3 CHAPTER 3: OFF TO ALTARIA

[Makaraan ang tatlong araw, Sa labas ng Demons lair Forest]

"I guess we should head to Altaria first." Suggestion ni Kayla dahil aalis sila sa umagang iyon pagkatapos ng isang gabing pamamahinga sa isang abandonadong kubo dahil sa mahabang paglalakad sa malawak na kagubatan ng Demons Lair.

Napataas ng kilay si Kirei, "Ba't uunahin natin ang Altaria??" Tanong ni Kirei dahil kung tutuusin mas malapit ang kaharian ng Arcus kaysa Altaria na kailangan mo pang tumawid sa Enchanted river at mt. Frillim para makarating doon dahil nasira ang mahabang tulay na nagdudugtong sa Purrifia at Altaria.

"And beside ayokong umuwi doon." Singit naman ni Trazor.

"K-kailangan ko kasing siguraduhing safe ang kayamanan namin sa pangangalaga ng Emfira bank ng Altaria." Medyo nag-aalangang sabi ni Kayla dahil alam niyang tututol ang mga kasama niya.

"Then we should head to Altaria first." Sabi ni Gaion at nauna nang lumakad.

Nabuhayan naman ng loob si Kayla dahil sa desisyon ni Gaion. Sumunod na rin sina Kirei at ang dalawang manyak kuno kay Gaion. "Aren't you coming??" Biglang sigaw na tanong ni Gaion paglingon nito kay Kayla.

"Wait I'm coming syempre!!" Masayang sabi niya at nagtatakbo para mahabol sila.

Lingid sa kaalaman nila may nakamasid sakanila sa kakahuyan. It was a man on black. He was wearing a pair of eyeglasses adding some innocent vibe in his looks. But he has a face like a vampire that can literally attract any girl.

Nakatanggap kasi ito ng balita galing sa isang bogus na may mga dayo daw na pumasok sa teritoryo ng bogus kaya't hindi siya nagkakamaling grupo ni Kayla iyon dahil sa tulong ng kalikasan. He can communicate with the nature kaya't hindi iyon hadlang para mas maliwanagan sa totoong nangyari.

"Sila ang umubos sa kalahating populasyong ng mga halimaw ng dilim dito. Kailangan kong iparating ito kay Lady Demorra." Sabi nito at biglang itong naglaho at marahil papunta iyon sa lugar ni Demorra ang tagapangalaga ng mga nilalang ng dilim.

[Samantalang sa Enchanted river.]

Naroroon ang isang lalaking nakikipaglaban kay Henox na kanang kamay ng abyssal prince of demon. Siya si Zachua na hari ng mga Aquarian o kilala bilang mga tao ng katubigan at siya ang hari ng kahariang Aquos sa kailaliman ng enchanted river.

"Lisanin mo ang lugar namin alipin ng kadiliman dahil wala kang mapapala dito!!" Pagbabanta nito kay Henox ngunit imbes na matakot si Henox ay tumawa lang ito.

"Ikaw Zachua na hari ng mga Aquarian. Huwag ka ng magmaang-maangan pa dahil batid kong alam mong ang nais ng aking pinuno ay ang Watique energy na siyang sentrong enerhiya ng iyong kaharian." Sabi ni Henox  at inilagan ang trident ni Zachua tsaka nito pinaulanan ng bato mabuti nalang at agad na nakapaglabas ng water shield si Zachua.

"Hangal!! Ang pagkuha ng mga enerhiyang ginagamit ng mga kaharian sa buong Eklasesta ay magdudulot ng matinding unos sa bawat Eklasestean!" Sigaw ni Zachua at ginamit ang kanyang malakas na atake.

"Water Manipulation magic; Water Tornado!!"

Nakulong si Henox sa isang water tornado kasama ni Zachua ngunit malayang umaatake ito kay Henox dahil ang water tornado ay nagbibigay ng bilis at karagdagang lakas kay Zachua kaya't walang laban si Henox paggumamit pa si Zachua ng Water base  na mahila.

"Shit!!" Asik ni Henox dahil hindi nga rin nagtagal at ginamit ni Zachua ang kanyang Heavenly Water Magic; Holy water kaya't napatalsik si Henox na hindi manlang nakaatake.

Henox is a user of black Magic and Plant manipulation Magic and Zachua was a user of Heavenly type Magic at different type of Water base Magic kaya't mas may advantage si Henox kaya't naging kampante ito na nagdulot sakanya ng kanyang pagkatalo. Hindi alam ng nakararami na si Zachua ay gugamit din ng Ice type Magic at Muddy Water Magic kaya't ito ang advantage niya.

