Black Is Beautiful

Grabe ang gwapo niya talaga. Kailan kaya di gagwapo tong lalaking to? Parang halos araw-araw gwapo siya. Grabe napaka-perpekto ng mukha niya. Ang tangos ng ilong, mapupungay na mga mata, mapupulang labi at eto pa maputi! Grabe bagay na bagay talaga kaming dalawa ni-- " ARAY! "

Tiningnan ko ng masama yung babaeng nangagat sa braso ko.

" O ano? Gusto mo pa? " tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Takte yan mukha bang gusto ko pa?

Umiling naman ako bilang sagot " Tara na tama na yang katititig mo diyan kay Ivan baka mamaya magulat ka nalang tunaw na yan. " sabi nito at nauna nang lumakad.

Pero nakakatatlong hakbang palang siya ng humarap siya uli sakin. " At ilang beses ko bang uulitin sayo na hinding-hindi ka papatulan niyang si Ivan. Pwede ba leng tama na yang kaka-assume. Nakamamatay yan sige ka. "

Hay nako STRESS~ Yun si Veron isa sa mga kaibigan ko. Maldita at masyadong prangka pagdating sakin.

" Hoy! Sabing tama na yung kaka-day dream e. Malalate na tayo! Pag ako nalate makikita mo tatanggalin ko yang balakang mo. " tsk. PMS na naman to. Lagi nalang.

MATH namin pero eto ako tunganga. Nagfa-flames kasi ako. Pero shhh lang kayo kasi mababatukan nanaman ako ng mga kaibigan.

Shalyn Mae Aguilar Monforte

Ivan Shawn Ciel Rio

FLAMES: 33 (Lovers)

LOVERS: 107%

Shesh! Para talaga kami sa isa't-isa. Imagine 107%? Sobra pa sa 100 haha destiny talaga kami.

" Para kang tanga, nagpapaniwala ka diyan? " pagtingin ko sa gilid ko ay sumalubong sakin ang kunot noong si Mariz.

" E bakit ba minsan lang naman a. "

" Minsan? E tingnan mo nga yang notebook mo puro Ivan na ang nakasulat. Mandiri ka nga, di ka naman papansinin nun. " bakit ba ang sakit nila magsalita? Parehas lang sila ng best friend niya masyado silang harsh pagdating sakin.

Kinuha niya yung notebook ko tapos pinunit yung page na puro Ivan ang nakasulat tapos ginusot niya saka sinuksok dun sa gilid ng upuan ng kaklase namin. Tsk. Ugaling estupidyante nga naman.

" Mag-aral ka nga hindi yung pag nagpapa-quiz si Ma'am mangongopya ka puro ka kasi Ivan, kaya wala kang natututunan. " nagsalita ang may alam.

Tumingin nalang ako sa board at ayun parin si Ma'am tinuturo kung papaano mag-solve ng probability.

"Shalyn napasa mo na ba yung module sa A.P? " tanong ng isa sa mga kagrupo ko sa A.P

Tiningnan ko siya " Hindi pa e. " sabi ko at hinalughog yung bag ko para kunin yung module ng mga ka-grupo ko.

" Ano ba naman yan! Nung nakaraan pa kaya yan hinihingi ni Sir tapos di mo pa pala nabigay. Ibigay mo na yan ngayon pag kami bumagsak. " sabi nito at umalis na.

Bagsak agad? Atat much? Kala mo naman tatalino siya kapag pinasa ko yung module namin e puro kopya nga yung mga sagot niya dun. Hmp! Siya pa may ganang magalit. Kutusan ko siya sa panga!

" Leng bababa ka? " tanong ni veron na inaalog alog pa yung barya sa kamay niya.

" Oo pero punta muna ko kay Sir A.P " sabi ko at inayos na yung module ng mga ka-grupo ko.

" Sige bilisan mo diyan tara na. "

Pagdating namin ng AP Department nakita ko agad si Sir at hindi lang si Sir ang nandun pati si Ivan. Kausap niya yung teacher sa katabing table ni Sir. Emerged! Ito na ba ang tinatawag nilang DESTINY?

" Hoy! Si Sir ang punta natin dito, hindi si Ivan. " paalala ni Veron sakin. Sus! Kung makapagpaalala siya, akala naman niya makakausap ko si Ivan ni hindi na nga ata ako kilala nun.

" Opo Madam! " sabi ko with matching irap pa. Naglakad na kami ni Veron papunta kay Sir A.P

" Sir ito na po yung module ng group two. " sabi ko kay Sir pero yung mata ko nakatutok kay Ivan.

