webnovel

CHAPTER 6

KYLINE'S POV

Hello, hello sa inyung lahat! It's me, Kyline Fuentes Alcantara! Siguro naman ay kilala niyo na ako bilang little sister ng ate kung si Menggay. Hihi!

May 11, 2018

Ilang linggo na rin ang lumipas mula nung nagkatampohan kami ni ate Menggay. Actually, siya lang naman talaga yung nagda-drama.. at nakiramay lang ako dun sa acting niya. Hehe.

Toot! Toot!

Napatingin ako sa cell phone ko na nasa gilid ko lang. Nakahiga pa ako ngayon dito sa kama ko kahit pa kanina pa ako nagising.

Sadyang tinatamad lang talagang bumangon ang lola niyo. Haha!

1 Text Message from Ronna

Agad ko yung in-open at napatakip pa ako ng bibig nung mabasa ko ang laman ng text niya.

-Start of Flashback-

Nandito ako ngayon sa supermarket ng Ayala Center Cebu kasama ang pinakamabait kong ate na si ate Menggay.

Busyng-busy siya sa pamimili ng mga gamit namin sa bahay kaya napagdesisyunan kong pumunta muna sa kabilang estante at kumuha dun ng spray para sa kwarto ko.

Habang nagtititingin-tingin ako sa mga nakadisplayng spray ay may bigla akong nakabunggo. Napatingin ako dun sa girl na tulak-tulak yung cart niya. Napatingin din naman siya sa akin at ilang saglit pa kaming nagkatitigan.

Mga halos ka-edad lang siya ni ate Menggay sa tingin ko.

Sa tingin ko lang naman..

"I'm so sorry miss."

Napapayukong pag-aapologize ko nalang.

"It's okey miss. Hindi ko rin naman kasi napansing nandiyan ka pala. Pasensya na rin nabunggo pa kita nitong cart ko."

Napatingin ulit ako sa kaniya at nginitian siya. Medyo nakatagilid ako sa kaniya kaya nung mapansin ko ang mukha ng isang pamilyar na lalaki na naka-print sa t-shirt niya ay napahakbang ako paharap mismo sa kaniya at tinitigan yun.

"Miss, si Alden Richards yan di ba?"

Napatingin naman siya sa sarili niya saka ibinalik ang tingin sa akin na nakangiti.

"Ah.. O..oo. Tsaka nakabili na nga rin ako ng isa pang shirt tulad nito na iba ang style at kulay na may picture din ni Alden, my loves!"

Napakalawak ng mga ngiti niya kaya nahawa na rin ako sa kaniya.

"Really? Fan ka rin ba niya?"

"Yeah! Ako pa ba?! Hihihi! Not just a fan.. but super duper fan! Member na nga din ako ng Alden Knights since 2016 pa."

"Oh really?! Kainggit ka naman! Panigurado nakita mo na siya sa personal noh?"

"Yes! I saw him already personally nung nag-meet and greet last year. Nagkaroon kasi kami nun ng fans day na in-organize ng group namin dahil isa kami sa mga pinakamalalaking fans club niya dito sa Cebu and sa whole Philippines kaya ayun, nakapagpapicture pa nga ako sa kaniya eh. Kyiiiii!! Tingnan mo oh!"

Mabilis niyang kinuha yung cell phone niya sa bulsa at ipinakita sa akin yung picture nila.

"Yiieeeeee! You are so lucky! Sana naman magkaroon din ako ng chance na makita siya at makapagpa-picture!"

Excited pang tugon ko.

"Perfect na perfect yan kasi may mall show siya na gaganapin sa April 27 dito mismo sa Ayala!"

"Talaga? Uy isama mo naman ako diyan oh! Tsaka dun din sa mga kasama mo sa fans club ni Alden. Please naman oh. Pleaseee?"

Nakapout pang usal ko na halos mapatalon pa sa tuwa.

"Sige, sige ipapalista kita kay Ate Myla para masama ka dun sa mga new members ng club namin."

"Really? Really?! Oh.. Yiiieeeee! Thank you, thank you, thank youuu! You are so hulog ng langit to me talaga!"

Napa-hug pa talaga ako sa kaniya dahil sa combination ng tuwa, excitement at kilig na nararamdaman ko pero humiwalay din naman ako sa kaniya agad.

Hindi na mawala-wala pa ang mga ngiti sa mukha ko.

"You are very much welcome dear. Basta si Alden ang pag-uusapan, magkaibigan na tayo agad-agad. As in instant friends na tayo. Hehe! I'm Ronna Ortiz nga pala from Talisay, Cebu."

