Webnovel

1 BLOOM! 1

"Alam mo, matagal ko ng gustong kausapin ka ng personal. Kaya nagpapasalamat ako na nabasa mo ang sulat ko at nakipagpakita ka sa akin."

Hindi man ito tumugon sa kanyang sinabi. Nakatalikod lamang ito at hindi niya masyado kita ang kabuuan nito dahil masyadong madilim. Malapit na kasi gumabi dahil sa practice sa gagawing event ng kanilang school.

Matagal na niya itong gusto, kaya ng kumuha siya ng lakas ng loob na sumulat rito at gusto niyang magpakita at makausap ito. Kaya naman laking tuwa niya ng tumugon ito sa kanyang sulat at heto na silang dalawa ngayon.

Kinakabahan siya sa nangyayari ngayon pero laking tuwa niya dahil masasabi na rin niya sa wakas ang kanyang nararamdaman para rito. At kahit ano man ang mangyari sa desisyon nito ay tatanggapin niya ng buong puso.

"A-alam mo kasi... gu-gusto na kita noon pa man. Ma-matagal ko na gusto sabihin ito sa iyo kaya naman, ku-kung may pagkakataon man ako...sana tanggapin mo."

Pero hindi ito sumagot. Bakit kaya? Nakapagtataka? Hindi ba nito nagustuhan ang sinabi niya?

O baka naman, wala itong gusto sa kanya.

"Um..." Lumapit siya rito at hinawakan ang balikat nito ng biglang lumiwanag ang lugar at mayroon na siyang naririnig na mga halakhak.

Sobrang gulat na gulat siya sa pangyayaring ito. Inilibot niya ang paningin. Bakit nandito ang mga kaklase niya?

Nagulantang siya sa kanyang mga nakita at sa mga tawanan ng mga tao nakapaligid sa kanya.

Pati ang kanyang bestfriend niya na pinagkakatiwalaan niya ay walang labis na tawa ang ibinigay nito sa kanya.

Sobrang hiyang-hiya siya sa kanyang sarili at parang nilalamon na siya ng dilim. Kaya kumaripas siya ng takbo.

Takbo lang siya ng takbo. Gusto niyang makalayo sa kahihiyan na nangyari sa kanya.

Hindi siya masamang tao, pero bakit ginawa ito sa kanya?

Bakit?

Bakit?

"Bakit? Bakit...Bakit?!!"

Sa kakapumigligas niya ay bigla siyang nahulog sa kanyang kama at nauntog ang kanyang noo.

"Augh... aray ko..." Napasapo siya sa kanyang noo dahil sa sakit. Ganito na naman ang napapanaghinipan niya. Ilang taon na ang nakalipas ay paminsan-minsan ay paulit-ulit lang na scenario ang napapanaghinipan niya.

Bigla siyang bumangon at pumunta sa kanyang study desk. Binuksan niya agad ang kanyang computer at binuksan ang isang game app.

"Good morning, my beloved, Charlotte. Did you dreamed of me last night?"

"Kyah... Good morning din sa iyo, Sora." Biglang nawala ang kanyang lungkot ng maaninag niya ang pinakamamahal niyang "boyfriend". Mabuti pa ito, hindi siya iniiwan at walang araw na hindi siya nito binibigyang kilig at ngiti sa kanya buong araw.

"Actually, hindi eh. Binangungot nga ako. Pero, huwag kang mag-alala, nakita na rin naman kita araw-araw and I assure you my hubby, Sora, I will dream with you tonight!"

Nakikipaglaro siya sa kanyang pinakamamahal na Sora. Sobrang tuwa niya at kinikilig sa mga pinapakita nito sa kanya. Parang gusto niyang makasama ito buong araw.

"Sora, I will kiss you. May I?" Type niya sa kanyang keeboard.

"Kiss me, Charlotte." Reply nito at pumikit na para halikan niya.

"Ready? 3, 2, 1, muuuww.... ---"

"Hoy, piglet! Hanggang anong oras ka pa lulugmok ditto sa lungga mo?! Para kang baliw diyan kakanguso at kaka-I lab you sa kengkoy mong malaking mata!"

Na-delay ang lips to lips ng kanyang hubby Sora ng pumasok ang kanyang magaling na kuya sa kanyang kwarto.

Naiinis siya rito dahil parang ito pa ang kontrabida sa pagmamahalan ng kanyang hubby Sora.

"Wala kang pakialam! Nagmamahalan kaming dalawa ni Sora!" Sigaw niya rito.

"Sora-hin mong mukha mo! Kanina pa ako naghihintay sa baba! Bilisan mo diyan dahil malapit na tayo magbubukas. Maghahanda ka pa sa mga lulutuin!" Hindi na siya nito hinintay pa na sumagot at umalis na ito.

"Opo! Baba na!"

-------------

Nagpaalam na siya sa virtual boyfriend niya at in-off ang computer. Sinuklay niya ang kanyang buhok dahil baka pagkababa niya at makita siya ng kanyang kuya, sasabihan na naman siya nitong piglet na, multo pa.