Kinuha naman ni Sir yung mga papel " Bakit ngayon mo lang to binigay? Nung nakaraan ko pa to pinapapasa. Late na to may minus na. "

" Hala! Sir! Minus agad? " di ko naman kasi alam na nagpapasa na pala siya ng mga module nung nakaraan.

" Aba'y oo naman nung nakaraan ko pa to ipinapapasa pero ngayon mo lang binigay. Sino ba leader mo? "

Napakagat naman ako ng labi, nako naman bakit ngayon pa ko papagalitan ni Sir kung kailan nandito si Ivan. " Ako po Sir. " mahina lang ang pagkakasabi ko nun na sinisigurado ko talagang kaming dalawa lang ni Sir ang makakarinig pero dahil hindi kami close ni Sir ay hindi siya naki-ayon sakin.

" Tingnan mo na! Ikaw pa ang leader. Lahat ng grupo nakapasa na, ikaw nalang ang hindi. Napaka-iresponsable mo naman pala Ms. Monforte. " nanggagalaiting sabi ni Sir yumuko nalang ako. Ayokong salubungin yung galit niya baka mamaya ibagsak pa niyan yung grade ko.

" Bakit Sir ngayon lang nagpasa? " biglang tanong nung teacher na nasa tabing mesa ni Sir. Bakit ba ang daming mga tsismosang guro. Kalurky!

" Oo, ngayon lang nagpapasa ng module e dapat nung nakaraan pa to. Tapos sya pa may ganang magalit na may minus daw. " pailing-iling pa si Sir habang sinasabi yun.

Tinuro naman nung teacher si Ivan na nasa harap nito at nakatingin lang samin. Nako nakakahiya sa kaniya, turn off tuloy siya agad sakin. " Eto ngang isang to naturingang Class President di nagpapasa ng project. Ganon ba dapat ang matinong president ha? Mr. Rio? "

Wow! Big news! Ivan Shawn Ciel Rio di nagpapasa ng project. Bago yun a.

Yumuko naman si Ivan. " No Ma'am, I'm sorry for my inappropriate attitude. I'll do better next time. " ohmygash! Ansabe? Di ko na-gets yung ilang sinabi niya pero shems! Ang gwapo niya mag-english.

" Hoy yung laway mo punasan mo nakakahiya ka. " napabalik naman ako sa reyalidad dahil sa pag bulong ni Veron sakin.

Matapos ang ilang seremonya ay pinalabas na kami ni Sir at ganun din si Ivan.

Paglabas namin ng pinto ng AP Department ay tiningnan ko muna uli si Ivan iba kasi yung dadaanan namin kasi pupunta pa kaming Canteen.

At halos nanigas ako sa kinatatayuan ko sa nakita ko.

" Hoy! Wala na si Ivan tara na gutom na ko! " sabi ni Veron at hinila ako. Pero wala sa kaniya yung isip ko, na kay Ivan. Si Ivan na kalalabas na pinagalitan ng teacher, si Ivan na kasabayan naming lumabas sa pinto ng AP Department at si Ivan na nginitian ako. Waaah! Nginitian ako ni Ivan!

" Anong nangyari diyan at bakit kanina pa nakangiti yan? " grabe nginitian niya talaga ko.

" Malay ko siguro kasi nakita niya kanina si Ivan sa AP Department. "

" Yun lang? E bakit parang kiti-kiti yan napakaligalig? "

" Aba malay ko! Bakit kaya di ikaw ang magtanong. "

Isang malakas na hampas sa braso ang nagpabalik sakin sa katinuan. At isang pares ng mata ang masamang nakatitig sakin. " Bakit? " alanganin kong sabi.

" Anong nahithit mo at tulala ka nanaman diyan aber? " pagkasabi palang nun ni mariz ay napangiti kaagad ako.

" Yun ba? Wala ano ka ba. "

Tumaas naman ang kanang kilay nito. " Wala? E kung makangiti ka diyan akala mo nanalo ka sa lotto. Yung totoo ano ngang nangyari? "

" Nginitian kasi ako ni Ivan. " mahina kong bulong pero alam kong narinig parin niya.

" HAHAHA grabe lakas mo talaga mag-illusion. "

" Hindi ako nag-iilusion. Nginitian talaga ako ni Ivan. "

" Ok sabi mo e. Sige bahala ka diyan. " sabi nito at lumabas na ng room kasama si Veron.

