54 Mga Alaala Ng Ating Kabataan (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahil sa matinding kagustuhan ni Qiao Anhao na makasama sa class si Lu Jinnian, nagbunga ang kanyang paghihirap maging ang mga guro ay nagulat kaya binigyan siya ng palayaw na black horse[1].

Tagumpay ang hiling niya na makapasok sa first class. Gayunpaman, napunta si Lu Jinnian sa third class.

Ganon kadaling nawasak and pangarap ni Qiao Anhao… Naging kaklase niya si Xu Jiamu at napunta naman si Qiao Anxia sa third class sa arts.

Pilit ngumiti si Qiao Anhao sa mga kaibigan niya dahil masaya ang mga ito para sa kanya. Nagtago si Qiao Anhao sa isang maliit na gubat at umiyak siya hanggang hapon malapit sa kuwarto ng mga guro.

Katulad ng isang taon ay patuloy niyang pa-tagong pinagmasdan si Lu Jinnian. Kahit malungkot si Qiao Anhao. Alam niya wala na siyang magagawa para mabago ito.

Iba ang mga babae sa third class mula sa first class. Wala silang pakialam sa kanilang pag-aaral at kung talagang may gusto sila, pinapakita talaga nila ito. Madalas kung tuwing dadaan si Qiao Anhao sa third class, madaming ang mga babae sinusubukan makuha ang atensyon ni Lu Jinnian. Ngunit, kahit madalas ito lapitan ng babae, hindi nito pinapansin at tila balewala ito sa kanya. Madalas hindi maiwasan ni Qiao Anhao na magselos, ang masaklap madali siyang sumpungin nito.

Mga ilang beses na rin na kita ni Qiao Anhao si Lu Jinnian na kausap ang isang babae tuwing uwian sa may school o malapit sa bus stop. Kilala niya babae bilang isang class president na kasali sa mga ilang clubs sa school. Nang mga oras na iyon pakiramdam ni Qiao Anhao gumuguho ang kanyang mundo sa sakit ng kanyang puso.

Pagdating sa bahay, susubukan niyang alamin ang relasyon nito.

Hindi lahat ng alaala ni Lu Jinnian at Qiao Anhao ay hindi maganda. Merong pangyayari ng sila ay 2nd taon ng maputla ang mukha ni Qiao Anhao dahil sa sakit ng kanyang buwanang dalaw at ginawang suporta ang pader dahil hindi siya makapaglakad. Tinulungan siya nito makarating sa nurse office.

Hanggang ngayon ay malinaw niya itong naalala. Naka-higa siya sa kama sa nurse office habang naka upo ito sa bintana nagbabasa ng libro. Hindi man sila nag-usap sapat na ito para maramdaman niya pagmamayari niya ang buong mundo ng sandaling iyon.

Nagka-usap sila, gayunpaman hindi ito nagtagal dahil dumating ang babaeng class president para bumuli ng mga plaster sa nurse office at kinausap si Lu Jinnian.

[1] black horse - kaunti lang ang nalalaman sa isang tao pero nakilala dahil sa kamakailan na tagumpay.

avataravatar
Next chapter