Pagpapakilala naman niya.

"Ahh.. I am Kyline Fuentes Alcantara nga pala from Buenavista, Carcar City, Cebu. It's super nice meeting you po ate Ronna."

Nginitian ko siya at ganun din naman siya sa akin.

Kinuha ko na rin ang cell phone number niya at ibinigay ko rin yung akin para naman may makokontak ako kapag malapit na yung mall show.

-End of Flashback-

From: Ate Ronna

"Hello Kyline! Good morning. Just wanna update you, honestly very instant update, dahil may fans day na gaganapin bukas na bukas sa Hotel Pier Cuatro sa may 3rd Ave North Reclamation Area, Carreta, Cebu City, 6000 Cebu. Magkita nalang tayo sa may entrance ng hotel para sabay na tayong papasok sa function hall. That's all, I hope makaka-attend ka! Kung may Twitter account ka, maki-Twitter party ka na rin using the hashtag, #FansDayWithTheBae and #AldenInCebu. Yun lang!"

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng todo dun sa nabasa ko.

Mabilis akong napaupo at inalis ang kumot ko sa katawan. Agad kong isinuot ang tsinelas at patakbong tinungo ang kwarto ni ate Menggay.

Tok! Tok! Tok!

Halos mapasigaw pa ako upang tawagin siya nang medyo matagal-tagal pa bago niya binuksan ang pinto.

"Bakit ba Kaykay? Waaaay! Umagang-umaga nanggigising ka na naman."

Aantok-antok pang reklamo niya habang humihikab pa. Gulo-gulo pa rin ang buhok niya at may laway pa sa gilid ng mukha. Pero hindi ko na talaga mapipigilan ang sarili kong ibalita sa kaniya ang tinext ni ate Ronna sa akin kanina.

Mabilis kong itinulak ang pinto at agad-agad na pumasok sa kwarto niya saka napalundag sa kama niya. Siya naman ay kakamot-kamot pa sa ulo niya habang inis na naglalakad papalapit sa akin.

"Ate Menggay.. Guess what?!"

Nakangiting tanong ko pa sa kaniya.

"Hmmm... Ano..?"

Halos hindi maipinta ang mukha niya sa inis. Alam kong inaantok pa siya ngunit kailangan na niyang malaman ang news now na!

"May fans day at meet and greet si Alden tomorrow!!! Yiiieeee!"

Nakita ko naman ang bigla-biglang panlalaki ng mga mata niya at mabilis na napalundag sa tabi ko.

"Totoo ba yan Kaykay? As in Alden Richards? Yung kinababaliwan mo kaya umaalis ka nalang ng hindi nagpapaalam? Baka naman ginu-good time mo na naman ako niyan ah?! Magbiro ka na sa lasing at matsing.. Huwag lang sa ate Menggay mong maganda kapag gumigising!"

Pagbabanta pa niya sa akin.

"Totoo nga ate. Yung Alden Richards na may nakaka-inlove na dimple. Yung Alden Richards na napaka-hot. At yung Alden Richards na halos mapanaginipan ko na araw-araw saka yung Alden Richards na pupunta dito sa Cebu bukas ay iisa. Iisa ateee! As in, real na real na real! 101% sure ako na pupunta na talaga siya this time. At.."

Diretsong nakatitig pa ako sa kaniya.

"Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo! Walang pilitan pero wala ring tanggihan!"

Tinuro ko pa ang mismong mukha niya na agad naman niyang inalis.

"Huwag ka ngang ganyan Kaykay! Siyempre sasama ako sayo noh! Mabuti na yung makita ko na talaga yang.. yang Alden na yan... Naku, naku nanggigigil ako sa lalaking yan ah! Tingnan nga natin kung hot talaga yan matapos ko yang sapakin! Tapos.. kukurutin ko siya ng hard para malaman niya kung gaano kahirap ang magkaroon ng kapatid na baliwww!"

Sabi naman niya na napahawak pa ng mahigpit sa kumot niya at nanliliit ang mga mata.

"Ate ah? Pag may nangyaring masama kay Alden bukas, wala nang ibang suspect kundi ikaw lang. Wala na talagang ibang person of interest! Nagbabanta ka eh."

Pananakot ko naman sa kaniya.

