1

Chapter 1

ARIE'S POV

"Bwiset! AAARGGGHH bakit ba ang bobo ko?!"

sigaw ko, para na akong baliw dito sa park.

Pinagtitinginan ng mga taong naglalakad, mapa-bata man o matanda natatakot na sa akin. Siguro kung mga kaibigan ko sila hindi baliw ang iisipin nila…sigurado akong kakaawaan nila ako.Isipin mo may pamilya ka nga wala namang kasupo-suporta sa iyo at huhusgahan kapa.

' i'm such a big disappointment'.

Tapos may maki-kilala kang bagong kaibigan nahinihila ka pababa.May taong magpapasaya sayo ipaparamdam na importante ka pero sa huli lolokohin at iiwan ka.

Para maka-iwas sa mga mapanghusgang tao ay minabuti ko nang pumasok sa isang garden atlis dito kaunti lang ang tao.Umupo ako sa isang bench at sa hindi malamang dahilan ay bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang hindi tumulo.

'Bakit ba ang malas malas ko,Una hindi buo ang pamilya ko tapos wala pang tiwala sakin, sa usaping kaibigan minsan hinahatak ako pababa tulad ngayon dahil sa paninira sa akin ay sinesante ako pati sa love life malas din, sa ilang taon na naging kami ni miguel hindi manlang niya ako nagawang mahalin… at nung bumalik na yung taong mahal niya ay agad siyang nakipaghiwalay sakin'.

Wala naman akong balat sa pw*t bakit ang malas ko?

' . . .ano yun? Bakit parang may kumakalabit sakin? '

tinignan ko kung sino yun…

'nakita niya ba akong umiiyak?!'

.

.

.

ano nang gagawin ko? I-inaabutan niya ako nang panyo meaning . . . nakita niya NGA!!!.

Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan ko ang aking mukha bago umalis sa Garden. AAAARRRGGH! ang malas ko.

IAN'S POV

"HOY! Pre tulala ka diyan?"

tanong sa akin ng isa sa mga kabarkada ko

"Langya, ikaw nag suggest na dito pumunta tas tu-tulala ka lang diyan"

tugon pa nang isa, medyo natawa naman kami dahil sa ekspresyon ng mukha niya

"tara na.. boring naman dito hali na kayo alis na tayo"

bored kong sabi sa kanila. Hanggang ngayon iniisip ko yung babae kanina

'paano kaya niya naka-kayang umiyak sa harap nang ibang tao? Kung ako siya magagawa ko ba iyon? Lalo na't isa itong pampublikong lugar?'

hindi ba siya natatakot sa iisipin nang iba tungkol sa kanya?, kasi ako? takot na takot kaya kahit sa pamilya't mga kaibigan ko ay di ako nag sasabi, lalo na sa kanya….

"sh..shane ano ba tayo?"

tanong ko sa kanya, ngayon ko lang siya Nakita at nakausap nang malapitan

"I—ian ano bang sinasabi mo?"

"Shane naman! Bakit mo ba ako pinapaasa ng ganito?"

tanong ko sa kanya, nararamdaman ko na maya-maya lang iiyak na ako

"ian ano ba? May nagawa ba akong mali?"

"tinatanong mo ako kung may nagawa ka? OO!!! Meron kang nagawang mali *sob* ni...minsan ba na isip mo man lang ba ako? Kung?.... Kung nasasaktan na ba ako sa kinikilos mo.. sa *sob* pag iwas mo? At sa pag akto mo na para bang wala lang ako para sayo?"

Napayuko siya at huminga nang malalim bago umangat nang tingin sakin *sighed* na puno nang katahimikan sa pagitan naming dalawa . . .

"Ano ba talaga ta—"ian walang tayo"

.

.

.

dahil sa sinabi niyang yun, ang aking puso na durog na ay mas lalo pang nadurog.

Kahit umiiyak na ako hindi ko pinakita sakanya ang labis na pagkalungkot ko.

"Walang tayo! Kase ayaw. mo! Sinasabi mo na mahal mo ako pero hindi yun! ang kinikilos at pinaparamdam mo sakin . . "

Nakatingin siya nang diretso sa aking mga mata

"Bakit parang ako lang ang may kasalanan? Eh parehas lang naman tayo ah!!! . . . sinasabi mo din naman na mahal mo ako pero Kahit. Kalian. Hindi ko naramdaman"

Halata ang inis sa kanyang pag sasalita tinignan ko siya mula sa talampakan hanggang sakanyang mga mata

.

.

.

'Sa nakalipas na tatlong taon puro sakit lang ang dinulot niya sakin, siguro . . . kailangan ko nang sumuko'

"Pa… paano ko maipaparamdam sayo na mahal kita kung ang lagi mong ginagawa ay iwasan ako?" *SOB*

napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan

'nakakahiyang umiyak sa harap niya'

.

.

.

"shane …. Pangit ba ako?"

tinignan ako ni shane at . . .

"ian,hinde ano bayang mga tanong mo?"

"e… ano ang mali sa akin? Hindi naman ako masamang tao kaya bakit linalayuan mo ako?"

'nag mumukha akong dehado dito sa kalagayan namin lintek!'

Napaluhod na ako sa harap ni shane dala nang pagod at lungkot ko

"Sagutin mo ako shane BAKET?!"

"hi.. hindi ko alam si..siguro hindi pa sapat yung mga effort mo"

'Hindi sapat?'

Kahit hinang hina na ang katawan ko ay pinlit ko na makatayo

"Shane ayoko na tapusin na natin kung ano man itong namamagitan satin "

isang mapait na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago ako tumalikod at umalis sa harapan niya.

Gusto kong mag kwento sa mga kaibigan ko kaso nauunahan ako ng takot na ba…ka husgahan at iwan nila ako. ~~~~ Alas tres na ng madaling araw pero eto ako at naka tingin padin ako sa kisame… hanggang ngayon hindi parin mawala sa isipan ko yung sinabi ni shane na hindi pa sapat yung mga effort ko, haha nakakatawang isipin na hindi pa sapat para sa kanya yung mga bagay na halos ikagulo nang buhay ko para lang sakanya…Hindi sapat na mag mukha akong tanga sa harap ng maraming tao para sakanya. Dahil sa kanya natakot na akong mag kwento sa iba pagdating sa nararamdaman ko, dahil sa kanya natuto akong mag overthink ng mga bagay bagay at ang umiyak ng patago…kaya ngayon magulo ang utak ko hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong hindi ko alam kung paano ilalabas tong sakit sa dibdib ko, gustuhin ko mang umiyak para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nadamarama ko ngunit pagod nadin ang mga mata ko . . .

'sana kasing tapang ako nung babae, dahil siya kaya niyang ipakita sa lahat yung lungkot na nararamdaman niya '

*sighed*

"sana may lakas din ako ng loob tulad niya"

avataravatar