webnovel

Chapter 1

Chapter I

Every time they ask me what kind of family I have? I don't know the answer. Should I say that I don't have a family that every child wish.

But never niya sinabi iyon kahit kanino.

"FEIRAAAA!!!!!" sigaw ng kanyang Mama. At doon lang siya tuluyang nagising sa mahabang pagiisip.

Sa lakas nang pagkakasigaw ng Ina niya ay tiyak na rinig ito hanggang sa kapitbahay. Pero sanay na naman na ang mga tao sa kanila dahil magulo at maingay sa kanilang lugar at isa pa walang pakialaman sa lugar namin. May sari sariling mundo ang mga tao dito.

"Pababa na po ako." Magalang na sagot niya at mabilis na pumasok sa banyo para maghilamos. Kailangan niya nang bilisan at baka tuluyang magalit sa kanya ang mama niya.

At pagnagalit ito ay maari na naman siya nitong saktan. Minsan nga ay sanay na ang katawan niya. Pero tiyak na kinabukasan ay sobrang sakit nang katawan niya.

Nang natapos siya na magayos ay bumaba agad siya.

"Bilisan mo Feira at baka mahuli na kami ng Papa mo." Her mother said. "Maglinis ka ng bahay bago ka pumasok sa trabaho mo. Kelan nga pala ang sahod mo? Aba't bigyan mo na kami ng pera na Papa mo?" Sila ang magulang ko, pero ako ang nagbibbigay ng pera sa kanila.

"Sa sabado raw po ang sahod namin Mama."Aniya sa kanyang Ina na busy kakalagay ng kung ano anong kolorete sa mukha.

Kahit ganyan sila sa akin ay may paggalang parin ako sa kanila. Dahil sila ang magulang ko at Lola Nita taugh me to respect others even they are not worth it. Ayaw niya masabihan ang Lola niya na masama ang pagpapalaki sa kanya nito.

"Mabuti naman kung ganon, ng makapamasyal naman kami ng Papa mo at stressed na kami sa trabaho namin." Sabi ni mama. Lagi naman silang namamasyal ni Papa. Knowing her parents hindi na naman siya nito isasama kahit na pera pa niya ang gastusin ng mga ito. That's okay to Feira at least she knew that her parents are having fun.

Kahit na gusto rin niya naman maranasan yung mamasyal sila ng buong pamilya niya. Imagine, pupunta kayo ng park, magpipicnic, magkwekwentuhan kayo. Ang kaso sa part niya malabo na mangyari ang mga ganon.

Mabilis siya natapos magluto at agad niya itong hinain sa lamesa at hinayaan na kumain ang kanyang Mama at Papa.

Umakyat si Feira sa pangalawang palapag ng kanilang bahay at saka pumasok sa kanyang kwarto at agad na nagbihis para pumasok na sa kanyang trabaho.

When I looked at my wrist watch, nakita niya na late na siya sa trabaho niya. Hindi man siya kinagagalitan ng manager ay nahihiya parin siya dahil pa ba na may special treatment sa kanya.

Mabuti na lamang at mabilis din siya nakarating sa café. My friend know the manager of this café kaya nakapagtrabaho ako ditto kahit na part timer lang.

Mababait ang mga kasama niya sa trabaho. Lahat ay palakaibigan kaya madali niya nakagaanan ng loob ang mga ito lalo na sina Ate Shaira at Kuya Levi.

"Good morning Ate Shai." She greet Ate Shaira, happily. Naghahanda ito ng ibang orders.

"Magandang umaga din Feira." Mabilis na bati nito saka siya nginitian. "Feira pakidala naman nito sa table 5 madami pa kasi akong order na aayusin." Nilibot ko ang paningin ko, tama nga ito madami nga ngayon na costumer, puno ang loob ng café.

Agad akong kumilos saka kinuha ang tray na naglalaman ng order. Gaya ng sabi nito ay dinala niya iyon sa table 5.

