is Jin, Inform lang sana kita na bukas na ung dinner natin around 7pm. Papasundo na lang kita sa driver bukas sa house nyo. Takecare Goodnight'

Biglang tumunog ang celphone ni Sandy

Nakita nya message from Jin, binuksan nya kagad ito at binasa.

'Good evening! Jh this is Jin, Inform lang sana kita na bukas na ung dinner natin around 7pm. Papasundo na lang kita sa driver bukas sa house nyo. Takecare Goodnight'

Nireplayan naman nya naman ito

'Good evening Jin, Ok thank you and goodnight'

Napangiti si Sandy sa message ni Jin sobrang kinikilig sya dahil alam nyang tuloy na tuloy na ang dinner nilang dalawa. Ayaw man nyang umasa na magiging romantic ang kanilang dinner pero iniisip nya na sana ay may pagtingin din sa kanya ang lalaki, wala naman masama libre lang ang mangarap.

Kinabukasan, ala sais ng gabi ng sunduin si Sandy ng driver ni Jin. Dinala sya nito sa isang mamahaling hotel. Inassist naman sya ng hotel staff kung anong floor ang pupuntahan nya. Nagsuot lang sya ng simpleng dress na kulay peach na bagay lang sa maputi nyang kutis. Tinernuhan nya lang ito ng doll shoes, nilugay lang nya ang kanyang mahabang buhok at nilagyan ng clip.

Nakarating sila sa may rooftop ng staff.

"Ma'am dito po tayo" yaya nito sa kanya

"Salamat po" sabi nya dito, bago pa nya buksan ang pintuan iniwan na sya ng hotel staff.

Pagbukas nya ng pinto sinamahan sya ng waiter papunta sa table ni Jin.

Malaking ngiti ni Jin ang bumungad sa kanya kaya hindi nya rin maiwasan ang mapangiti. Simple lang suot ng lalaki nakapolo shirt lang ito na tinernuhan ng maong pants, bagay na bagay ang damit nya na lalong nagpalutang sa kagwapuhan nya (WORLDWIDE HANDSOME NGA DIBA). Hindi maiwasan ni Sandy na titigan ito dahil sa sobra nitong kagwapuhan, kaya minsan nahuhuli sya ng lalaki na nakatitig sa kanya.

"Pasensya ka na dito lang ako nagpaset-up ng table sa rooftop, kasi alam mo naman hindi ako pwedeng lumabas." paghingi nito ng paumanhin

"No, ok lang basta kasama kita..." kinikilig nitong sabi

"Ha? ano yun?" takang tanong nito

"Ha?! wala! ang sabi ko ok lang kahit saan naiintindihan ko naman" at napatulala na naman sya dito

"Uhm may dumi ba ako sa mukha?" tanong ni Jin dito habang tinuturo ang mukha

"Ha?! wala ang gwapo mo nga..." sabi nito na kulang na lang ay tumulo ang laway

"Ha? ano yun?" muling tanong nito

"Wala... Pasensya na ha hindi ko kasi mapigilan na titigan ka ang gwapo mo kasi talaga sa personal. Hindi lang kasi siguro ako makapaniwala na makakaharap at makakasama kita in the flesh" hindi na nya mapigilan na paliwanag nya dito

"Hehehe... Ok lang" nahihiyang sabi nito

Ilang sandali pa dumating na ang inorder nilang pagkain. Marami silang napagusapan sa buhay-buhay nila, isa na rito na napagalaman ni Jin na may dalawa ng anak si Sandy isang babae at isang lalaki at maaga itong nabyuda dahil sa pagkamatay ng asawa.

"I want to meet your kids" deretsang sabi nito

"Ha?! Talaga?! Bakit?" takang tanong nya dito

"Yah, pagbalik ko dito next vacation namin gusto kong makilala mga anak mo" deretsong sabi nito

"Babalik ka dito? bakit may concert kayo uli?" tanong nya

"I want to pursue you" deretsang sabi nito

"Ha?!" gulat na tanong nya

avataravatar
Next chapter