1 Ms. Sablay!

Humahangos na umaakyat ng baitang ng hagdan ng escalator ng MRT si Layla . "Ano ba naman bakit parang mas mabilis pa ang pag hakbang ko kesa pag usad ng escalator na 'to ". Bulong ng dalaga sa sarili . Inisip nyang akyatin nalang ang matarik na escalator ng istasyon ng MRT na yun para makahabol sa paparating na tren. Narating din nya ang dulo ng baitang ng escalator na halos liparin nya sa kanyang pag hakbang. "sorry guys , excuse me! " habang isinisik sik nyang pilit Ang katawan sa pagitan ng mga nakatayong tao sa harap ng rail track ng train . Saktong dumating na ang tren , dito na ulit nag simula ang kalbaryo ng dalaga na halos araw araw eto ang kailangan nyang suungin . Halos mag a ala siete lang umaga pero parang alas nueve na sa dami ng pasahero na naghihintay na hindi mahulugan ng karayom sa dami . Hindi n'a halos naka hakbang ang dalaga sa loob na bahagi ng tren dahil pag pasok palang sa pintuan ay halos parang sardinas na ang mga tao sa loob. Pinilit nalang nya isiksik ang sarili sa nakitang puwang sa gilid na malapit sa pinto . " Excuse me! " sabay halukipkip sa dala nyang bag para di maka istorbo . Naruon maamoy mo ang pabango ng katabi mo na pasahero , paglingon sa kanan halos tumutulo pa ang buhok ng babae na nakatayo sa gilid nya marahil siguro sa pagmamadali na makasakay kaya halos hindi na nagawa nito mapatuyo ang buhok . Hirap talaga ang mag commute dibale makaipon lang ako medyo giginhawa na siguro ang pagbiyahe ko bibili ako ng sarili kong sasakyan . Nanginngise na isip ng dalaga . Sa kabilang bahagi ng isip nya may nagsabi na Secretary lang trabaho mo pinag aaral mo pa dalawa mong kapatid nangarap ka na naman ng gising! Bumalik sa realidad ng. buhay ang isip ng dalaga . Oo nga! nabaliw na naman ako . Hindi na namalayan ng dalaga na huminto na sa istasyon kung saan sya bababa. pagbukas na pagbukas ng pinto at nakalabas sya saka sya huminga ng malalim para bang nabunutan sya ng tinik dahil sa halos hindi na makahinga sa loob ng tren. Nag simula na sya maglakad papunta sa opisina nila . Isa sa pinaka malaking gusali sa lungsod ng Makati ang pina pasukan ng dalaga .Napakaraming empleyado nito. Pati ang elevator nito halos araw araw ay punuan. Hindi nag tagal ang pag hihintay nya sa pila sa harap ng elevator at nakapasok na rin sya . "Ems , alam mo na ! 9 floor "! sabay kindat sa elevator girl araw araw ay kabatian nya na. " Layla hindi yata makulay ang mundo mo ngayon ?! " pa ngiti na tanong ng babae . Napakunot ang nuo ng dalaga " What do you mean?! " takang tanong nya . " hehehe , wala ka lipstick maputla ka !. " Sagot sa tanong ng dalaga . Naalala nya nag mamadali pala siya kanina at kaya halos face powder lang at suklay sa basa niyang buhok ang nagawa nya . Hinanap nyang pilit sa loob ng bag nya ang favorite color nyang lipstick na Nude Pink bagay kasi ito sa skin complexion nya na medyo pinkish . Sabay sabay na bumaba ang mga empleyado sa 6th floor na halos sya nalang ang natira at ang dalawa pa bukod kay ate girl na elevator staff . Ayan medyo maluwag na sa isip ng dalaga. Kahit walang salamin ay pilit nyang nilagay ang lipstick na hawak sa kanyang mga labi . Sabay hinto ng elevator at may pumasok na dalawang empleyado na nag harutan . Nasagi sya ng isa na dahilan para sumablay ang linya ng lipstick nya . "Ay ano ba ?! " medyo inis na sabi ng dalaga . "sorry ! " agad hingi ng paumanhin ng dalawa . Nauna na ang mga ito na lumabas at sumunod sya . Biglang tumunog ang kanyang cellphone si Nadia ang ka officemate nya " hoy girl ! saan ka na kala ko eh ngayon ka na papasok ?! mainit ulo ni Sir Brutos , ( Brutos kung tawagin nila ang kanilang Head writer sa kanilang company dahil lagi ito naka singhal at pagalit ) ." Oo nandyan nako naglalakad na kakalabas ko lang ng elevator ". Habang busy ang dalaga sa pag tingin sa loob ng bag at hinahanap nya ang kanyang face mirror para tignan pantay ba ang paglagay ng lipstick nya . Nasa kabilang linya parin ang ka officemate nyang si Nadia at tinatanong nya Kung saan bahagi ba ang gall bladder . " Girl saan ba ang gall bladder? kanan ba or kaliwa ? kasi diba Ang excuse ko kaya two days ako hindi nakapasok kasi sumakit yung gall bladder ko dahil sa gall stone." Bigla napaaray si Layla nabangga nya ang isang lalaki na nag lalakad paliko sa pasilyo na hindi nya namalayan .Bumagsak ang lagyanan nya ng make up kit. " Naku nadurog ang face powder ko nito". pa piksi na bulong ng dalaga . Agad naman sya tinulungan ng lalaki na nakabangga sa kanya . "Hindi ka naman kasi tumitingin " medyo inis ang boses ng dalaga . "I'm really sorry, miss ! I didn't mean " Hindi pa tapos yung lalaki ay sumagot na Ang dalaga " I didn't mean ka pa dyan ang laki laki ng espasyo eh nabangga mo pa ako ". Napakunot ang nuo ng lalaki marahil hindi naintindihan ang tinuran ng dalaga. Napakunot na medyo na pangiti ito na halos pinipigilan ang sarili na matawa . Lalo syang nainis . Agad syang dumiretso sa pintuan ng opisina nila . Sinalubong sya agad ng officemate na si Nadia . "Hoy bruha tagal mo may latest chika ako sayo " halatado na excited eto sa pagbalita. "Yung apo daw ng may ari ng company na to pansamantala mag manage ng business ng lolo nya habang nasa Pinas balita ko sobrang guwapo daw at binata . " papikit pikit pa na turan nito sa dalaga . "O eh ano naman! ano expect mo dun syempre kasing sungit din ni Brutos yun" . Halatang hindi interesado ang dalaga sa kuwento ng kaibigan .