"Oo sige ba! Suss yun lang naman pala eh. Haha! Makikita niya ang bagsik nitong mga kamao at braso kong ala-Manny Pacquiao ang lupet!! Tingnan lang natin kung hanggang saan lang yung mga biceps niya kung ako ang makakasagupa niya. Ha!"

Inangat pa niya ang braso niya at hinahampas pa niya yun na akala mo naman ay sobrang laki.

"Tse! Akala mo naman kung sinong boxing champion.. ehh kahit sampalan scenes nga di mo magawa ate! Makipagbunuan pa kaya dun kay Alden?!"

Singhal ko sa kaniya at napasimangot naman siya.

"Pero teka! Bakit agad-agad naman yata yang ganap na yan? In a hurry lang, ganurn? Pasikat mode ba sisteret?"

Kani-kanina lang din kasi nagtext si ate Ronna eh.

"A..ate Ro..nna? Sino siya?"

Naguguluhang tanong niya pa.

"Ahh.. Si ate Ronna yung nakilala ko sa mall nung nagpunta tayo dub sa Ayala. Remember nung nasa supermarket tayo ate? *tumango siya* Yun! Dun ko siya nakilala. Member din siya ng Alden Knights na fans club niya at siya ang nakapagsabi sa akin na may ganung event si Alden tsaka siya yung nagpa-member sa akin dun sa group nila."

"Ahh.. Ganun ba? Oh sige, sige na! Kung wala nang ibang magagandang balita ang ilalabas niyang bibig mo Kaykay, ang mabuti pa ay bumalik ka na muna dun sa kwarto mo dahil matutulog muna ulit ako. Para bukas... complete na ang beauty rest ko, okey? Kaya sige na!"

Tinulak pa niya ako patalikod kaya napatayo nalang din ako at isinuot ulit yung tsinelas ko.

"Okey my dear sister. Gogora na si me! Magna-nap na lang din muna ang lola mo. Good night for tonight. K bye Philippines!"

Sabi ko at nagtuloy-tuloy na palabas. Isinara ko ang pinto ng kwarto niya at bumalik nalang din ako sa kwarto ko at nag-reply kay ate Ronna.

To: Ate Ronna

"Okey po ate Ronna. Copy that! Pero sana okey lang na may kasama ako tomorrow. Wala kasi siyang ibang kasama dito sa bahay. Thanks nga pala sa update. Mwah!"

Hinintay ko pa ang reply niya pero wala paring dumating. Hindi ko na lang namalayang nakatulog na rin pala ako kahihintay.

Dzzzz... Dzzzz...

May 12, 2018

Maaga akong nagising.. of course excited much eh. Hihi. Nakahiga parin ako ngayon dito sa kama ko dahil maaga pa naman masyado para maligo at magprepare.

Toot! Toot!*

Kinapa ko ang cell phone ko na nasa side table ko at in-open yun habang nakahiga parin.

From: Ate Ronna

"Good morning Kyline, dear! I hope gising ka na sa mga oras na to. Remind ko lang na 8:30 ang start ng program para sa fans day today. Kita na lang tayo sa may entrance. Yun lang, bye! See yah! And siya nga pala, don't forget to use the Hashtags for today's event. Thank you!"

Napangiti na naman ako after mabasa yung text niya. Naupo muna ako sa kama, bumuntong-hininga tapos inayos ang buhok. Isinuot ko ang tsinelas ko at lumapit sa closet ko saka naghanap ng masusuot.

Ohh.. si ate Menggay nga pala! Hala! I almost forget, geeez!

Kaya ayun tinext ko na siya na kailangan sharp 8:30 ay nandun na kami sa venue.

After ko siyang nai-text ay inihagis ko na lang muna yung phone ko sa kama at ibinalik ang paningin sa mga damit na nasa tapat ko. Ilang minuto pa akong pabalik-balik sa pagtititingin sa mga naka-hanger kong damit hanggang sa makapili na ako. Kinuha ko na yung long sleeves kong stripe light blue and white *di kasi ako masyadong fan ng stripes eh kaya sanayin niyo na ang mga self niyo now pa lang 😉* at yung black kong jeans. Pinair ko yun sa shoes na bagong bili namin ni ate.

Mabilis lang akong naligo at nagsipilyo saka nag-ayos ng sarili.

Habang nagsusuklay ako ng buhok ay naalala ko yung mga pinamili namin ni ate Menggay sa mall nung nakaraang month. Kaya naman mabilis ko na yung tinapos at lumapit sa cabinet ko. Binuksan ko yun at kinuha yung paper bag dun sa loob.

