1 Prologue

"Do you take Zac Ulyssis Samson as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

Nanginginig akong napatingin kay Zac na seryosong nakatingin at nakahawak sa mga kamay ko. Pinagpapawisan ako at napalunok sabay tingin kay Quinn sa tagong lugar na nakangiti at naka thumbs up pa.

'You shameless brat!!! Patay ka sakin mamaya!'

Napatingin ako sa suot kong wedding gown, nangangalaiti ako habang nakakunot-noong tinitigan ito. Nilingon kong muli ang lalaking nasa harapan ko na walang ekpresyon sa mukha.

'Pano nangyare to!! Panung naging bride ako ng kapwa ko lalaki! Damn it!!'

Napapikit ako at kagat labing sumagot.

"I.... I-i do.."

Pagkatapos namin magpalitan ng wedding vows ay inilagay na namin ang singsing sa bawat isa. Nakayuko rin akong nagluluksa para sa sarili ko.

Ilang sandali pa ay nagsalita na naman ang pari.

"Go now in peace and live in love, sharing the most precious gifts you have- the gifts of your lives united. And may your days be long on this earth. I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."

Nanlaki ang mata ko ng iniangat ni Zac ang belo na nakatakip sa mukha ko. Hinawakan nya ang baba ko at dahan dahang inilapit sakanya. Agad kong itinaas ang dalawang kamay ko at ipinatong sa dibdib nya upang pigilan sya.

'What the hell! Anong balak mong gawin?!'

Bigo akong pigilan sya ng bigla nyang hawakan ang ulo ko at itinulak papalapit sakanya. Masyado syang malakas para hindi ko makontrol at ilang segundo pa nga ay naramdaman ko ang pagdampi ng malambot na labi sa bibig ko.

'WHAT THE FUUUCCCKKK!!!'

Nanlaki ang mga mata ko at maya't maya pa nga ay nawalan na ako ng malay.

avataravatar