6 Bringing the ‘Nation's Husband’ Home (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang unang umibig si Qiao Anhao kay Lu Jinnian, ang mga panaginip niya ay laging tungkol sa kanya. Lumipas ang panahon, natakot siyang makita ito. Tuwing lumalapit ito sa kanya, nababalot siya ng takot at pagkabahala. At lalong tumindi ang nararamdaman niya dahil sa nangyari noong tatlong buwan na ang nakakalipas...

Sa mismong sandaling ito, nakaupo si Lu Jinnian sa kanyang tabi. Tumaas ang kanyang pandama nang marinig at maramdaman niya ang kanyang boses at hininga. Nagpapawis ang mga palad ni Qiao Anhao dahil sa kanyang pagkabahala.

Umikot ang usapan ni Lu Jinnian at ng direktor sa mga pelikula at mga dramas. Kahit bahagyang nagsasalita si Lu Jinnian, kinikilig ang puso ni Qiao Anhao sa bawat salita nito.

Sa kanyang pagkabahala ay tumayo si Qiao Anhao at binaba ang kanyang chopsticks. Nagrason siya na pupuntahan niya si Zhao Meng sa banyo. Ngunit, tumayo si Lu Jinnian kasabay ng pagtayo niya.

Ito ba ay agkakataon o ito ba ay sinadya?

Ang palikuran ay nasa likod ni Qiao Anhao at ang labasan sa dining hall ay nasa likod ni Lu Jinnian. Kaya naman nang siya ay lumiko, nagkasalubong ang kanilang mga tingin.

Sa Isang sulyap lamang kay Lu Jinnian ay niyuko ni Qiao Anhao ang kanyang ulo upang maiwasan ang mga mata nito.

Silang dalawa ay kasal na ngayon ng limang buwan ngunit ang balita at hindi pa na isa publiko. Sa publiko, silang dalawa ay mga estranghero sa isa't isa.

Sinubukan ni Qiao Anhao na pakalmahin ang kanyang sarili at gayahin ang kilos ng iba kaya magalang niyang binati si Lu Jinnian, "Magandang gabi, Mr. Lu."

Si Lu Jinnian ay nanatiling tuwid, hindi gumagalaw, ang kanyang mga tingin ay hindi tiyak, na nagbibigay ng impresyon na hindi niya narinig ang pagbati ni Qiao Anhao. Pagkatapos ng isang mahabang panahon, bigla itong kumisap. Lumiko, nagbago ng daan bago umalis ng dining hall.

Walang binigay na sagot si Lu Jinnian, ang pagbati sa kanya ni Qiao Anhao ay hindi ito kumibo na parang hindi narinig ang pagbati nito. Nakalipas ang mahabang oras, ay umalis ito palabas ng dining hall

Simula sa umpisa, hindi niya nagawang sumulyap kay Qiao Anhao, na tila ang babaeng nasa harap niya ay hindi ang naging asawa na kanyang pinakasalan limang buwan na ang nakararaan.

Ang pagkatao ni Lu Jinnian ay malamig at malayo ang kanyang personalidad na nagpahirap na maging malapit dito. Ang kanyang awtoridad sa Entertainment Industry ay nagpantindi ng takot sa iba, kaya pilit silang naging maingat sa kanilang kilos tuwing siya ay nasa paligid lamang . Sa sandaling iniwan niya ang dining hall, unti-unting nanumbalik sa dati ang atmospera ng dining hall, na bumalik nasa dating maingay bago siya dumating. Ngunit dahil siya ay dumating, ang mga tao ay natural na nagsimulang magsabi tungkol sa kanya

"Isa talagang alamat si Lu Jinnian sa industriya"

"Hindi lang siya alamat, siya ay isang hindi kapanipaniwalang milagro. Sa nakalipas na sampung taon simula ng pumasok siya sa industriya, walang chismis o backlash sa kanya."

"Hindi lang yun nagtayo na siya ng sariling kumpanya mula sa wala. Ang sabi nagsimula ito bilang isang mahirap na bata na walang anumang suporta sa iba. Matapos ng apat na taon, ang kanyang kasikatan ay bumulusok pataas, at nakuha niya ang award para sa "Best Male Actor" sa loob ng anim na sunod-sunod na taon. Sa sampung pelikula na bumoto online bilang isang klasiko, nagpakita siya sa anim, dalawa naman dun ay hindi siya isang lead aktor.

avataravatar
Next chapter