Naupo ako sa harap ng salamin at sinimulang buksan ang mga gamit na pang-make up na nandun. Isa-isa kong inalala kung paano ako inayusan ni ate nung recognition day ko at yung sa mall nung may nag-make up sa amin saka sinimulan ko nang lagyan ng kung anu-anong kolorete ang mukha ko.

After mga 0123456789 na oras *wheeew!* ay sa wakas natapos na rin ako.

Mabilis kong ibinalik yung mga gamit sa cabinet at kinuha ang maliit na back pack ko. Sinulyapan ko pang muli ang sarili ko sa salamin at bahagyang napangiti pa.

"Just wait and see Mr. Richard Faulkerson Jr. Your destiny is on her way to your heart. Chezz! Hihi!"

Sabi ko pa sa salamin na may pahabol pang wink at saka naglakad na papalabas ng kwarto. Pagkatapos kong maisara ang pinto ay kumatok na ako agad sa kwarto ni ate Menggay.

Tok! Tok! Tok!

"Pasok ka lang Kay. Hindi naka-lock yan!"

Dinig kong sigaw niya kaya pinihit ko na yung door knob at nagtuloy-tuloy lang sa pagpasok. Pagkarating ko sa loob ay wala siya.

"Ate, asan ka?"

"Nandito ako sa banyo nag-aayos lang sandali."

Tugon naman niya kaya napaupo nalang din muna ako sa kama niya habang hinihintay siya. Hindi naman siya nagtagal ay lumabas na siya suot ang plane yellow na off-shoulder bilang top at white pants sa ibaba. Napatingin ako sa kaniya ng diretso nang hawiin niya ako at naupo sa tabi ko.

"Pakiabot nga Kay nung sapatos ko. Yun oh.."

Utos niya pa sa akin habang itinuro yung sneakers niya na nasa kabilang side. Tumayo ako at kinuha yun.

"Ate di ba may bagong shoes ka naman, ba't di yun nalang ang gamitin mo?"

Suggest ko pa nung inaabot ko na sa kaniya yung sapatos niya.

"Medyo matagal-tagal na kasi niya yung ginagamit eh. Tapos yun pa ang madalas niyang gamitin kahit may naka-store naman siyang ibang foot wear sa kwarto niya."

"Okey lang yan. Matibay naman yan eh."

"Luma na kasi to ate eh.. Tsaka ito lang naman ang nabubugbog sa tuwing pumupunta tayo sa malalayong lakad."

"Eh sa ito ang favorite kong sapatos.. Tsaka hindi pa naman kumukupas ang kulay kaya keri pa to."

Sabi niya pa habang inaayos ang sinyas ng sapatos niya.

"Ikaw bahala."

Napabuntong-hininga nalang ako at napa-crossed arms na nakayuko sa kaniya upang panoorin siya sa ginagawa niya.

"Ayan, tapos na! Kunting make up nalang at pwede na tayong umalis."

Aniya sabay lakad papunta dun sa usual table kung saan siya nagme-make up. Napaupo nalang din muna ako habang pinapanood siyang mag-ayos.

"Mabuti naman at may natutunan ka pala sa make up tutorial ko sayo Kaykay. Hehe. In all fairness ah? Nagmumukha ka na nga talagang tao diyan sa mga pinanggagagawa mo sa sarili mo."

Patuloy parin niyang daldal habang nasa salamin lang ang tingin at naglalagay ng blush on sa cheeks niya.

"Uy ate anong make up tutorial ang pinagsasasabi mo diyan, ha? Nag-eexplore din kaya ako sa sarili ko at siguro.. mga.. mga 20% lang naman ang naitulong nung make up-make up ganap mo nung nakaraan eh. And real talk lang ah.. Mas marami kaya akong natutunan dun sa Cosmetics Center kesa sayo. Hahaha!"

Biro ko pa sa kaniya kaya napa-peace sign nalang ako sa kaniya nung salubong ang kilay niyang nilingon ako.

"Selfie tayo ate ah.. kapag natapos ka na diyan. Hehe!"

Napayuko ako at binuksan yung back pack ko saka hinanap dun ang cellphone ko but unfortunately, wala akong cell phone na mahagilap sa loob. Napakapa pa ako sa mga bulsa ko pero wala talaga.

"Ow.. Emm.. Dziii! Ate nakita mo ba yung phone ko? Yung cell phone ko nakita mo ba?"

Natatarantang tanong ko habang napatayo pa ako at hinalungkat ang buong kama niya.

"Ha? Hindi.. Bakit?"

