94 Sino ba ako para sayo? (10)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Katulad ng nangyari sa banyo sakit ang binigay nito sa kanya. Wala itong awa, binuhos nito ang galit.

 

Hindi siya ang nagsimula nito, gumawa ng first move at hindi rin siya ang nakipag-kasundo. Ngayon naman, gusto na niyang putulin ito. Bakit galit pa siya?

At saka siya ayaw niyang umasa sa kanya, siguro iniisip niya na gusto kong umasa sa iba para mapunta sa itaas?

Alam ni Qiao Anhao na kahit ipaliwanag niya ang sarili niya hindi siya papaniwalaan ni Lu Jinnian. Tiniis niya ang sakit at pinilit ang sarili niya na sabihin, "Hindi ko gustong umasa sa iba, gusto kong umasa sarili ko..."

Ngunit ang gusto niyang sabihin na gusto niya ito at ayaw niyang mababa ang tingin nito sa kanya. Gayumpaman, hindi niya ito masabi ito. Simula palang sinabi na nito na sa kanya kahit sino pa gustuhin niya siguradong hindi siya iyon. Kung sasabihin may gusto siya sa kanya siguradong magagalit lang ito sa kanya.

Rumehistro kay Lu Jinnian ang sinabi ni Qiao Anhao, hindi niya ito inaasahan.

Ang hindi umasa sa iba? At umasa sa sarili niya? Kung hindi. Kung hindi sinabi ni producer Sun ang tungkol sa role, ano kaya ang sasabihin nito sa kanya? Dahil lang sa dalawang shows gusto na niyang putulin ang ugnayan nila?

Sabagay, hindi ba laging ganito ang trato niya sa kanya?

Hanggat maari gusto siyang iwasan nito. Kahit nag-iisa na siya kahit tignan siya ayaw nito.

Tuluyang tumahimik si Lu Jinnian. Ngunit may sandaling lungkot sa kanya mata bago hinalikan si Qiao Anhao.

Nanginig sa sakit si Qiao Anhao pero hindi tumigil si Lu Jinnian. Hindi na ito ganon karahas.

-

Matapos ang nangyari sa kanila umalis agad si Lu Jinnian at pumunta sa banyo.

avataravatar
Next chapter