1 STRANGER 1

CHAPTER 1: Meet

~

Scarlet's POV

Naglalakad ako ngayon sa madilim na hallway na kung saan ilaw lang ang nagpapaliwanag dito.

May mangilan ngilan na ring istudyanteng pumapasok. Maaga pa naman. Siguro ay dadaan muna ako sa Cofee Shop.

Naglakad ako paliko at masasabi kong marami pa rin talagang mga taong walang awa o walang magawa sa buhay kundi ang guluhin ang buhay ng iba.

Nagtuloy tuloy lang ako hanggang sa makaupo na sa upuan. Well, as always. Coffee pa rin talaga ang iinumin ko para hindi antukin pag nagturo si Prof. Sijey.

Nang matapos ay dumiretso na ako at naglakad muli. Masasamang tingin ang ipinukol ng iba saakin habang naglalakad dito sa tahimik na hallway.

Hindi alintana sa mga mata nilang galit na galit na akala mo'y maginawa akong kasalanan sa kanila. Ni isa ay walang nagtangkang gumalaw at pinaglaanan pa ng tingin saakin.

Sa hindi maipaliwanag na kagagahan na ginawa ko. May nabangga akong lalaking hindi ko naman nakita sa may harapan ko. Nahulog lahat ng gamit niya at dali daling pinulot ko ito.

"I-I'm sorry."

"Look what you've done!" Galit na sabi niya. "Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo. 'Wag mong titigan ang mukha ko. Tch."

Nilingon ko siya at sinalubong ang mga titig niya. Mas makapal ka pa sa mga libro.

"Ang kapal naman ng mukha mo kung gwapo ka?"

"I didn't say anything."

Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao sa paligilid at the same time pinagbubulungan na. Mukhang ako na naman ang masama para sakanila.

Alam niyo yung feeling na wala kayong ginagawang masama tapos ikaw pa magmumukhang mali.

At dahil sa umiiwas ako sa gulo. Ako na ang unang lumayo at naglakad paalis.

"Hanggang dun nalang ba kaya mo?" Salita niya ulit. Nang aasar ba siya o nanghahamon ng away? "Aalis kana lang ba ng hindi tayo-"

Pinigilan ko siya sa mga dapat niyang sabihin. Alam ko kung saan papatunguha to. "Tayo? Nagpapatawa ka ba? Eh ngayon nga lang kita nakilala, and one more thing? Pumapatol ka ba talaga sa babae?"

"Look, ang bastos ng ugali ng babaeng yan."

"Kay bago bagong pasok, ganyan agad ang pinapakita niya."

"Kilala ba niya kung sino ang kinakalaban niya?"

"Hell no! Ikaw na nga ang mali ikaw pa ang galit, ikaw na nga nakabangga ikaw pa aalis -"

Pinigilan kong muli siya at nagsalita bago umalis ng tuluyan. "Asshole, GAY!"

Nakaupo ako ngayon sa sarili kong upuan at hinihintay ng pumasok ang Prof. namen.

Naboboring na ako dito oh tapos wala pa siya. Tapos ang sama pa ng tingin sakin ng mga kaklase ko.

"Class, settle down!" Boses mula sa pinto ang nagpatahimik sa lahat. "You have your new classmate, and he's parents are founder of this school."

So, lalaki pala. Whatever. Walang may pake sa background niya. Nang makapasok ang bago naming kaklase. Laking gulat ko ng lalaking 'yon ang nakabanggaan ko kanina. Seriously? Kaklase ko siya?

Napadako ang tingin niya sakin at parang walang makikitang emosyon doon. Ang pangit mo.

Lumingon lingon pa siya kung may mauupuan sa harap hanggang sa may bakanteng upuan pa pala sa tabi ko.

"Andrius Smith, please sit beside to Miss Scarlet Last."

"What?" sabay naming sabi ng lalaking nasa harapan at sabay din kaming lumingon sa isa't isa. May konting kirot akong naramdaman sa tinginang 'yon.

Pakiramdam ko nangyari na 'to, pakiramdam ko naulit lang 'to. Anong nangyayari? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Umupo siya sa tabi ko at gaya nga ng inaasahan pinagbubulungan na naman ako ng mga kaklase ko.

"Are you okay?" tanong ng nasa katabi ko. Kinakausap ba niya ako? Ba't parang concern pa siya sa akin?

Ngumiti lang ako ng mapait sakanya para mawala ang pag-aalala niya. Kung nag-aalala man siya.

Nagtuloy-tuloy lang ang klase hanggang maghapon hanggang sa uwian na. Mabilis pa sa orasan kung gumalaw ako para makauwi lang ng maaga, marami pa akong aasikasuhin sa bahay.

"Ma, nandito na po ako."