" TOTOO NGA YUN. " napabuntong hininga nalang ako ng magpatuloy lang sila sa paglabas. " Bakit kasi ayaw nilang maniwala. "

Kinabukasan sinabihan kami ng teacher naming sa Mapeh na magkakaroon daw kami ng isang practicum. Kailangan daw naming sumayaw ng Hiphop.

Since Hiphop yung sasayawin namin. Madali lang kasi wala karamihan naman samin marunong sumayaw ng Hiphop.

Pinababa kami ni Sir para sa ground mag-practice. Sabi ni April yung Worth It ng Fifth Harmony. Edi yun nga inumpisahan na naming magsasayaw kahit wala pang kanta. Mga ilang minute lang yung lumipas ng paakyatin na kami ni Sir.

Pag akyat namin sumigaw si manelle ang announcer ng grupo. " Oy! Group 1 practice tayo mamaya. "

Pagdating ng hapon ay nagsi-uwian na yung mga kaklase namin. Yung mga MAPEH WARRIORS daw may practice din daw. Wag niyo ng tanungin kung sino-sino sila.

Napagdesisyonan na Sorry nalang ni Justin Bieber yung sasayawin. Nang mag alas-singko na pinababa na kami ni mamang guard. So kami bilang mga mababait na mag-aaral ay sumunod kay manong guard at bumaba na.

Pagbaba namin nakita ko yung section nila Ivan na sumasayaw sa tapat na room nila.

'Shet! Ang galing niyang sumayaw'

Ang astig niya. Alam niyo yung lalaking ang galing sumayaw at hot? Shete! Si Ivan yun! Nakakainlab siya. Habang di nakatingin sakin yung mga kagrupo ko ay pasimple kong pinicturan si Ivan sa cellphone kong malinaw ang camera. Habang naglalakad kami pauwi nagdadasal ako na sana malinaw yung pagkakakuha ko sa kaniya.

Alam niyo yung nakakainis? Yun yung nag-picture ka pero MALABO. Kasi kung di ba naman kasi sa sobrang kilig ko edi sana nakuhaan ko ng maayos si Ivan yan tuloy blurred yung picture.

Nakabusangot akong humiga sa kama at hinagis ang cellphone ko sa gilid. Kailan kaya ako mapapansin uli ni Ivan ang alam ko ang last naming pag-uusap ay nung grade six pa grade 10 na kami ngayon.

Simula kasi ng mag-high school hindi na ko kinakausap ni Ivan. Palibhasa kasi section 2 siya nung grade 7 kasi tapos ako section 5. Ok na sana e ang kaso yung room nila sa first floor, ako fifth floor pa. Alangan namang bumaba pa ko para lang sulyapan siya.

Tapos nung grade 8 naman magkafloor na kami kaya tuwang-tuwa ako kahit magkabilang dulo yung mga room namin, siya section 1 ako section 7 . Ok lang kasi atleast nakikita ko siya paglabas ko palang ng room tapos kahit malapit yung daan sa kanan palabas talagang dadaan pa ko sa kaliwa para lang makadaan sa room nila. Pero ang masayang pangyayaring yun ay nawala agad kasi nung july pinalipat kami ng fourth floor kaya ayun na badtrip nanaman ako.

Nung nag grade 9 naman ako ganun parin ang kaibahan lang section 6 na ko at sa second floor na yung room nila. At alam niyo kung anong masakit nung grade 9 ayun ay nung nalaman kong girl friend niya daw yung nanalong Ms. Intrams ng school grabe di ko alam kung ilang tissue ba ang nagamit ko sa kakaiyak. Sumali pa nga ako dun sa mga haters nung Ms. Intrams naming nung time na yun. Tapos nung bakasyon na namin nalaman ko na break na pala sila.

At ngayong grade 10 naman, ayun ganun parin kami dapat parehas sana uli kami ng floor kung di lang ginawang clinic yung dapat magiging room namin edi sana di kami napalipat ng third floor.

So yun nga apat na taon na kong umaasa na sana mapansin ako uli ni Ivan.

Ngayon na yung araw kung saan sasayaw kami. Kinakabahan ako ng konti kasi sa ground kami sasayaw tapos dun pa malapit sa room nila.

" Tayo na daw sabi ni Sir. " sabi ni Manelle.

Tumayo kami at pumwesto sa mga pwesto namin. Di pa kami na kakasayaw pero kita ko nang naglalabasan yung mga kaklase niya. Para siguro manood sa sayaw namin.

