1 Chapter 1

JOSH's p.o.v.

"Josh! Dre! Saglit!" Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kung sino man ang tumatawag sa akin. Si Ken pala, at tumatakbo ito palapit sa akin. "Bakit?" nagtataka kong tanong. Hingal na hingal itong kumapit sa braso ko. "Hihh.. ang... hooo...bilis..." agad kong kinalkal ang bag ko saka kinuha roon ang water bottle at binigay sa kaniya. Inabot niya naman ito saka inubos habang ako naman ay napanganga. "Aba bakit mo inubos?" may inis na tanong ko.

"Pasensiya na, inuhaw mo ako eh." sabi niya saka ngumiti.Sinuntok ko siya nang mahina sa braso. "Loko sinabi ko bang habulin mo ko?". "Hindi pero kasi ang bilis mong maglakad. Hindi kita mahabol," wika niya at inakbayan ako. "Ang sasabihin ko sa'yo ay may bagong chixx daw na magt-transfer sa school natin. At alam mo kung saan siya galing?" puno ng sabik niyang wika. Kumunot ang noo ko. "Sa amerika pre! sure ball maganda yun," sagot niya sa tanong koong hindi ko nasasabi.

"Oh eh ano ngayon?" walang emosyon kong tanong at tiningnan siya na parang sinasabi kong 'hindi ako interesado'. Hep baka sabihin niyo bakla ako ah, hindi ako bakla. Sadyang wala lang akong interes sa babae ngayon. Saka na iyon kapag tapos na ako sa kolehiyo. "Dre naman. Malay mo maging girlfriend mo na yun 'diba?" tumaas-baba pa ang kilay nito. "Ako'y tigilan mo. Hindi iyon magkakagusto sa'kin at wala akong pakialam. Sa eskwelahan nga natin wala, yun pa kaya?" as a matter of fact na paliwanag ko.

Ako naman ang binatukan nito."Meron uy! Hindi mo lang pinapansin." nagkibit-balikat lamang ako saka nakinig ng musika gamit ang earphone ko at hindi na muli pang kinausap ang kasama ko. Wala naman siyang matinong sasabihin eh.

PAGKARATING sa paaralan, nagtungo kami sa bulletin board para malaman kung ano ang section namin. 'Tulad ng dati, kaklase ko pa rin ang mga barkada ko. Buti naman kung ganoon. May makakausap ako kahit papaano. Hindi kasi ako pala-kausap sa ibang tao. Ang rason, wala lang. Ayoko lang talaga lalo na kung ang sasabihin lamang nito ay mga bagay na walang kabuluhan,masasayang lang ang oras ko.

Dumiretso na kami sa classrom namin at katulad ng dati, sigawan na naman ang mga babae. Hindi ko alam kung bakit sila nagkakaganiyan kapag papasok kami pero wala na akong pakialam. Bahala na sila gawin kung anong gusto nila. Samantalang yung apat ko namang mga kasama ay ngumingiti sa kanila. "Kilala niyo ba sila? Bakit niyo ngini-ngitian?" hindi ko mapigilang tanong. Sasagutin na sana ako ni Sejun kaso siniko siya ni Stell. "Wala yun. H'wag mo na pansinin hehe," may ngiti sa labi niyang wika. Nagtataka man, hindi ko na siya o sila kinulit pa. Naupo na lamang ako sa bangkong malapit sa bintana at nag-basa ng librong binili sa akin ng nanay ko na may title na "Leading change". Ito lang naman ang pwede kong basahin dahil bawal akong magbasa ng kung ano-ano dahil wala akong matutunan sa ibang genre.

Tahimik akong nagbabasa ng bigla na lamang may kumalabog. Pagkatingala ko... Isang babae ang nakita kong papasok sa classroom. Maganda siya at--- teka nagandahan ba ako sa isang babae? ipinilig ko ang aking ulo saka bumalik sa binabasa ko. Nagulantang naman ako ng may tumapik sa braso ko. "Is there someone sitting here?" pagka-tingin ko yung babaeng pumasok pala. Para namang nalunok ko ang dila ko at tanging pagtitig lang sa kaniya ang gusto kong gawin. Pero sandali lamang iyon at agad akong umiling. Kumindat ito sa akin bago ito umupo. Lihim ko namang kinastigo ang sarili sa pagtitig sa babae at ang paghiwalay ng bangko kina Justin. Tsk dapat pala hindi na ako humiwalay. Hindi ko sana makakatabi ang babaeng ito. Oo, ayaw ko siya katabi kasi pakiramdam ko mababaliw ako sa hindi ko alam na dahilan. Bumuntong-hininga ako saka muling ibinalik ang atensiyon ko sa librong binabasa.

avataravatar
Next chapter