7 Birthday Gift

Chapter 7:

Kahit malayo sila sa isa't-isa sinisiguro ni Jin na lagi nyang binibigyan ng oras si Sandy. Lagi syang tumatawag o di kaya kung busy sya kahit man lang text ay makamusta niya ito. Minsan ay sinusupresa nya ito sa pagpapadala ng bulaklak, package at kung ano-ano pa. Pati ang mga anak nito ay hindi nya nakakalimutan.

'Hello kumusta ka na?' tanong ni Jin

'Ok naman, ano na naman itong pinadala mo sakin?' si Sandy

'Natanggap mo na pala, nagustuhan ba ng mga bata?' tanong nito sa kanya

'Oo pero sana hindi ka na nagabala at baka masanay ang mga bata' pag-aalala nya

'Eh di hayaan mo silang masanay'

'At ako naman ang kawawa' natatawa nyang sabi

'Bat ka naman magiging kawawa andito naman ako, sya nga pala nagustuhan mo ba ung pinadala ko sayo' muling tanong ng lalaki

'Oo ang gaganda ng bulaklak parang magtatayo na nga ako ng flower shop dito sa bahay at maya't-maya ka nagpapadala' natatawa nyang sabi kay Jin

'Basta para sayo lahat gagawin ko'

'Wow ang cheesy ha o sya sige baka busy ka na, mag-ingat ka palagi'

'Sige tawagan na lang kita uli, mag-iingat kayo palagi and i miss you and I love you... bye...' nasa tono nito na namimiss na nya babae

*************************

Makalipas ang ilang buwan bumalik si Jin sa Pilipinas dahil schedule nila na one month vacation ng buong BTS. Ito ang araw na lagi nilang pinakahihintay ang magkaroon sila ng vacation at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Naisipan ni Jin na dalawin si Sandy at para makilala na din ang mga anak nito.

Nagstay na lang sya sa hotel na malapit sa lugar nila Sandy para hindi na rin sya mahirapan kung dadalaw sya dito. Hindi pa rin sya pinayagan ng kanyang manager na bumyahe mag-isa kaya meron pa rin syang kasamang mga bodyguard para sa kaligtasan nya.

Naisipan nilang magbakasyon sa Tagaytay dahil mas malapit ito sa Manila at maganda ang klima doon. Nagrent na lang sila ng isang buong bahay para may privacy sila at makaiwas na din sa mga media dahil baka may makakilala pa sa kanya. Nakilala na rin nya ang mga cute na anak ni Sandy at nakuha naman nya ang loob ng mga ito dahil sa mababait ang mga bata. Madalas ay naglalaro sila ng mga bata at nagkukulitan.

Natutuwa naman si Sandy sa nakikita at the same time nalulungkot dahil baka masanay ang kanyang mga anak na nandyan lagi si Jin.

Nagpadeliver si Jin ng pagkain dahil na rin sa kaarawan ni Sandy. Dun na lang sila magcecelebrate sa lugar na tinutuluyan nila para isurprise ang babae. Binilhan niya ito ng magandang damit ganun din ang kanyang ina at mga anak

"Sandy para sa inyo" sabay abot ng mga paper bag sa babae

"Ano ito?" tanong niya

"Suotin mo kakain tayo sa labas, celebrate natin yung birthday mo" nakangiting sabi nito

"Ha? wag na... hindi tayo pwede lumabas baka may makakita pa sayo?" tangging sabi niya

"Basta akong bahala, sige na magbihis na kayo" pilit nito sa babae, wala ng nagawa ito kundi ang sumunod sa kanya.

Pagkalabas ni Sandy sa kwarto nagulat si Jin dahil sobrang bagay na bagay ang pinili nyang damit dito, lalong lumutang ang ganda nito sa royal blue na dress na suot nito. kasunod nito ang kanyang ina at mga anak na nakabihis na din. Pagkalabas nila sa garden biglang namatay ang ilaw.

"Teka anong nangyari brownout ba?" tanong nya kay Jin, ilang sandali pa ay narinig nyang nagkantahan ang mga ito ng Happy Birthday.

"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy birthday happy birthday, Happy Birthday to you!!!" kanta nila sabay bukas ng ilaw, habang si Jin naman ang may hawak ng birthday cake.

"Happy Birthday Sandy!" sabi ni Jin "Make a wish" masayang sabi nito, pumikit naman sya at nagwish. Nagpalakpakan ang lahat, tuwang-tuwa naman ang mga bata.

"Tara kain na tayo!" yaya ni Jin dinala naman sila nito sa may pool area na nandoon ang mga handang pagkain.

"Wow paano nyo nagawa ito?" takang tanong ni Sandy

"Nagpadeliver ako ng mga food nagpatulong ako kay nanay at sa mga bodyguard ko" natatawang sabi ni Jin

"Salamat talaga, maraming salamat" nakangiti nyang sabi kay Jin

Pagkatapos nilang kumain, naiwan si Jin at Sandy sa may veranda habang nakatanaw sa magandang view ng taal.

"Thank you" sincere na sabi ni Sandy, humarap sya kay Jin at hinawakan ang dalawang kamay nito "Thank you for making me happy pati na rin sa mga bata"

"Wala yun, gusto ko naman yung mga ginagawa ko basta kung anong magpapasaya sayo gagawin ko dahil mahal kita" sabi nito

"At mahal din kita" tila nagulat ito sa sinabi ng babae

"Ano? ano yung sinabi mo?" muling tanong nito

"Sabi ko mahal din kita!" masayang inulit ang sinabi nito

"You mean...."

"Yes! sinasagot na kita and I love you"

"YES!!!" sigaw nito "I LOVE YOU TOO!!!" sabay yakap kay Sandy

avataravatar
Next chapter