'Sana po wag siyang lumabas, baka mamaya magkamali ako.'

Nagsimula na yung intro ng kanta kaya naman sumeryoso na ko para di ako magkamali. Nung natapos kaming sumayaw ay kanya-kanya kaming upo sa kung saan para mapanood yung ibang grupo.

Niyaya ko yung iba kong mga kagrupo na pumuntang canteen. Nauhaw kasi ako bigla. Pero dahil ayaw nila, ako nalang. Ako lang mag-isa nung dumating ako sa canteen di pa rin naman kasi recess.

" Ate isa nga pong mineral water. " sabi ko at nag-abot ng bente pesos kay ateng tindera.

Pagbigay niya ng bote sakin ay umalis na rin ako agad. Paglabas ko ay nakasalubong ko si Ivan nagulat nalang ako ng kausapin niya ko.

" Ang galing mo sumayaw kanina a. " ilang segundo akong napatunganga bago siya sinagot ng " Thank you. " ngumiti lang siya sakin saka dumiretso ng canteen. Ako naman tunganga parin at pinaprocess sa utak ko ang mga nangyari.

" Oy sige una na ko ha? Bye! " sabi ko at nauna nang umuwi sa mga kaklase ko. Gagala pa daw kasi sila. Mcdo lang naman deretso ng mga yan. Naglalakad ako ng mag-vibrate yung phone ko.

From: Ivan ♥ 6-1

Hello :)

4:10 pm, Nov 28

OHMYGASH! Si Ivan? As in si Ivan talaga?! Oo alam ko, di ko pa binubura yung number niya sa cellphone ko kahit di ako sigurado kung eto pa yung number niya. Pero ngayon, nag-text siya! As in nag-text talaga siya!

Ohmy! Anong gagawin ko? Anong irereplay ko?

'Hello din'

Nako wag yun masyado namang pabebe yun.

'Hi'

Nako wag din yun common masyado.

Ah! Alam ko na para naman di masyadong halata.

To: Ivan ♥ 6-1

Who you?

4:30 pm, Nov 28

Yan, ok na yan.

" Anak kakain na! Tigilan mo na yang kaka-cellphone di ka uunlad diyan! " nako tong tatay ko akala mo naman napakasama ng ginagawa ko.

" Opo nandiyan na po! " kasi naman, nalaman kong si Ivan nga talaga yun. Paano ko nalaman? Well yayamanin kasi siya at tinawagan lang naman niya po ako. At grabe di na ko makahinga kanina kakapigil sa tili ko.

So yun nga ti-next ako ni Ivan and hanggang ngayon magkatext parin kami. Kung saan-saan na nga napunta yung topic naming. Mula sa section namin hanggang panlalait sa mga nagging teacher namin nung elementary pati ngayong high school at sa mga naka-MU niya. Yes may naka-MU na daw siya pero wala pa siyang GF well baka ako na ang magiging una niya. Wish ko lang.

" Ano ba! Kakain na! " talaga tong tatay ko oo. Makakain na nga muna.

To: Ivan ♥

Mamaya na a. Kakain muna ko.

9:03 pm, Nov 28

Tinanggal ko na yung 6-1 di na rin naman kami magkaklase. Kakaupo ko palang ng mag-vibrate yung phone ko.

From: Ivan ♥

Sige kakain din muna ko. Pakabusog ka.

9:12 pm, Nov 28

" Sino ba yang ka-text mo at para kang timang diyan kung makangiti. "

" Sama mo naman pa, timang agad? Ewan ko sayo kumain ka nalang. "

From: Ivan ♥

Sige shalyn matulog ka na magaalas dose na kasi baka mamaya malate ka bukas. Sisihin mo pa ko pag pinapila ka ng CAT. Good night wag ka nang magreplay sakin. Matulog ka na.

11:45 pm, Nov 28

Yan yung text niya kanina. 1:32 na pero hanggang ngayon paulit-ulit ko pa ring binabasa yung conversation namin. Makatulog na nga.

Ilang buwan narin kaming laging magkatext ni Ivan. Lagi kaming magkausap pero sa text lang. Oo sa text lang talaga kasi ni minsan di man lang niya ko kinausap sa personal.

" Shalyn may dalaw ka! " sigaw ng kaklase ko. Ganito talaga dito samin kapag may nagpapa-excuse sayo yun lagi ang sinisigaw. Tumayo ako at napaatras pa ko ng makita ko siya sa labas ng room namin.