Tanong niya pero hindi parin ako nililingon.

"Nawawala kasi ang cell phone ko eh. Kani-kanina lang after kong mag-text sayo ay inilapag ko na yu..."

Nanlaki pa ang mga mata ko nang maalala ang mga sandaling yun.

"Oo nga pala! Hayss! Ang Kyline na makakalimutin!"

"Wait lang sister ha! Titingnan ko lang sa kwarto ko kung nandun lang yun. Wait for me! Wait.. Wait.. Waaaah!"

Sigaw ko pa habang mabilis akong tumakbo pabalik ng kwarto ko at napakapa sa kama.

"Ayun! Gottyah! Here you go, baby!"

Nang mahawakan ko yun ay nakangiti akong lumabas ng kwarto ngunit kakasara lang din pala ni ate Menggay ng kwarto niya.

Nagkatinginan pa kami at mabilis kong hinablot ang kamay niya saka nakatabingi ang ulo kong tinitigan ang relo niya.

"Hmm... 7:17 pa pala! Taralets?!"

Yaya ko na sa kaniya pero hindi ko na siya pinasagot pa at agad ko na siyang hinila papuntang sala. Napatigil naman ako sa paglalakad nang hilahin niya pabalik ang kamay ko.

"Hey sisteret.. Hey, chill! Ang bilis-bilis mo naman yatang maglakad."

Nilingon ko siya saka ko binitawan ang kamay niya.

"We need to be there ate in just an hour.. Dapat di tayo mali-late sa event na yun, okey?"

"Yeah I know.. I know. Pero hindi pa nga tayo nagbi-breakfast little sister. In a very great hurry lang ang peg ng lola.. ganurn? Parang nasa end of the world movie lang te?"

Tinitigan ko lang siya. Pinanood ko na lang din siyang tumalikod sa akin at dahan-dahang naglakad papuntang kusina bitbit ang shoulder bag niya.

"Kung wala kang planong kumain.. Pwes ako kakain ako hanggang gusto ko. Kukuha lang ako ng sandwich sa ref at maiinom na rin."

Muli niya pa akong nilingon at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na siya.

"Oh nasan na yung sandwich mo ate?"

Sinalubong ko siya ng tanong nang mapansing wala naman siyang bitbit na sandwich at maiinom.

"Andito sa bag ko siyempre.. bakit gusto mo?"

"Ahh.. No. No, thanks.. Mai-imagine ko pa lang si Alden, busog na ako. Paano pa kaya mamaya pag nakita ko na siya.. Yiieeee!!!"

Nakangiting usal ko habang kinikilig na nakatingin sa kaniya.

"Edi halos isang linggo ka nang hindi kakain nun kasi isang linggo ka ring hindi magugutom?"

"Yes of course! Ikaw ba naman makakita ng lalaking.. Kanin na, ulam pa, di ba?"

Pagmamayabang ko pa ngunit bigla na lang niya akong hinila papalabas ng bahay.

"Halika na nga! Baka kung anu-ano pang kabaliwan ang pumasok diyan sa makipot mong kukote.. Tsk! Ayaw na ayaw ng mga sikat ang mapapayat huy!"

Dinig ko pang sabi niya habang hinihila ako.

Pagkalabas namin ng bahay ay may dumaan na ring taxi kaya agad na kaming sumakay.

"Kuya sa..."

"Sa Ayala Center po tayo!"

Pagsingit ko dun sa sasabihin sana niya. Napalingon naman siya sa akin na nakasalubong ang kilay.

"Akala ko ba may word na hotel yung pupuntahan natin ha, Kaykay? Hotel Pier Cuatro yun di ba? Eh bakit magmo-mall ka pa?"

"Ate.. May bibilhin lang akong.. mga important things lang naman. Donttyah worry mah dear big sissy kasi makakaabot pa rin naman tayo, okey?"

"Hasssh! Ewan ko sayo.."

Napalingon nalang siya dun sa kabilang side.

Napatingin ako sa cell phone ko.

It's still 7:25. Kering-keri pa this! Aja!!

"Kuya, ilang minutes niyo po ba kayang takbuhin ang Ayala?"

Baling ko dun sa driver after kong mailagay ulit ang phone ko sa bag.

"Pwede po tayong umabot dun after mga 45 minutes ma'am."

Sagot naman niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ay? Matagal-tagal pa po pala?! Sige, sige po.."