Hindi naman siya ganito noon. Bata pa lamang siya, masyado siyang spoiled sa kanyang mga magulang pati sa kanyang kuya. Masayahin siya at malambing. Sabi din sa kanya, masyado daw siyang mahinhin. Parang lady-like. Mahilig siya sa mga damit na pang prinsesa, pink ang paborito niyang kulay, mahaba ang buhok at palaging inaayusan gaya ng mga paborito niyang mga prinsesa na nakikita niya sa mga pelikula. Nasa kanya na lahat.

Pero, sa isang iglap lang noong high school student na siya, nagbago ang lahat. Ayaw na niya ng mga magagarang damit lalong lalo na masyadong pambabae, ayaw na rin niya ng mga koloreteng sa mukha, ayaw na niyang inaayusan ang kanyang buhok and worst of all, ayaw na niya makipaghalubilo sa iba at nagkukulong na lang sa kanyang kwarto buong araw. Hindi niya masabi sa kanyang mga magulang lalong lalo na sa kanyang kuya kung anong nangyari sa kanya dahil wala siyang lakas ng loob para sabihin lahat. Nilalamon siya ng hiya, takot at depresyon. Ang gusto na lang niya ay mapagisa.

Pero nag-iba ng makita niya sa internet ang makapagpangiti sa kanya. It was a online otome game. Sa ganda at parang totoong tao ang nakakausap niya ay bigla siyang na-hook rito. Dahil nasasabi niya kung ano ang kanyang saloobin at binibigyan siya naman nito ng mga magagandang advise. "Sora" ang pangalan ng kanyang virtual boyfriend. Ito lang ang kanyang nakakausap at nasasabihan kung ano man ang gusto niyang sabihin. Parang ito pa ang nakaintindi sa kanya at pinapasaya siya araw-araw.

Taon na ang lumipas ay punong-puno na ng mga posters ni Sora ang kanyang kwarto. Ito lang kasi ang nagpapaligaya sa kanya through the years at nasa-satisfy din ang kanyang sarili. Palagi na lang siya nasa kwarto niya at diyan na siya lalabas kapag inuutusan siya ng kanyang kuya. Nahihirapan din siya sa school. Kaya ng makita ng kanyang parents na ayaw na niya pumasok ay hindi na siya pinilit pa dahil sa depresyon na dinadanas niya bawat araw na nasa eskwelahan siya dahil sa mga estudyante palagi na lang siyang binubully simula ng mangyari ang naganap na ayaw na niyang matandaan pa. Kailan man.

Ngayon ay 25 years old na siya. Hindi pa siya nakatungtong ng kolehiyo pero tinutulungan naman niya ang kanyang kuya na mag-manage sa Cafe ng kanilang mga magulang. Hindi man siya lumalabas para makita ang mga customers, nasa loob lamang siya ng kusina at siya ang nagluluto sa mga pagkain na o-orderin. Pinagkatiwala ng kanilang parents ang pag-manage ng Cafe sa kanya at sa kanyang kuya dahil nasa abroad ang kanilang magulang.

Bilin din minsan ng kanyang papa at mama sa kanyang kuya na lumabas-labas daw siya paminsan-minsan at hindi magbabad sa computer at magmumukmok sa kwarto kaya sobrang inis niya sa kanyang kuya dahil masyadong harsh ito sa kanya. Minsan siya pa ang inuutusan nag mag-grocery, pero, wala pang trenta minutos tinatawagan na niya ito dahil iyak na siya ng iyak ng naligaw na siya. At minsan inaanyayahan din siya na sumama mag-bonding ng girlfriend nito pero hindi siya sumama. Ayaw niyang maging chaperone no! Minsan nag-aaway sila ng dahil sa pinagkakagawa nito at ayaw niyang pinakikialaman siya kung ano man ang gusto niyang gawin. Naintindihan niya naman ito dahil ramdam naman niya ang concern nito at ayaw nito na maging ganito na lang siya habangbuhay.

Kaya, eto na siya ngayon. Pangit. Ayaw makasalimuha ang mga tao. Chubby at binansagan pa siya ng kanyang kapatid na Cha-Cha the Piglet. Napabayaan kasi niya ang kanyang sarili. Can't help it. Masarap kasi kumain lalong lalo na kanin.

.

Bumaba na siya at tumungo sa kusina. Sinuot niya ang kanyang apron at bandena sa kanyang ulo para maghanda na sa mga lultuin mamaya kapag nagbukas na ang cafe.

"Kahit kailan ang tagal mo bumaba. Akala ko naligo ka, hindi pala."

Heto na naman ang kuya niya. "Naligo na ako kagabi at bat ka ba nagdadada kung matagal ako sa kwarto?"

"Malamang dinadasalan mo na naman ang Sora mo."

"Ewan ko sa iyo." Dakilang bully talaga ito kapag ang Hubby Sora na niya ang pinaguusapan.