"Mabuti't nakauwi kana." ani ni mama. Naabutan ko kasing nagluluto siya. "Halika at tikman mo 'to."

"Ako na po ang magluluto."

"Hindi, ayos lang."

"Magpahinga na po kayo at ako na ang gagawa."

Wala ng nagawa si mama at umupo nalang sa sofa. May sakit si mama, hindi ko alam kung ano yun. Hindi naman niya sinasabi sa akin. Hindi ko na tinatanong ang mga bagay na 'yon dahil paniguradong magagalit siya sa 'kin.

Dakilang mabait naman ako sa Bahay, kapag nand'yan si mama. Kabaliktaran naman kapag nasa school ako.

Nang matapos na ang ginagawa dumiretso na ako sa hapag kainan at inayos ang lahat. Tinawag ko na rin si mama.

"Kamusta naman ang unang araw mo sa klase?" tanong ni mama. "Ayos lang ba? May nang-away ba sa'yo?"

"W-Wala po."

'Actually ganun pa rin. Walang pinagbago sa dating pinapasukan ko. Ang nagbago lang ay ang mga tao. Walang pinagbago sa mga ugali, mga panglalait, at mga taong humuhusga sa pagkatao ko.'

Mabilis lang kaming kumain ni mama at nahiga na. Bukas ay pangalawang araw na papasukan ko ang paaralang 'yon.

Akala ko pa naman nung una may mababago sa bago kong nilipatan pero wala naman pala. Umasa ako sa wala. Dapat pala sinunod ko ang mga guidelines nila.

"Don't assume too much."

Alam ko namang bawal pero bakit ba? Masama bang mangarap? Hindi naman. Mabilis lang din ako nakatulog kagabi at nagising din agad.

Maaga din akong nagluto at umalis ng Bahay para libutin ang school na 'yon.

Hindi naman pala ganun kahirap tandaan, mas madali pa 'to sa inaakala ko.

"Boom!"

"Ay, anak ni Inday." malakas na bulalas ko dahil sa pagkabigla. Nilingon ko ang taong gumulat sa 'kin.

"It seems your new here, right?"

Matangkad, messy black hair, naka salamin at Cute. Wait what? Cute! Hell no!

"Alam kong Gwapo ako miss pero 'wag mo naman akong titigan ng ganiyan."

Ano raw po?

"Alam ko namang mahangin ka, bakit ako maniniwala sa 'yo?" Pagtataray ko. "May ebidensiya ka bang gwapo ka? And one more thing, saan ba banda sa mukha mo? Sa pimples mo?"

Nakita ko namang namula ang mga tenga niya, so cute talaga. Baka may girlfriend 'to mapagsabihan pa akong mang-aagaw. Tss!

"Cute!"

"Thanks!" aniya. Ang dapat sa isip ko lang sasabihin na sabi ko na pala at ako tong si gaga nasabi ko nalang bigla. "See you around."

Pagkatapos n'on, nagpatuloy lang ako sa paglalakad at paglilibot dito hanggang sa may makabangga na naman ako. Take note sa library pa talaga.

Tiningnan ko ang lalaking nakabangga ko at, "Ikaw na naman!" sabay naming sabi. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa lakas ng pagkasabi ko.

"Look oh, kahapon si Andrius lang, ngayon si Alfred naman. Grabeng kalandian naman ng babaeng yan."

"Hayaan mo 'yan."

Hindi nila alam na naririnig ko ang masasakit na sinasabi nila sa 'kin. Hindi ako pinalaki ng Nanay ko para lang lumandi. Tss!

Hinayaan ko nalang ang mga sinasabi nila at dumiretso sa Library. May kailangan akong hanapin ngayon dahil may pinapagawa na naman si Prof. Raze. Kahapon ang daming sinabi wala namang pumasok sa utak ko, tapos may ipapagawa.

Kung ako lang ang masusunod kahit wag na siya magturo. As in kahit 'wag na talaga. Mas matutuwa pa ako. Nang mahanap ko ang hinahanap ay umupo agad ako. May nakita akong naupo sa may harapan ko, hindi ko na lamang pinansin. Paniguradong isa sa mga basher ko 'yan.

"Hey." salita ng nasa harapan ko ngayon. medyo husky voice siya. "Did you hear me?"

Nilingon ko 'to at laking gulat na siya na naman. Kanina pa 'to ah. Nakakailang beses na ba 'tong nakikita ko 'to.

Always Remember, it's Coincidence. Hindi naman natin hawak ang buhay ng ibang tao para makipagkita sa mga taong katulad ne 'tong nasa harapan ko.

"What's your name?" tanong niya. "Alfred Flavios nga pala."

"Scarlet Last." atsaka nakipag shakehands sakan'ya. "Nice to meet you."

"Nice to meet you too, Miss Last."

avataravatar