15 Scratch 15

Blank

Bookstore Deities

Scratch 15

-*-*-*-*-*-

"Sharry! Babe, tulungan mo ako!" palingon-lingon habang tumatakbo si Julian sa loob ng classroom. Nagbabaka-sakali siyang mahanap ang kanyang girlfriend para hindi matuloy ang 'paggahasa' sa kanya ng kung sino mang baklang ito. Kaagad niyang niyakap ang girlfriend slash savior niya.

"Bakit babe?Anong nangyayari sa'yo?" Naguguluhan siya sa kakaibang kinikilos ng kanyang boyfriend pero di mapigilang mapangiti ni Sharry sa nangyari. Umiikot ang tiyan niya sa kilig dahil kayakap lang naman niya ngayon ang boyfriend niya. Kahit na takot na takot si Julian, nacu-cute-an siya rito.

"Baby~Andito na'ko!" malanding sigaw ni Brianna at lumapit kay Julian habang nakanguso. Kailangang maka-iskor siya ng kiss sa kanyang mga fafa. Nag-effort pa naman siyang magtoothbrush at magmumog. Nagpabango rin siya at naglipstick ng matte para fierce.

"WAAAHH!" mas lalo pang hinigpitan ni Julian ang pagkakayakap kay Sharry. "Huwag ako, please lang. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko!" dagdag pa niya.

Tiningnan ni Sharry nang masama si Brianna sabay takas ng kilay niya. Niyakap niya rin si Julian para siguradong protektado ito.

Walang makakaagaw kay Julian. Kay Sharry lang si Julian. Kung sinong impakta man ang magtangkang agawin ang pag-aari niya, tiyak na sa impyerno pupulutin. What's hers is hers.

Paano nga ba humatong ang lahat sa ganito? Balikan natin ang mga pangyayari.

Habang abala sa pagmumura at paghahamon ng rematch sina Andy at Ark kay Niccolo, napagpasyahan ni Julian na lumabas muna para mag-CR. Nakalimutan niyang umihi sa sobrang adrenaline kanina habang naglalaro. Eh paano ba naman. Ang ihi napipigilan. Pero ang game ay game. Hindi pwedeng basta talikuran at baka ma game-over.

New building.

Room 95.

III-Cassiopeia.

Ito nga iyon. Hindi maaring magkamali si Brianna. Sa pamamagitan ng kanyang masusing imbestigasyon at pagsisiyasat, natunton niya ang kinaroroonan at ang iba pang impormasyon ukol sa kanyang mga fafables.

"Andyan ba sina Julian at Blue?" tanong niya kay Ria na mag-isang nakatambay lang sa labas ng classroom at nagbabasa ng notes. Kung wala lang sanang nangyari , edi sana nagtatawanan at nag-aaral sila ngayon ni Vanny.

Kinakailangan niya pang lumabas ng classroom. Hindi siya makapag-aral nang hindi nako-kosensya at naiilang sa loob dahil magkalapit lang sila ng upuan ng kanyang ex-bestfriend.

Sumilip si Ria sa loob ng classroom. "Wala si Julian."

Napa-pout si Brianna. Hindi pwedeng masayang ang effort niya sa pagre-research at paglalagay ng make-up! Bagong-bago ang matte niyang lipstick at blush on. Kahit na bawal iyon sa kanilang campus ay pumuslit siya alang-alang sa kanyang pagmamahal sa mga "asawa" niya. Of course! Hindi siya pwedeng magpakabog, ano! "Eh sina Andy at Arwin?"

"Naglalaro yata sa loob. Try mo la—"

"Kyaah! Papa Ryan!" Nakita niya si Ryan na papasok pa lang sa classroom at namumulot ng mga basura sa aisle. Dali-daling dinamba niya ito ng yakap. Muntik na silang matumba dahil doon pero buti nalang at narecover ni Ryan ang balance niya.

Naka-agaw ng pansin ang pag-irit ni Brianna. Napalingon ang buong III-Cassiopeia pati na rin ang magre-rematch sana na sina Andy, Ark, at Niccolo sa labas. Bihira lang may dumayo sa kanilang section, at isang di kilalang bakla pa na agaw-eksena.

