1 kabanata 1

shine's POV

Malamig,mahangin,tahimik.

hampas ng alon ang tanging madidinig mo. Sana dito nalang muna ako. Parang ang tahimik ng lugar, Ang sarap sa pakiramdam. malayo sa magulong mundo ko noon, Sa mundong tanging panghuhusga ang madidinig mo.

"Mamay? Ano pong pangalan ng islang ito?" saglit na katahimikan ang namuntawi bago sumagot si mamay.

"Isla felicidad, hango sa salitang español na saya."

felicidad, Sana maging masaya na nga.

"Shine ang pangalan po ng anak ko madam pasensya na po at kasama ko siya dito wala po kasi akong mapagiwanan sa kanya sa Cavite. At kailangan na kailangan po na may alalay siya kahit nasa edad na siya. pasensya po talaga wag po kayong mag alala di naman po siya makakaistorbo sa trabaho ko"

Kahit ilang beses ko nang nadidinig ang mga salitang ganto noon kapag naghahanap si mamay ng trabaho nasasaktan padin ako. Ewan ko ba di ako masanay sanay. Pakiramdam ko mas lalong nahihirapan si mamay na maghanap ng trabo dahil sakin.

"it's ok Mrs. Marquez walang problema sakin yon. Napakaganda ng anak mo. Ilang taon naba siya?"

"18 napo siya noong nakaraang buwan madam"

nakaramdam ako ng hiya.

hiya dahil pakiramdam ko pinapagaan lang ni madam Liliane ang usapan kaya niya nasabi na maganda ako.

Hiya dahil nasa wastong edad nako pero kailangan padin ng alalay galing kay ina.

madalas may mag sabi kay mamay na maganda raw ako. Masaya sa pakiramdam na puriin ka ng mga tao. lalo na pag nadidinig mo mismo sa mga tainga mo. Pero biglay napapawi pag madinig mo na ang kasunod ng mga papuring yon.

"ahhh madam maraming salamat po sa pag tanggap sa mamay ko, wag mo kayong mag alala di po ako mangiistorbo at baka makatulong din po ako. may mga kaya naman po parin akong gawin kahit ganto ang kundisyon ko."

" walang problema ijja. Bukas mrs marquez maaari ka ng mag umpisa. Naka handa naman na ang mga gamit at uniform mo para sa pagtatrabaho.'

"Maraming salamat po madam"

sobrang gaan ng pakiramdam ko sa lugar na ito lalo na mga tao dito pakiramdam ko mababait at masaya sila makasalamuha.

Sana nga.

(A/N: hope you support this story)

avataravatar