1 Magic Pills

"Kailangan mo lang ipakain sa kanya ito." inabot sa akin ng matandang manghuhula ang isang maliit na bote. sa loob nito may mga maliliit na pills... pills?

Teka—

"Eh manang parang ito yung candy na nabibili ko sa palengke eh—" nagulat naman ako nang bigla nyang kinuha ang bote at galit na tumingin sa akin.

"Kung ayaw mo, osya! Umalis na kayo ng kaibigan mo!" nag-ikot pa ng mata si Aleng manghuhula.

Inikutan ko rin ng eyeballs, aba! Customer kaya kami and me as a customer is not always right pero may pinaglalaban din ako ah!

Sa'yo na yang Pills mo.

Tumayo ako at padabog na dinampot ang bag ko, nagulat si Jisoo na kaibigan ko sa ginawa ko at agad akong hinawakan sa braso.

"Teka Mina, huminahon ka!" pigil n'ya sa akin. "Umupo ka nga!"

"Huminahon ba kamo?" pagalit kong bulong sa kanya. "Sa kanya mo yan sabihin." sabay nguso sa matandang nakataas ang kilay.

"Kumalma ka nga Mina, tandaan mo sinamahan lang kita dito. Tinutulungan na nga kita d'yan sa love life mo pero ikaw tong parang tanga na magwa-walk, ako dapat yun eh!" hinampas n'ya pa ko sa balikat.

"Sorry na, kasi to—"

"Kung ayaw mong kumuha ng produkto ko, umalis na kayo." another pang-iirita ng matanda. Don't get me wrong ah, pero nakakainis talaga eh. I have my respect with all oldies (oldies? lol) but there's an excemtion for her.

"Kukuha po kami, magkano po ba?" tanong agad ni Jisoo, hanu ba itong kaibigan ko natakot agad sa ginawa ng matanda.

"500 pesos." Fvck. Five hundred freaking pesos?! Allowance ko na yun for 3 days.

Are you freaking kidding me?!

avataravatar
Next chapter