" I-ivan? " napalingon naman ito ng magsalita ako. " Anong ginagawa mo dito? " tanong ko pero nginitian niya lang ako at binigyan ako ng isang maliit na sobre.

" Dapat bukas pa nila ibibigay yan. Pero dahil atat nga ko. Ayan sayo na yan sana ikaw maka-partner ko ha. Ge bababa na ko. " sabi nito at umalis din agad.

Binuksan ko ang sobre at nagulat ako sa nakita ko.

Enchanted Prom

OHMYGAS! Inanyayahan ako ni Ivan sa prom?

Bukas pa ang prom pero di ko alam kung bakit excited ako e bukas pa naman yun. Yung gown ko naka-ready na rin. Prom nalang kulang.

" Shalyn punta ka daw dun sa section 1 bigay mo daw to sa president nila. "

" Hala bakit ako? Ikaw inutusan ipapasa mo sakin. "

" Damot nito. Samahan mo na nga lang ako. " tumayo ako at sinamahan si Mhilbray papuntang section 1. Pagdating naming dun ay nagtitilian lahat kaya naman sumilip muna kami.

" Anong mayroon? " tanong ni Mhilbray sa isa sa mga kakilala niya sa section 1.

" Niyaya kasi ni Ivan si Lovelle na maging prom date niya bukas. " pagkasabi palang nun nung babae ay umalis agad ako at nagpuntang C.R

Takte yan! Dapat talaga hindi na ko umasa palibhasa kasi masyado akong naging bulag sa pagmamahal ko kay Ivan. Ang drama mo talaga kahit kailan Shalyn. At napaka-tanga mo! Di ka na nadala. Alam mo namang di ka maganda tapos umaasa ka na magugustuhan ka ng isang Ivan Shawn Ciel Rio.

" Oh? Bakit ang lungkot mo naman ata anak? Parang kahapon lang excited ka sa prom mo tapos ngayon nakabusangot ka. Tayo na diyan ng maayusan ka na ng tita mo, anong oras na oh! " lintanya ni mama pero di parin ako tumayo sa kama. Ayoko na. Ayoko nang pumunta ng prom. Ayoko ng suotin yung gown ko na alam kong di naman babagay sakin. At ayokong makita si Ivan kaya di ako pupunta dun.

" Ma, ayoko nang pumunta ng prom. " sabi ko at nagpapadyak.

" Nako hindi pwede nak. Sayang naman yung pagbili natin sa gown mo diba? Sige na tayo na diyan. " hinila ako ni mama at pinaupo para ayusan ng buhok.

Mga ilang minuto lang ay dumating na si tita at inayusan na ko.

" Ayan nak ang ganda mo na! " sabi ni mama habang tinitingnan ako na parang ako ang pinakamaganda sa lahat.

Pagdating ko ng school marami ng mga tao agad ang nandun. Bago pa man ako makapasok ay inabutan ako ng isang babaeng bantay ng isang pulang neon paper na may hugis na kalahating puso at sinabihan muna ako ng " Go and find your destiny. " bago ako umalis.

Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin yung mga kaibigan ko at di naman ako nabigo dahil nakita ko sila sa isa sa mga table na nagtatawanan.

" Ganda a! " pang-aasar nila sakin ng makalapit ako sa kanila. Hmp! Bahala sila.

Nag-umpisa na yung program ang una nag-speech muna si principal tapos sinabihan niya kami na mag-enjoy na kami. May mga kung ano-anong kalokohan silang ginawa mga kung ano-anong games 'Kuno'

Sabi nung emcee hanapin daw namin yung mga kapares ng heart na binigay samin kanina. Nagsitayuan na yung mga kaibigan ko at hinanap na yung mga kapares nila pero ako eto tunganga.

Ayokong mag-hanap. Gusto kong siya ang maghanap sakin. Gusto ko siya ang lumapit. Kasi sawa na ko. Sawa na kong ako ang laging naghahabol. Sawa na ko na lagi nalang akong nasasaktan.

Napabalik ako sa wisyo ng may magsalita sa likod ko. " Shalyn? " " Ivan. "

Ngumiti siya at lumapit sakin. Inabot niya yung hawak kong neon paper na kalahating puso at dinikit yon sa hawak niya. Nagulat nalang ako ng biglang magtugma yun.

" So? Pwede na kitang isayaw? " nakalahad lang ang kamay nito sa harap ko. Di ko alam kung tatanggapin ko ba o ano?

