webnovel

BUMP #2

Ang ganda ng umaga , habang sumisikat ang araw ang mga estudyante tulad ko hinahanap ang classroom nila. Oo , nasa school ako ngayon at syempre unang araw sa klase , kailangan kong hanapin ang classroom o section kung saan ako nabibilang.

Umakyat ako sa 3 storey building kung saan sinasabi ng mga nakakasalamuha ko na iyon daw ang grade 10 building, transferee kasi ako dito , nagtataka siguro kayo , wala lang , trip kasi namin ni Tria na palipat-lipat ng school kahit medyo malayo ito sa amin. Speaking of Tria , saan na ba siya? Lumingon-lingon ako sa likuran at gilid ko baka makikita ko siya , duh whatever makikita ko pa naman siya mamaya.

Pansin ko lang ang cute ng kulay ng pintura ng building na ito , kulay dark blue pero hindi naman namumukhang madumi dahil ang ang linis ng paligid at saka walang nagvavandalize sa pader nito.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway , grabe pati pinto kulay blue pero mas dark nga lang ang kulay at meron pa pati floor na gawa sa tiles may pagkablue din ang kulay . So bale , base sa nakikita ko ngayon ang buong building na ito ay kulay blue , wala ka talagang makikitang ano mang bakas ng ibang kulay , well hindi ko pa naman nakita ang loob ng mga classroom hindi ko pa masasabe yan.

Nasobrahan yata ang pagka-amaze ko dito , ang bagal ko kasing maglakad. Hindi ko tuloy nakita ang classroom ko.

"May!!" Sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae sa likuran ko . Then I realize who she is , Omg Tria ang lakas ng boses mo. Halatang ang layo niya sa akin at makatawag siya wagas parang kami lang dito ang naglalakad sa hallway.

Hindi ko siya nilingon , nakakahiya kasi nag si tinginan ang ibang estudyante kung sino ang tinawag. Tria kasi naman oh , bahala siya diyan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nang biglang "May!" Tinawag na naman niya ko. Pero iba na ngayon para ng kampana dahil lumakas pa kasi ang sigaw nito. Balak ba niya ako ipahiya.

Wala na yata akong pagpipilian kundi linungin siya , bahala na si flash itakas ako dito. Napapikit akong lumingon sa likod nakakahiya naman kasi , nang biglang , OUCH!!! , may bumangga sa akin. Siya na ba si flash?ambilis naman , syempre flash nga diba .

Nararamdaman kong may humawak sa ulo ko at ang sakit ng likod at bewang ko. Teka si flash ba talaga ito , bakit ang sakit ng likod at bewang ko. Binuksan ko ang mata ko syempre hindi naman ako si belle na maghihintay ng true love kiss para gumising.

Marami akong nakitang paa tiningnan ko ang ibabaw nakatingin sila sa akin , with worry face and others smiling at me. Nakakahiya , natumba pala ako at nakahiga na ngayon , akala ko pa naman ligtas na ako sa kahihiyan. At teka sinong humahawak sa likod ng ulo ko ngayon , hindi naman pwede na ang kamay ko kasi naka cross ito sa harapan ko. So I turn my face in front of me , then I see a boy looking at me and catching his breath. Wow napa-english talaga ako. Pero sana wow din tong nakikita ko ngayon , ikaw pa namang natumba na may lalaki sa ibabaw mo. Siguro ok lang kung crush ko ito. Kainis!. Tiningnan ko siya ng masama , gusto ko sana siyang itulak gamit ang kamay ko kaya lang "Ouch" hindi pa pala gumagaling ang kanang balikat ko. "Pwede bang umalis ka diyan!" Sigaw ko sa kanya.

Nagulat siya at natarantang bumangon at umalis sa harapan ko , bumangon na rin ako. "Sorry miss , tumatakbo kasi ako at bigla ka lumingon , kaya ganon ang nangyari" sabi niya at makikita naman sa mukha niya na sincere siya. Mabuti namang marunong itong humingi ng tawad , hindi tulad ng bumunggo sa akin kagabi sa daan.

"Eh bakit ka tumakbo dito sa gitna ng hallway? hindi mo ba nakikita na maraming tao ang naglalakad dito." Sabi ko sa kanya ng mahinahon.

"Eh sorry na nga diba , nagmamadali kasi ako!" Sigaw niya at parang galit. Siya pa talagang galit. Ehh siya nga ang bumunggo sa akin.

"Nagmamadali ka pala , bakit hindi ka sumigaw na nagmamadali ka , para hindi pa nangyari ito" sabi ko sa kanya ng mahinahon parin.

"Nagpapatawa ka ba?" Sabi niya na para bang nag-aapoy na ang mukha niya. Oops galit na yata siya. Hindi na ako sumagot pa , baka ano pang gawin sa akin kung sasagot pa ako.

"O bakit hindi ka makasagot sa akin ngayon , mabuti nga hinawakan ko pa ang ulo mo nung natumba tayo , kung hindi masakit na ang ulo mo ngayon. " so kasalanan ko pa ngayon. Kung masakit man ang ulo ko ngayon kasalanan naman parin niya. Nakakainis!! , hindi ko na lang siya sinagot ulit para matapos na.

"May , halika na baka puntahan pa tayo ng principal dito , mahirap na" sabi ni Tria. Hindi ko napansin na nandiyan na pala siya sa tabi ko.

"Mabuti pa nga , baka sasabog pa tong isang lalaking nasa harap ko" sabi ko sabay ayos sa bag. Tiningnan ko ng masama ang lalaking sumira na umaga ko at saka umalis. Nakakainis talaga siya.

Lumakad kami ni Tria ng walang imik , pansin kong may tumitingin parin sa akin. Nakakahiya talaga to , first day ko sa school at transferee pa ako dito , tapos nanggulo na ako.

"May , sorry sa nangyari kanina kung hindi kita tinawag ng tinawag ng malakas hindi sana nangyari itong lahat" sincere na apology ni Tria na nasa tabi ko lang. Magagalit na sana ako sa kanya , pero nangyari na eh kaya wala na akong magagawa.

"Naku ok lang Tria , wala na tayong magagawa sa nangyari , hindi natin alam may dahilan at mabuting mararating pala ang mga nangyari , kaya ok lang ako promise" sabi ko sa kanya saka ngumiti , ngumiti rin siya sa akin. Pero baka nga may mabuting patutungohan ang lahat ng ito.

"Basta babawi ako mamaya , elilibre kita ng recess promise ko yan" sabi ni Tria na nakangiti. Yan ang gusto ko sa kanya tuwing pasukan , nanlilibre ng recess.

"Ikaw bahala , walang bawian ha"

"Ako pa."

Next chapter