"Ano lalaban ka pa?!!" Sigaw na tano ni Zachua at akmang susugod na naman ito at bago pa matuluyan si Henox nagawa nitong makapagteleport kaya't di na nagawang magapi ni Zachua si Henox pero bago mawala si Henox isang ngiting nakakaloko ang pinakawalan nito kaya't nakaramdam ito ng kakaiba parang may nangyayari na hindi niya alam.

Bumalik na ito agad sa katubigan at pumunta na sakanyang nasasakupan at doon siya sinalubong ng punong tagapangalaga ng enerhiyang Watique. Agad nitong nilagay sa trident ni Zachua na kanyang ikinataka. "Oh aking hari, kunin mo to at humayo ka't magpakalayo.. alagaan mo't protektahan ito bago pa dumating ang mga water demo--" hindi na naituloy ng punong tagapangalaga ng may sumakmal dito kaya't agad na binalot ni Zachua ang katawan nito gamit ang water shield at mabilis na lumangoy. Mabuti nalang at mas bumilis ito dahil sa karagdagang lakas na bigay ng enerhiyang Watique.

Nakarating ito sa pangpang at agad na nag-anyo sakanyang heavenly form para makalipad ito. Lumingon ito sa enchanted river kung saan naroroon ang kaharian niya. "Babalik ako aking inang bayan at ipaghihiganti ko kayo!!" Sigaw nito at mabilis na tumungo sa Kagubatan ng Mt. Frillim.

[Samantalang sa kakahuyan ng Vernon. Makaraan ang dalawang araw.]

"Another forest na naman.. aish!!" Reklamo ni Kayla na hawak-hawak pa ang kanyang mukha dahil nasisira daw yung beauty niya. Mabuti nalang at may binigay si Kirei na relong maaaring paglagyan ng mga gamit sa pamamagitan ng pagchant sa salitang 'Storas Relos' at ang pangalan ng gamit tapos mawawala na at any time maaari mong isummon ang gamit sa pagbigkas ng 'Calus Relos' at ang pangalan ng gamit.

Gaion glared at her. "Shut up." Madiin na sabi nito kaya't tumahimik na siya at sumunod nalang pero dahil nasa likuran siya ni Gaion kaya't inaambangan nito ng suntok at nagpipigil naman ng tawa sina Kirei nang biglang may umakay kay Kayla.

"Siguro naman hindi kana magrereklamo." Sabi nito at hindi binababa si Kayla na galaw ng galaw.

"Baba mo nga ako!!" Sigaw nito kay Gaion nang biglang tinapon siya nito papunta sa balikat ni Cair. "Buhatin mo yan." Utos ni Gaion kay Cair at nauna nang lumakad.

"Yes sir!" Pagsang-ayon ni Cair at binuhat si Kayla na parang sako. Biglang uminit ang pakiramdam ni Kayla dahil nakaangkla ang braso't kamay ni Cair sakanyang hita na malapit sakanyang pwet.

"Manyak!!!" Sigaw ni Kayla at pinagsasabunot si Cair.

"Araaaaaayyy!!!" Daing ni Cair habang sinasabunutan siya ni Kayla na naging dahilan ng pagbasak nila.

Napamulat si Cair kaso wala siyang makita. Habang si Kayla ay sobra ng namumula dahil nakapatong siya kay Cair at ang dibdib nito'y nasa mukha ni Cair. "Manyak ka talaga!! Hindi na kita savior!!" At agarang tumayo si Kayla at pinagtatadyakan si Cair.

"Araay!! Hindi ko naman sinasadya!!" Pagdedepensa ni Cair sakanyang sarili at habang sinasangga ang mga paa ni Kayla.

"Knock it off!!" Biglang singit ni Trazor at hinigit si Kayla sa may bewang para mapigilan na si Kayla. Isang malutong na sampal ang biglang dumampi sa pisngi ni Trazor. "Isa ka pa!! Manyak kayong lahat!" Sabi ni Kayla at nauna ng lumakad na nag-iinit ang ulo nito.

"Isa pa malilintikan talaga yan sa'kin." Sabi ni Trazor na ngayon ay nagtitimpi na ng galit.

"Grabe ang harsh naman niya. Ang tapang niya!!" Komento ni Kirei na parang natulala habang sinusundan ng tingin si Kayla.

"Hindi iyon matapang kundi virgin siya, VIRGIN SIYA!! kaya defensive much!!" Hindi pagsang-ayon ni Cair na ngayon ay nakatayo't hinihimas ang braso nito.

"Oops, if I were you I wouldn't have said that." Komento ni Kirei at tinuro ang tabi nito at lumingon naman ito sa tinuturo ni Kirei only to find out na naroroon si Kayla na nag-aapoy na sa galit at bigla siyang tinuhod.