Sinulyapan ko pa si ate Menggay pero hindi na siya lumilingon pa sa gawi ko at nakasandal lang siya habang yung body niya ay nakatagilid patalikod sa akin.

Agad namang pinaharurot ng driver ang sasakyan namin. Mukhang mabilis ang takbo namin ngunit hindi ko pa rin yun namamalayan o hindi man lang ako nakaramdam ng anumang takot dahil sobrang tahimik ng buong loob ng axi. Si ate ay nakaharap sa isang side ng bintana habang ako naman ay nakaharap sa kabilang side at siguro ay may isang malaking space na gap namin sa isa't isa.

Ilang minuto pa ang lumipas nang napahinto na kami bigla.

"Nandito na po tayo sa Ayala ma'am."

Sabi nung driver kaya napatingin ako sa rear mirror niya.

"Ahh.. Nandito na pala tayo kuya. Pwede pakihintay niyo na lang po ako rito? Saglit na saglit lang po talaga ako kuya."

"Sige po ma'am."

On that cue ay mabilis ko nang binuksan ang door na hindi man lang nagpapaalam kay ate.

I have no much time para magpaalam pa. Mas mali-late kami kapag nagkataon. Wheeew!

Patakbo akong pumasok at tinungo agad ang memorabilia section ng mall.

Agad kong hinanap yung sa mga may tarp at nung makita ko yung face ni Alden ay hinablot ko na yun. Kumuha na rin ako ng pamaypay at head band na may picture na.

Patakbo ko na ring tinungo ang counter at nagbayad. As in parang lahat ng ginawa ko sa loob ng mall ay puro fast forward at siguro ay halos mga sampung beses ko nang tinitignan ang cell phone ko kung anong oras na ba. Lahat na lang ng ginawa ko ay minadali ko na nang matapos agad.

After kong magbayad ay takbo-lakad na ang ginawa ko papalabas ng mall habang bitbit ang paper bag. Tinignan ko muna kung nasaan yung taxi na sinakyan namin at nang makita yun ay agad ko nang nilapitan at in-open ang door.

"Sorry. Natagalan ba ako kuya?"

Hinihingal ko pang tanong sa driver nang makaupo na ako at maisara ang pinto.

"Mga 8 minutes lang naman po kayo sa loob ma'am.'

Sagot naman niya at ini-start na ulit yung kotse.

"Ano yang pinamili mo Kay?"

Bigla naman akong napalingon kay ate Menggay nang tanungin niya ako. Nakaharap na pala siya sa akin ngayon at nasa paper bag na dala ko ang paningin.

"Ah.. Eto..? Wala to ate. Wala lang to."

Pagsisinungaling ko pa at itinabi sa gilid ko yun.

"Alam kong meron yan. Sige na.. patingin nga…"

Sabi pa niya habang pilit na inaabot ang paper bag ngunit hinaharangan ko naman yung kamay niya.

"Wala nga to ate eh.. Ano lang to.. ahmmm... Memorabilia lang to ni Alden.."

Nahihiya ko pang tugon.

"Waaah! Bumili ka pa talaga? Makikita mo naman yun mamaya ah?! Hindi mo pa ako sinama sa loob."

Naka-pout naman niyang usal na napasandal ang likod sa upuan habang nakatingin pa rin sa akin.

"Wala.. gusto ko lang bumili. Then kapag nakita niya to, magpapa-autograph ako sa kaniya at papa-signature-an ko to noh!? Ganun yun ate!!"

Malakas at diretsong sabi ko pa sa kaniya saka napatingin ng diretso sa mga nakakasalubong naming sasakyan.

"Edi ganun..! Tsk!"

Pabulong na sabi niya ngunit dinig na dinig ko pa rin. Nagkibit-balikat nalang ako at hinintay na makarating kami.

"Hotel Pier Cuatro ma'am!"

Napalingon-lingon ako sa paligid.

"Hotel Pier Cuatro nga!"

Pagkakita ko dun sa name ng building ay na-confirm ko nang yun na nga yun.

Bumaba na kami after kong bayaran ang pamasahe namin. Tumambad sa harap namin ang maraming mga tao na papasok pa lang din ng venue. May mga bata, bata-bata, mga ka-edad ko lang din at meron din namang yung mga nanay na.

May nakita rin akong mga balloons na nakapalibot dun sa dalawang poste na nakatayo sa bawat gilid ng pintuan.

Inilibot ko ang aking paningin at napangiti nalang ako nang makita ang hulma ng katawan ng taong ngayon ay hinahanap ng aking mga mata.