"Siya nga pala, half day lang operation natin sa cafe dahil mamaya pupunta kami ni Jasmine sa dress shop para sa susuotin ng mga brides maids."

"Huh? Ayos lang sa iyo na konti lang ang kikitain natin?"

Nilingon siya nito at tinaasan siya ng kilay. "Bakit? Gusto mo ba na ikaw ang magse-serve sa mga customers? Para ka ngang daga eh kapag makita ka lang kahit isang tao, magtatago ka na."

Bwiset talaga kumag na 'to!

"Gusto mo sumama sa amin mamaya?"

"Alam mo naman ang sagot ko diyan, hindi ba? At wala akong taste sa mga ganyan. At tsaka, busy rin ako sa paggawa ng wedding invitations ninyo." Sagot niya.

"Bahala ka. Konti lang ang ihahanda mo para walang sobrang pagkain. Malulugi pa tayo niyan."

Hindi pala niya nasasabi na ikakasal na ang kanyang kuya Andrew sa long time girlfriend nito na si Jasmine. Sobrang bait nito at close silang dalawa at masasabi niya na kakampi niya ito kapag biniro na siya ng kuya niya.

Naiintindihan din nito ang sitwasyon niya kaya laking pasasalamat niya rito dahil kahit papaano ay mayroon din sumusuporta sa kanya.

Gusto sana nito na siya ang maging maid of honor sa kanilang kasal pero huwag na lang dahil hindi siya komportable lalong lalo na maraming tao ang dadalo. Mas inaalala nito ang kanyang sarili baka hindi siya maging komportable.

Kahi papaano ay meron naman siyang maitutulong sa dalawa dahil siya ang nag-design sa wedding invitations nito. Laking tuwa nga ng Ate Jasmine niya dahil sobrang nagustuhan nito ang ginawa niyang design para sa wedding invitations.

Ilang buwan pa para maghanda sa gaganaping kasal ng kuya at future sister in law niya kaya pinagbubutihan niyang makatulong kahit sa maliit lang na bagay.

.

Pagkaraan ng ilang oras ay tapos na ang operation ng kanilang Cafe. Siya na lang ang nagvo-volunteer na maglinis at magsasara para maaga ang alis ng kanyang kuya.

Pagkatapos ng kanyang trabaho ay umuwi na siya at diretso sa kanyang kwarto. Kinumusta niya ang kanyang Sora at nagpatuloy na trabauhin ang mga wedding invitations.

Hindi pa siya tapos sa mga pangalan ng mga dadalo. Ang iba rito ay kilala lang niya sa pangalan. Classmates ng kuya Andrew niya, team mates sa basketball. Meron din dadalo na mga kaibigan ng ate Jasmine niya.

Nasa maid of honor at Best man na siya. Sayang hindi niya tinanggap ang pagiging maid of honor. Wala lang talaga siyang lakas ng loob.

"Hay nako. Ba't ba kasi ang duwag duwag mo, Cha-Cha. Oh well, wala na akong magagawa. Ganyan ka na,eh. kahit Iuuntog ko pa ang sarili ko sa pader, wala rin naman mangyayari kaya, move on na. K?" At kimakausap niya pala ang kanyang sarili. Minsan.

Napadako siya sa pangalan ng best man. Teka, hindi niya ito kilala at wala siyang natatandaan na may kaibigan ang kuya niya na nagngangalang Lionel de Avila.

Iniisip niya ng mabuti. Pero wala talaga. At wala naman nababanggit ang kapatid niya tungkol sa Lionel na ito.

"Hmm... na-curious ako tuloy. Best man niya ito pero wala ako alam tungkol sa lalaking ito."

Lionel de Avila. Makapagtanong nga mamaya sa kuya niya pag-uwi nito.

.

"Ano ba talagang oras dadating ang kumag na iyon?"

"Andrew, wala pa tayong 30 minutes dito sa airport, umaangal ka na." Saway sa kanya ng kanyang fianceé.

Hindi maipinta ang kanyang mukha. "Kapag inindjan tayo niyan, makakatikim siya ng sapak sa akin."

Natawa ito sa sinabi niya. "Nako naman. Isipin mo na lang malaki ang maitutulong niya sa napakalaking suliranin mo. Hindi ba pumayag ka sa pagkasunduan ninyo para mapanatag na ang loob mo habang nasa honeymoon tayo?"

"Oo nga. Pero, may inaalala lang ako. Ang dami kasing "papaano" ang pumapasok sa utak ko."

"Just trust him. Everything will be good from now on."

"Sana nga."

"Jasmine! Andrew!"

Nilingon niya ang tumawag sa kanya.

At heto na nga ang hinihintay niya.

"Long time no see, Andrew."

"After 10 years nagkita ulit tayo. Welcome back, Lionel."

Lumapit siya rito at walang kaano-ano ay sinipa niya ito sa tuhod. Napa "aray" ito sa sakit at natumba.

"Ngayon, humanda ka na at sisimulan mo na pagbabayaran sa ginawa mo noon."

Next chapter