"Awwwwwwwwwwww!!" Sigaw ni Cair na nagtatalon habang si Gaion ay walang nagawa kundi pagmasdan sila mula sa ilalim ng puno medyo malayo kina Kayla na nag-aaway habang umiiling ito. "Hmmmm.... Cair is acting weird lol... haha!" Bulong nito pero iniling-iling ang kanyang ulo para maiwaksi ang kanyang iniisip dahil baka mali yung nasa isip niya.

Biglang naging aktibo si Gaion nang may narinig itong pagbulusok. "Enemy!" Biglang bulong nito at agad-agarang sinalag ang isang atake na tatama sana kina Kayla gamit ang card nito at ang kakayahan nitong magblink.

"Position we're under attack!!" Utos ni Gaion sa mga kasama.

Naging alerto naman ang lahat at tinawag ang kanilang mga armas mula sa kanilang mga relo except kay Cair na walang armas at ngayon ay lumilipad na. Agad silang pumusisyon at inobserba ang paligid.

Biglang may bumulusok na namang hindi maipaliwanag na itim na bola buti nalang at nasalag na naman ni Gaion ang atakeng iyon.

"Wahahaha!! Mahusay! Mahusay!" Sabi ng isang tinig na nakakapanindig balahibo kasabay ng pagbalot sa paligid ng itim na usok.

Anumang oras ay maaaring umatake si Gaion maging sina Trazor. Biglang may lumabas mula sa itim na usok a lady in her dark violet kimono like dress with a big ribbon on her stomach area. Wala itong pakpak na tulad ng paniki o sungay ng demonyo but her presence screams danger. The atmosphere tensed up.

Naglalakad ito palapit kina Gaion kaya't mas naging alerto sila. "Hmmm.. Interesting, I can smell the blood of someone good to be my mate." Seryosong sabi ng babae habang pinapasadahan ng tingin ang grupo nina Gaion specially Gaion he caught her attention.

"Anong mate mate ka dyan!!? Baka manyak kamo, sige ka baka mag-sisi ka!!" Biglang singit ni Kayla kaya't napatingin ang mga kasama niya sakanya.

"Shut up will ya!!" Bulyaw sakanya ni Gaion kaya't tumahimik na lamang si Kayla.

"I don't give a damn ms. Virgin, kukunin ko ang aking mate!!" Sabi ng babae at unti-unting nagkaroon ng itim na usok na hugis kamay. "Secret art of darkness; Curse Hand!!" Bumulusok ito papunta sa mismong kinaroroonan ni Gaion ngunit agarang nawala si Gaion.

"The hell!! Si Gaion ang mate niya?!!" Gulat na sabi ni Kirei at agarang lumundag papunta sa kinaroroonan ng misteryosong babae.

"Paper make Slasher!!" Sigaw ni Kirei kasabay ng pagbuo ng isang espadang gawa sa papel.

"Now Gaion give an order!!" Sigaw ni Kirei habang linalabanan ang babae.

"Trazor attack her at 180° angle, Cair use your Air manipulation Magic to secure the area and  Kayla use your Magic tol hit and also to distract her right after I give you the signal! Understood!!?" Utos ni Gaion nang bigla itong sumulpot sa harapan nina Kayla at agad ring nawala habang naroroon si Kirei buying som time.

Pumosisyon na si Kayla habang hinihintay ang go signal. Kailangan rin ni Kayla na huwag matamaan ang mga kasama. Sumunod naman si Cair at binalutan ang lugar ng hangin para walang makakapasok at para na rin hindi magamit ng misteryosang babae ang atake nitong itim na usok.

Agad namang bumulusok si Trazor following the 180° angle papunta sa misteryosang babae.

"Taste my blade! Slaying Art; crosslash!!" Madiing sabi ni Trazor kasabay ng paglapat ng espada niya sa babae.

Natamaan ni Trazor at agaran napaatras. "Ahhhhhh!! Still wala parin kayong panama sa'kin!" Sigaw ng babae at nag-iba ang kulay ng kayang mata at naging pula ito.

Dumistansya si Kirei at Trazor dahil ginamit ni Kirei ang paralization field niya at kasabay non ang pagsigaw ni Gaion. "Now Kayla!!" Sigaw ni Gaion na out of sight pa rin. Sinunod iyon ni Kayla at tinutok na ang kanyang purrific gun.

"Gotcha. Lost Art of Marksmanship; Direct Charge beam." Bulong nito nang masiguradong tatamaan niya ang babae at tsaka nito kinalabit ang gantilyo kasabay nang paglabas ng malakas at nakakasilaw na maroon light na papunta sa direksyon ng babae.

[TO BE CONTINUED]

avataravatar