Nakakapagod man magtrabaho pero kailangan ni Feira kumayod para kahit papaano ay magkaroon siya ng ipon. Kasalukuyan kasi siyang nagaaral ng college, at proud siyang sabihin na graduating na siya ngayong taon.

Minsan gusto niya nang sumuko pero hindi niya magawa dahil iniisip ni Feira ang Lola niya. Kailangan siya nito dahil matanda na ito at hindi na kaya pa magtrabaho.

Nasa probinsya kasi ngayon ang abuela. Si Lola Nita ang nagpalaki sa kanya hindi ang mga magulang niya. Ang sabi sa kanya ng Lola niya limang taon daw ng iwan siya ng Mama at Papa niya. Wala naman daw ito sinabi basta nalang siyang inwan sa poder ng kanyang Lola.

Kaya ang Lola Nita niya ang nagpakahirap sa pagpapalaki sa kanya. Nagpakain, nagpakaaral, nagbihis, at gumabay sa kanya sa mahabang panahon. Ito na ang itinuring niyang pangalawang magulang niya. Pero binawi lang siya o mas masasabi pa niya na kinuha siya ng Mama at Papa niya sa Lola niya nung college na si Feira, sa pilitan pa iyon. Kahit ayaw ni Lola ay wala itong nagawa para pigilan sila Mama.

Buong akala ni Feira nung una kaya nila siya kinuha ay gusto nila na bumawi sa kanya dahil sa tagal nilang nawala.

Pero mali siya. Kinuha siya para magtrabaho. At ang kita niya ay sa kanila mapupunta. Pero hindi niya binibigay sa kanila ang lahat dahil nagaaral din siya. Wala may alam na may iba din siyang trabaho dahil ang alam lang ng parents niya ay sa café lang ang trabaho niya. May ipon din ang Lola niya na binigay sa kanya para sa pagaaral niya pero hindi niya iyon ginagamit. Itinabi niya iyon para kung may emergency man at may kailangan paggamitan ng pera ay may magagamit siya.

Wala naman binigay na pangpa-aral kay Feira ang parents niya. Pero ngayon na matanda na ang Lola niya pinaghinto na niya ito sa pagtitinda ng mga kakanin.

"Feira may naghahanap sayo yung kaibigan mo yata." sabi ng isa niyang kasama sa café.

"Sige palabas na ako. Salamat." Aniya.

Paglabas ay nakita niya Bella, ang nagiisa niyang bestfriend. 1st year college siya nang nakilala ni Feira si Bella at doon nagumpisa ang pagiging magkaibigan nila.

"Bella" Naabutan niya itong may tinitingnan sa cellphone. "Kanina ka pa ba?" tanong niya dito. Ayaw pa naman ng isa na'to ng pinagiintay.

"Nope. Kakarating ko lang din, ano tara na?" Aya nito. Agad kaming sumakay sa kotse na pagmamay-ari nila Bella.

After 20 minutes we arrive in our school- G. University.

Pagbaba namin ay pinagtitinginan kami ng ibang estudyante ng GU. Paano hindi sila pagtitinginan ng iba kasama niya si Bella. Sikat si Bella sa GU dahil sa pagiging mataray nito at lagi rin kasi itong lumalaban sa kung ano anong contest sa university.

Paakyat na sila nang biglang may humarang sa kanila. Ang 'The Bitches' na pinangungunahan ni Jessica.

Mangungulit na naman ang mga ito. Gusto kasi nang mga ito na mapabilang sa kanila si Bella, siguro para lalo sila mapansin ng mga kalalakihan at kainggitan ng mga kababaihan na hindi ko naman kinaiinggit sa kanila.

Bakit siya maiinggit kung puro ka-artehan lang naman ang ginagawa nila. Madami siyang kailangan gawin kesa ang ang pagtuonan sila ng pansin.

"Hey Bella! I want to invite you this afternoon.. we're having a party, come and join us." sabi ni Jessica habang tinitingnan ako nito mula ulo hanggang paa. Bitch. Pwede ba wag ako at iba na lang ang tarayan mo ngayon, wala ako sa mood para makipag-away.