" Ms . Manalo , you're here ! Mr. Viktor would like to see you , " Pautos na sabi ng amo ng dalaga . Taka ang dalaga sino si Mr. Viktor . Pag pasok nila sa kuwarto kung saan nandun si Mr. Van nagulat sya kung sino ito . Ang lalaking naka bangga nya kanina . Napalunok ang dalaga " Patay katapusan ng career ko ! " bulong sa isip ng dalaga .

" Mr. Viktor , i would like to introduce to you one of our staff that you requested to see Ms Layla Manalo " . Seryosong pananalita ng Head writer .

" Good morning Ms Manalo ! Nice to meet you ! " A- a eh Good morning Sir ! Nice to meet you as well I- - - i -- would like-- to ... " kinakabahan at kanda utal ang dalaga sa pag sasalita . " Ms. Manalo you should speak properly as Mr . Viktor personally requested you to become his personal assistant . Are you sure Mr. Viktor that its her you would like to assist you and guide you while you are here? Because we have lots of competitive staff here that better than her " . medyo may pagtataka sa tanong ni Mr. Brutos .

"Yes, there will be no problem !" .Diretso na turan ng binata . Nakatingin si Layla kay Mr. Brutos at pabulong na tanong nito " Sir bakit ako? wag ako hindi ako magaling sa Englisan sige na . " Pakiusap sa tono ng boses ng dalaga. " Aba eh malay ko , ikaw ang ni request taka nga ako bakit? eh baka ipahiya mo lang ako . Di ko alam bakit alam pangalan mo , nagkakilala na ba kayo? " . medyo may inis sa boses ni Mr. Brutos .

" By the way Ms. Manalo you will be my personal assistant and secretary at the same time . " E--eeh ow kay sir " nahihiyang turan ng dalaga .

" Ms. Manalo no need for you to pressure yourself to speak in English Mr . Viktor understand Tagalog language he is just having difficulties to speak but he understand everything ". dagdag na paliwanag ng head writer . " So I let you guys for the meantime , excuse me Sir !". paalam ng lalaki at iniwan ang dalawa .

" Sir , I---m really sorry earlier I didn't mean to...--- " . may hiya sa tono ng boses ng dalaga .

" It's alright ! By the way I got your business card when you drop your stuff on the floor and try to help you to pick up your things . So starting tomorrow you will work for me , you can leave now ". seryosong turan ng binata .

Akmang tatalikod na si Layla at nag paalam sa binata " Excuse me sir". " By the way the gall bladder is in the right side of our upper stomach in case you don't know ". Nag init na halos mukha ng dalaga at agad syang lumabas at dumiretso sa rest room pag pasok ng palikuran agad nyang tinapik ang mukha at sinabi sa sarili " Sablay sablay ka girl ! Bakit di mo man lang naisip na amo mo sya ! Hay naku naman kasi " . Medyo yamot sa boses ng dalaga . Humarap sya sa salamin para tignan ang sarili , lalo syang pinamulahan ng mukha ng malaman na yung lipstick na nilagay nya ay wala sa linya ng labi nya nakalagpas . Naalala nya ang pigil na pag ngiti ni Mr. Viktor nang tignan ang mukha nya . Lalo nadagdagan ang hiya nya at inis na binura ang lipstick sa labi nya . " Hay naku nakakainis talaga sablay ka girl ! ". Dismayadong turan nito sa sarili .

avataravatar
Next chapter