2 I will do my best

"Oh, bayaran mo na lang." di ko pinansin si Jisoo na nasa gilid ko lang. Papasok kami ngayon sa eskwelahan, at inis ako sa kanya.

Nauto kasi sya ng matandang manghuhula na bilhin ang Pills na 'yon. Hindi ko rin kasi maintindihan tong si Jisoo eh, parang tiwalang tiwala siya dun sa matanda.

Halata namang spam! Spam talaga.

Akalain mong 500 pesos yung maliit na boteng iyon na may lamang 15 piraso na candy. Ano to, 33 pesos per tablet. I can't believe this, I can't believe her buying that joke of that—ugh. Kalma ka na nga Mina.

"Papansinin mo ko o sasabunutan kita?" pananakot ni Jisoo, "kagabi ka pa ah, ako na nga yung bumili para sayo choosy ka pa!"

At naramdaman ko ang malakas na hataw n'ya sa ulo ko. "Aray aba—"

Napatitig ako sa kanya, medyo lumalabas na yung ugat nya sa leeg eh, baka mapatay ako nitong Kaibigan ko.

"Kunin mo na sabi 'to." kinuha n'ya ang kaliwa kong kamay at ipinatong dun ang maliit na boteng binili niya sa matanda.

"Ipakain mo yan sa kanya for 7 days."

"Seven days, eh 15 na piraso to ah. Anong gagawin ko sa walo?" napahawak ako sa ulo ko pagkatapos akong hampasin ulit ng sadistang nasa harap ko.

"Yan ang nangyayari sa pagiging Walk out queen mo! Di mo narinig yung sinabi ng manghuhula."

"Eh ayoko ngang makinig sa nonsense na sasabihin—"

"Ikaw na nga itong tinutulungan sa Onesided love story mo. Nanggigigil na ko sayo Mina, hahampasin ulit kita!" napabuntong hininga na lang ako, talo talaga ako dito eh.

Hindi ako makapaniwala na gagawin ko itong panggagayuma, di ko nga alam kung effective 'to eh. Malay ko ba sa salamangka salamangka na yan.

Kung meron man itong effect kahit konti, baka magkaroon ako ng Hope, na kahit konti lang.

Kasi Alam kong sobrang wala na kong pag-asa, halos lahat na ginawa para lang mapakita sa mahal kong Katsu na gustong gusto ko s'ya pero parang di nasasagap ng Signal n'ya yun.

Gusto ko na s'yang sapakin eh... ng pagmamahal. Ito na yata yung last chance na meron ako para mapaibig s'ya, dahil kung hindi? Hahalayin ko na talaga sya!

Promise! Cross my heart na patay na patay kanya.

avataravatar
Next chapter