Nanigas si Ryan. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Allergic siya sa intimate human contact! Hindi siya nagpapayakap o nagpapahawak sa kahit na kanino- kahit sa mga kaibigan niya, tapos ito? Sinong walang hiya ang gagawa nito sa kanya?

"Ano ba! Bitiwan mo ako! Wag mo akong hawakan!" Natatarantang nagpupumiglas si Ryan sa pagkakayakap sa kanya ni Brianna.

"Baby Ryan! Pakiss nga sa yummy mong biceps!" kakapit na sana si Brianna habang nakanguso ngunit naalerto at nangilabot kaagad si Ryan kaya naman mabilis siyang naitulak ni Ryan bago pa man dumikit ang balat nito sa kanya.

"Kadiri! Wag ka ngang lumapit sa'kin!"

Nasaktan si Brianna. Bakit ba ayaw magpahawak ni Ryan? Ang arte-arte ha. Siya na ngang maganda ang kusang lumalapit, at tinatanggihan pa siya. Don't tell me, kauri niya si papa Ryan? Oh, noes! Hindi maaari!

Malulungkot na sana siya subalit nabuhayan siya ng pag-asa. Di'bale, andyan pa naman si papa Julian na kakarating lang galing sa CR at papasok na rin sana sa classroom.

"Baby Julian!"

Napatingin naman si Julian sa kanya. Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya naman pamilyar sa kanya kung sino ang feeling close na baklang ito. Hindi niya nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Bago pa man makaalis si Julian, niyapos na siya ni Brianna at binulungan ng I love you sa kanyang tenga. Kamuntik na ngang dumapo sa leeg niya ang maiitim na labi ni Bryan at naramdaman niyang tumalsik ang mga laway nito sa loob ng kanyang tenga.

Nataranta si Julian kaya naitulak niya ang bakla sa sobrang takot at nag-hi-hysterical na tumakbo palayo. Pumasok siya sa classroom sa pag-asang lumayo ang makulit na magnanakaw ng yakap at manyak.

Tumakbo siya nang tumakbo. Masikip sa classroom at kahit nasasagi na niya ang mga upuan at lamesa ay wala siyang pakealam. Kahit na anong mangyari, hindi siya dapat mahuli ng kriminal na iyon! Hindi maaari!

"Sharry! Babe, tulungan mo ako!"

"Baby~Andito na'ko!"

"WAAAHH!" mas lalo pang hinigpitan ni Julian ang pagkakayakap kay Sharry. "Huwag ako, please lang. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko!" dagdag pa niya.

Whatever. Edi isaksak niya sa baga niya ang boyfriend niya! Di' umano, mas maganda naman siya kesa kay Sharry. Magsama sila!

"Baby Ark! Hihihi. I'm coming for yah!"

Option one: Tumakbo

Option two: Manuntok o manipa.

Option three: Maghanap ng shield.

Parang nagslow-motion naman ang paningin ni Ark. Akala niya ay nagkakaroon na ng zombie apocalypse at tatakbo na sana siya. Run for his life, ika-nga niya. Tinatantiya na niya ang distansya sa pagitan nila.

Kring! Kring!

Phew! Saved by the bell.

Muntik na. Muntik nang madungisan ang kanyang pagkatao! Sobra ang kaba niya dun, ha. Kung nagkataon na natuloy ang maitim na balak sa kanya ng baklang si Brianna, tiyak na maliligo siya sa alcohol at magsasailalim sa purification. At kapag nagsumbong ang atribida niyang kakambal, baka sapilitan silang ipagkumpisal ng kanilang mommy.

Masyadong relihiyosa ang kanilang mama. Mahigpit nitong ipinagbabawal ang bakla sa pamilya at ang pakikipagrelasyon sa mga ito. Ewan. Masyado kasi siyang tradisyonal- bagay na minana niya sa kanyang mga espanyol na ninuno.

-*-*-*-*-*-

Preshy-chan's note: Hey, how my reader! Sorry for the late update? Haha. Busy ang life. Pero nagsusulat naman ako if I find time. Mehehe. Matatapos ko itong novel na ito, promise. Please bear with me! Hehe. Kung binabasa mo pa rin ito hanggang ngayon, thank you! 😊

avataravatar
Next chapter