6 Confession

Sandy POV:

Naging maayos naman ang dinner namin ni Jin, marami syang naikwento sa buhay nya ganun din ako. Napakabait nyang tao wala akong masabi sa kanya, tama nga ung mga nababasa ko sa mga comment sa kanya ng ibang celebrity na mabuti syang tao. Napag-alaman din nya na meron na akong dalawang anak at byuda.

"I want to meet your kids" deretsang sabi

"Ha?! Talaga?!" Nagulat ako sa narinig kong sinabi nya

"Yah, pagbalik ko dito sa next vacation namin gusto kong makilala mga anak mo" Teka tama ba ang narinig ko babalik sya dito next year? tanong ko sa sarili

"Babalik ka dito? bakit? may concert uli kayo?" hindi ko na mapigilan ang magtanong

"I want to pursue you" OMG!!!! totoo ba ito, anong ibig nyang sabihin doon?

"Ha?!" gulat kong tanong sa kanya "W--What do you mean?" hindi ko maintindahn na tanong ko sa kanya

"I like you, and I want to court you" deretsang sagot niya. OMG this is it pansit!

"Ha?! Sure ka? Hindi ka ba lasing or nakadrugs, parang ang bilis ata?" pagbibiro ko s sa kanya, pagak syang napatawa

"Hahaha... hindi noh ano ka ba, I'm serious..." sabi nya sabay seryoso ng mukha na nakatitig sakin

"Uhmm... Ano kasi alam mo naman ang sitwasyon ko diba may anak ako at ikaw binata parang hindi naman maganda sa image mo na magugustuhan mo ang isang tulad ko lalo na at ordinaryong tao lang ako." paliwanag ko

"I don't care kung anong sasabihin nila kung anong estado ng buhay mo, ang importante sakin kung ano ang nararadaman ko..." seryoso nyang sagot. Ano ba yan parang gusto ko ng maihi sa panty ko sa sobrang kilig, dahil sa sobrang gwapo nya hindi ko matagalan ang mga titig nya kaya kusa na lang akong umiwas.

"S--Sige ikaw ang bahala, parang hindi naman kita mapipigilan eh" Un na lang ang huli kong nasabi sa kanya.

"Sya nga pala, for you..." sabay abot sakin ng flowers at isang paper bag, hindi na ako nagatubili na tignan yun dahil nakakahiya naman kung sa harapan nya pa un bubuksan.

"Para saan ito?" tanong ko para sa mga bigay niyang bulaklak

"I'm starting to court you"

"O---Ok... Thank you..." un na lang tangi kong nasagot

Pagkatapos ng dinner, inihatid na ako ng driver pauwi samin. Gusto sana ni Jin na sumama maghatid para malaman daw nya kung saan ako nakatira pero ako na rin ang tumanggi kahit nagpipilit sya. Alam kong maaga pa ang flight nila papunta sa Japan para sa Asian Concert Tour nila. Gusto ko din na makapagpahinga sya at gusto ko din na makapag-isip. I'm feeling exhausted, at the same time overwhelm. Hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari sa akin ito, para akong nanaginip ng gising.

Pagdating ko sa bahay tulog na ang dalawa kong anak katabi ang aking ina. Agad akong nagbihis at tinignan kung ano ang laman ng paper bag na binigay ni Jin, nagulat ako ng makita ko ang white gold na necklace napakaganda nito at mukhang mamahalin. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong regalo pero mukhang hindi ko iyon matatanggap kaya itinabi ko na lang iyon.

JIN POV:

Sobrang saya ko ng makita si Sandy kanina. Simple lang ang suot nyang damit, isang bestida na bumagay sa simple nyang ganda. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Simula ng makita ko sya hindi na sya naalis sa isip ko, hindi man sya kasing ganda ng ibang babae na aking mga nakilala, alam kong kakaiba sya at may something sa kanya.

Lalo ko pa syang nagustuhan dahil sa pagiging natural nya pagkaharap ako, at mas marami pa akong nalaman sa kanya nung nagkausap kaming dalawa. Alam kong nagulat sya aking revelation pero ayoko ng itong patagalin pa, buti na lang at naintidihan naman nya ako at naging maayos ang aming pag-uusap.

Un nga lang, magiging mahirap samin dalawa ang aming sitwasyon dahil magiging long distance ang panliligaw ko sa kanya. Pero sisiguraduhin ko na hindi ako titigil sa panliligaw sa kanya para ipadama ang aking pagmamahal. At sa aking pagbabalik sisiguraduhin ko na mapapasaakin na sya.

avataravatar
Next chapter