webnovel

Ang malalim, ngunit pinagbabawal na pag-ibig (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi makakapayag si Han Ruchu na mawalan ng mamanahin ang anak niya dahil lang sa anak ng isang kabit.

Kaya naman binalak nilang mag-asawa na bigyan nalang ito ng pera. Ngunit tumanggi ang artista at nagmakaawa. Ang tatay na ni Xu Wanli ang nag-ampon sa bata kahit isa itong anak sa labas, Dahil apo niya pa rin ito, Inutusan ng si Xu Wanli ng ama niya kasama artista para sa HLA compatibility. Ngunit, hindi dila tugma. Nagtugma ito lang ito sa tagapagmana Xu family. Ito nalang ang huling pagasa ni Lu Jinnian pero tumanggi si Han Ruchu.

Nagbigay ng mga kondisyon si Xu Wanli kay Han Ruchu para pumayag ito: Hindi mamumuhay ang bata na anak ng artista na kasama ang Xu family, hindi rin ito makakasama sa kanilang family tree at walang mamanahin ang bata at tanging si Xu Jiamu ang magiging tagapagmana.

Tagumpay ang operasyon. Tinupad ng artista ang napagkasunduan. Kinuha niya si Lu Jinnian na kadugo ng Xu Family.

 

Hindi nakabalik ang artista sa entertainment industry matapos mang anak. Wala rin sumusuporta o kahit natapos sa pag-aaral. Kaya binuhay niya ang bata sa pagpasok sa night club.

Tuwing gabi mag-isa si Lu Jinnian ng bata siya at tanging alaala niya sa kanyang ina ay ang pag-inom at pagsusuka nito sa banyo.

Hindi hinayaan ng nanay niya na mahirapan siya. Gayumpaman, tinutukso si Lu Jinnian ng mga classmates niya dahil dito.

Ilang beses sinubukan ni Lu Jinnian na makihalubilo classmates niya pero bigo siya. Kaya naman sinuko niya na ito at ginawa nalang ang mga bagay ng sarili niya. Hanggang sa naging kaugalian niya na.

Marahil ito ang rason kung ito ang rason kung bakit sa pagiging mailap niya sa tao. Ang rason naman kung bakit magaspang ang pananalita nito ay ito ang paraan protektahan ang sarili.

Maagang pumanaw ang ina niya dahil sa alcohol poisoning ng grade 6 siya. Naging mag-isa siya sa mundo at maging kamag-anak ay hindi pwedeng puntahan.

Matapos mamatay ng kanyang ina, may kaunti itong pamana sa kanya sapat ng mabuhay siya ng ilang taon. Ang matadang babaeng kapitbahay nila ay inampon siya dahil sa awa sa kanya.

Next chapter