Napairap na lang siya sa ginawa nitong pagsu-suri sa kanya.

"Sorry I'm busy with something. Maybe next time."Naka-ngiting sagot ni Bella. Sabay hatak sa kaniya halata rito na umiiwas ito na makaharap sila Jessica.

Nang makarating sila Feira sa silid nila ay konti palang ang tao. Humanap kami ng mauupuan namin at napili namin niya ang malapit sa bintana.

Pagupo nila, siya naman nang paguumpisa sa pagrereklamo ni Bella. Bella looked irritated.

"Mygosh kelan ba ako titigilan ng The Bitches nayon. Mukha ba akong bitch?! Alam ko na maganda ko pero hindi ako slut like them. Mga kulang sa atensyon. Hmp!"Reklamo ni Bella sa kaniya. Ang aga-aga kasi ito bubungad sa kaniya. Una palang naman kasi ayaw na daw nito talaga sumama sa mga 'yon o kahit mapabilang sa grupo na kinabibilangan nina Jessica. Pero sadyang makulit ang mga ito at hindi marunong umintindi.

"Bella hayaan mo na lang mga yon alam mo naman kung ano dahilan nila Jessica kung bakit sila lapit ng lapit sayo di'ba?"sabi ni Feira dito sabay tingin sa bintana.

Padami na ng padami ang dumadating na kaklase niya. Any minute ay maguumpisa na din kasi ang klase. Pero ito parin si Bella nakasibangot at halatang asar.

"Fei saan ka pupunta mamaya pagtapos ng class?" Pagba-bago nito sa usapan.

"Hmm.. sa bahay. Why?" Mukhang may naiisip na naman itong gawin.

"Tara sa bahay bonding tayo. Ang tagal na din kasi nung huling bonding natin." Sabi nito sabay harap sa kanya.

Sabi na nga ba may balak na naman ito. Pero pwede naman siguro gabi pa naman ang uwi ng Mama at Papa niya kaya puwede pa siyang pumunta kina Bella.

She smiled. "Okay…"sagot ni Feira na sya namang pagdating ng Prof kaya nag concentrate nalang sila ni Bella sa klase nila.

When the cock stikes at 3 pm their class ended. Mabilis lang natapos ang klase nila at agad silang dumeretso sa bahay nila Bella.

Mayroong sariling kumpanya sila Bella. Kaya wag na kayong magtaka kung malaki ang bahay nila. Well sabi nito sa'kin noon ay pangatlo sila na mayayaman sa bansa.

Wala naman akong paki alam kung mayaman man sila o mahirap basta bestfriend niya ito. Wala naman magbabago doon. Saka never din naman nila tinuring ang isa't isa na iba.

Ganon naman talaga di'ba?

Kaibigan mo yung isang tao because there's a spot in our heart that will never belong to someone else but to your bestfriend only.

And also friendship isn't about who have known the longest. It's about who truly cares about you and never left your side.

When I looked at my best friend, I see her doing something in her phone. Maybe texting someone. She doesn't want to ask because she want to give Bella privacy.

"Feira di'ba matagal ko na nasabi sayo yung tungkol sa kapatid ko na nag-aaral sa ibang bansa?" Bella asked me out of nowhere.

Yup matagal ko nang alam yung tungkol sa kapatid niya na si Carter?…Carson….Claaa…. ano ulit pangalan niyon nakalimutan ko na.

"Yep. Why?" Sagot ko dito. Bakit kaya nito natanong iyon. Actually hindi lang nito basta kapatid 'yon kasi kakambal iyon ni Bella.

May nangyare kaya na masama ditto kaya bigla na lang nito naitanong sa kaniya?

"Ngayon kasi dating ni Clay. At sabi sakin ni Mom nasa bahay na daw sila kasama yung dalawang kaibigan ni Kuya Clay." What?? Nakakahiya naman yatang pumunta doon. Lalo na at may bisita pala kambal nito.