Hindi na ata siya nakapag-intay at siya na mismo ang humablot sa kamay ko. Hinila niya ko sa gitna at dun kami nag sayaw.

Mahabang katahimikan ang namayani saming dalawa tanging musika lang mula sa mga speaker na nakakalat sa paligid ang maririnig ng magsalita siya.

" Akala ko ba ako ang prom date mo? " paumpisa nito.

" Diba date mo na si Lovelle. " sabi ko at inirapan siya.

" Si Lovelle? Hindi. Si Ivan ang date niya. "

" I-ivan? " may iba pang Ivan sa room nila.

" Oo Ivan Cruz. Wait! Don't tell me kaya di mo ko pinansin kahapon ay dahil akala mo ako ang nagyaya kay Lovelle. " tinanguhan ko naman siya. Kasi naman shalyn bakit di mo sinigurado.

" Kaya pala pagdating ko kanina sa inyo sabi ng mama mo umalis ka na daw. Yun pala yung dahilan. "

" Sorry. "

" Bakit ka nagso-sorry? "

" Kasi nag-conclude agad ako. " sabi ko at napayuko nalang ng maalala ko yung mga kagagahan ko.

Hinawakan niya yung baba ko at itiningala para magkaharap kami.

" Ako dapat ang mag-sorry kasi di man lang ako nakapag-paliwanag ng mas maaga. "

Nagpatuloy nalang uli kami sa pagsayaw ng magsalita siya uli.

" Alam mo may kwento ako sayo. Nung bata ako may babae akong kaklase na laging inaasar ng mga kaklase kong lalake. Lagi siyang inaasar ng kung ano-ano pero mas common siyang asaring maitim. Alam mo ba bilib ako sa kaniya kasi kahit na inaasar siya ng mga kaklase namin hindi umiyak. Pero nagbago yun ng isang beses nakita ko siya sa likod ng school. " tumigil siya sa pagsasalita at tumigin sakin. " Alam mo ba kung anong ginagawa niya dun? " dahan-dahan akong umiling sa kaniya bilang sagot.

" Umiiyak siya dun. Umiiyak siya na parang pasan niya lahat ng problema sa mundo. Nung time na yun sinabi ko sa sarili ko na ayoko siyang makitang umiiyak. Kaya naman nangako ako sa sarili ko na patatahanin ko siya sa tuwing makikita ko siyang umiiyak. " tiningnan niya kong maigi sa mga mata ko at ganun din ako sa kaniya.

" Ikaw yun Shalyn. Ikaw yung babaeng ayokong nakikitang umiiyak. Ikaw yung babaeng kapag nasaktan feeling ko mas doble ang sakit sakin nun. Gusto kita Shalyn ... matagal na. Simula nung makita kitang sinampal si Lloyd dahil sa paglagay niya ng bubble gum sa bag mo. Gustong-gusto na kita nun. "

" Ako rin Ivan matagal na kitang gusto simula palang nung inagawan mo ko ng upuan nung grade 1. " natawa siya at hinaplos niya yung pisngi ko, umiiyak na pala ko.

" Alam ko nay un dati pa. Sinabi sakin ng mama mo. Dapat matagal na kitang liligawan pero sabi ng mama mo wag daw muna pag nagtapos nalang daw tayo. Um-oo naman ako sa kaniya kasi alam ko naman sa sarili ko na kaya kong mag-antay. Pero nung nakaraan nagtanong ako uli sa mama mo kung pwede kitang ligawan. Tapos alam mo ba sabi niya pwede na daw kasi alam naman daw niyang mabait ako at alam natin ang tama sa mali. "

Huminga siya ng malalim at may kinuha sa bulsa niya. Nilabas niya ang isang maliit na box na naglalaman ng isang kwintas. " Shalyn, will you be my girlfriend. " di ako nakasagot at naiyak nalang. Sa tuwa? Oo dahil tuwang-tuwa ako ngayon.

" H-hindi k-ka man lang ba m-manliligaw? " umiiyak parin sabi ko.

" Kailangan pa ba yun? " tanong niya at umiling ako.

" Yun naman pala. " sabi nito at sinuot sakin ang kwintas. " I love you Shalyn. "

" I love you too Ivan. "

* Hindi hadlang ang pisikal na itsura ng isang tao para siya'y iyong husgahan at hindi mahalin kasi minsan kung sino pa yung mga taong nahuhusgahan, taong may diperensya. Sila pa yung maganda at masarap magmahal na di sayo maibibigay ng iba. *

The End

avataravatar