"Ganon ba. Sige puwede naman natin tuloy bonding natin, next time." Sabi ni Feira. Naiintindihan naman niya kung hindi sila matuloy ngayon. May ibang araw pa naman.

"Sure ka?" sabi nito sabay titig sa akin. "Pwede ka naman samin kahit nanduon yung mga kaibigan ni Kuya Clay." Pilit niya sa akin. I know kaso nakakahiya paren.

Welcome naman siya sa bahay nila Bella pero iba parin lalo na't hindi niya kilala ang mga kaibigan ng kambal nito.

"Its okay Bella. Nakakahiya, siguro ay sa susunod na lang.. Pababa nalang ako dyan sa kanto nang hindi kayo mahirapan ng driver mo, malapit naman na yung bahay namin diyan." Sabi ni Feira dito at mukang nakumbinsi naman niya si Bella dahil pinababa siya nito sa kanto na itinuro niya. "Thanks Bella. See you tomorrow" sabay tingin sa driver "Kuya ingat po kayo. Ingat Bella, love you." She said and kissed her cheecks as a goodbye.

"Ingat. Love you too, Fei. Bye bye." Paalam nito bago itaas ang bintana ng sasakyan.

Inintay muna niya na makalayo ang sasakyan nang kaibigan niya bago magumpisa na maglakad pauwi sa kanila.

Nakasalubong niya ang isa sa mga kapitbahay nila na si Aling Susan na masama ang timpla nang mukha. May katandaan na ang itsura nito at halata ang pagkamasungit dahil sa lagging nakataas ang maninipis na kilay nito na hindi naman pantay.

"Hoy Feira! Nasaan na naman ang mga magulang mo. Aba, nung isang araw umutang sa akin ang Mama mo nang limang libo at ngayon ang araw ang nakatakda na magbabayad siya. Pero masyado magaling ang Mama at Papa mo sa pagtatago at hindi ko maabut abutan sa inyo." Mahabang sabi nito sa kanya habang nakapamewang sa harapan niya.

Pinagtitinginan na sila ng ibang tao dahil sa lakas ng boses ng matanda. Wala naman siyang alam sa mga utang nang magulang niya, kaya minsan ay nagugulat na lang siya at sinisingil siya ng mga kapitbahay nila dahil sa mga hiram na pera ng Mama at Papa niya.

"Ho? Hindi ko po alam na may utang sa inyo si Mama. Hayaan mo ho Aling Susan malapit na ang sweldo ko maari akong maghulog sa iyo kahit na dalawang libo lang at sa susunod na ang tatlong libo." She says.

Pero sadyang matigas ang matanda at hindi pumayag sa sinabi niya.

"Naku hindi maari. Ilang lingo na akong pinagtataguan ng mga magulang mo kaya kahit 1,500 lang ay bigyan mo ako ngayon." Anito sa kanya at nilahad pa ang kulubot na kamay.

Dahil ayaw na rin niya tumagal at humaba pa ang usapan dahil pinagtitinginan at nakakahakot na sila ng atensyon ng mga dumadaan ay kinuha niya ang pitaka niya at kinuha ang natitirang pera na swineldo pa niya nung nakaraan. Inabot niya ang tatlong limang daan na buo.

"Ayan! Mabuti na lang at madali kang kausap. Sabihin mo sa Mama mo na hindi na siya makakaulit sa'kin." Sabi ng matanda saka ngumiti sa kaniya ng malaki. Halata sa mukha nito ang kasiyahan nang matanggap nito ang pera.

She tooked a deep breath. Ang dapat na panggastos niya ngayon lingo ay naibigay na niya lahat kay Aling Susana. Mukhang kailangan muna niya kumuha sa tinabi niyang pera. At sana lang din ay ito na ang huling utang na babayaran niya dahil hindi naman niya alam kung saan ginagamit ng mga magulang niya ang pera dahil malaki naman ang sweldo ng mga ito.

Next chapter