2 Chapter 2

BEHIND IT

Drix's P.O.V

"What the fuck?" Kunot-noo kong nasabi nang makita ko si Vion na kalmadong naglalakad papalapit sa akin. Magulo ang buhok at... medyo madungis na ang damit. Dala-dala ang kaniyang wallet.

Is this even a woman? I shook my head, disappointed at her. Is she really from the Great Mullinax Clan?

"Shut the fuck up." Aniya sa mariin na boses. Napatanga ako. Walang emosyon ang mukha niya na may halong pagkamataray. Well, that's her usual look. Nagiiba lang 'yan kapag masaya at natatawa siya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya saka umiling ulit. Hinabol ko silang dalawa ng magnanakaw dahil nakita ko ang pangyayari sa labas ng bakery shop at ito ang ibubungad niya sa akin?!

What a bitch.

"Hinabol ko 'yong magnanakaw tapos ganiyan ang bungad mo sa'kin?" Naiinis niyang tanong at bumuga ng hangin.

Is that a coincidence?

Tumigil siya sa harap ng sasakyan, kung saan ako nakasandal. Sinuklay niya ang natural na tuwid na buhok at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

I don't understand. Merong times na girly siya at meron ring boyish. Girls are really hard to understand.

"Let's go home. I'm tired and hungry." Aniya sa malumanay na boses. Kung mag-aya siya, parang walang nangyari kanina, ah? I can't believe this woman!

"Your hand is bleeding." I stated while looking at her hand. Alam ko na ang nangyari, malamang binugbog niya ang magnanakaw.

Ganoon rin naman ang ginawa niya sa sariling kapatid. Hindi na ako magtataka.

"Give me some wipes. This' not my blood." Naiirita at nandidiri niyang sinabi. Nang makauwi kami, dumiretso siya sa kwarto niya.

While me, here at the kitchen, don't know what to cook and don't know how to cook! Dapat pala hindi ko nalang ininis si Vion kanina.

I hate cooking the most! Fuck, hindi alam ni Vion na hindi ako marunong magluto. Aasarin niya lang ako kapag sinabi kong hindi ako marunong magluto.

Padabog kong binagsak ang kutsilyo sa cutting board at inabot ang telepono ko. I'm going to order my butler to cook.

Nang matapos kong kausapin si William, niligpit ko ang kaunting kalat sa kusina 'tsaka tumuloy sa sala. Nakaupo na sa sofa si Vion habang may tsaa sa lamesa. Nililigpit niya ang gamit para sa school.

Makikita ko na naman ang mga ungas na 'yon.

Nag-angat ng tingin sa akin si Vion na may mataray na mukha.

"Ano niluto mo?" Tanong niya habang umuupo ako sa pang-isahang upuan na katapat niya lang.

"Wala, pinapapunta ko dito si William para magluto. 'Wag kang mag-alala, masarap magluto 'yon." Nakita kong tumango na lamang siya sa akin habang nag-aayos ng gamit.

Mas mabuting ayusin ko na rin ang mga gagamitin ko. Minuto lang ay dumating na si William.

He greeted me as well as Vion na wala naman pake. Pumasok na kami sa kusina at nag-request sa kaniya ng ulam.

"Drix, na-deliver na ba sa'tin 'yong uniform ko?" Tanong ni Vion nang makaupo ako sa sofa.

"Nakuha ko na kaninang umaga. Nasa ilalim nitong lamesa." Sambit ko. Kinuha niya ang uniform at umalis sa harapan ko. Malamang ay lalabhan ang damit.

Nang masiguro kong wala na siya ay dahan-dahan akong tumayo. Pinalakasan ko rin ng kaunti ang volume ng tv saka dahan-dahan na naglakad papunta sa kwarto ni Vion.

Nagsimula na akong kabahan at pawisan nang mabuksan ko ang pinto niya. At nakakainis nga naman, pinili niya ang mas malaki at magandang kwarto. Nasa akin tuloy ang maliit.

Nagsimula na akong maghanap sa bagay na kailangan ko. I'm craving to know it. For almost three years, my thirst for the truth is still here. Hindi lang ako makatiyempo dahil masyado silang mahigpit sa impormasyon na 'yon.

Malakas ang pagkabog ng puso ko habang gumagalaw. Sinabihan na ako ni Neo tungkol dito, mahirap kalabanin si Vion, masyadong magaling si Vion pagdating dito. Labis ang kaba ko habang hinahanap ang bagay na iyon sa closet ni Vion.

Gusto kong mag-wala sa frustation. Kailan ko ba malalaman iyon?! Kailangan ko kaagad magawa ang plano ko!

Pawis na pawis ako pagkalabas ko sa kwarto ni Vion. Nang makarinig ako ng mga yapak, agad akong tumungo sa kwarto ko. Inayos ko ang sarili at pinawala ang kaba.

Takot ka sa Vion na iyon, Drix?!

Sa sobrang init ng ulo ko, nasipa ko ang basurahan ko dito sa kwarto. Nagbigay iyon ng ingay sa paligid. Nangigigil kong hinawakan ang buhok.

Wala sa kwarto ni Vion ang hinahanap ko!

Nabalik ako sa reyalidad nang makarinig ng katok sa pinto.

"Sir Drix? Okay lang po ba kayo?" Narinig ko ang boses ni William. Napalunok ako.

"O-Oo. Luto na ba ang pagkain?" Tanong ko rito para maibsan ang kaba at inis.

"Luto na po, sir Drix." Hindi na ko sumagot kay William at inayos ang sarili ko. Lumabas ako ng kwarto nang okay na. Bumuga ako ng hangin at kalmadong pumunta sa kusina.

I sat absentmindedly and started eating. Naka-prepare na ang pagkain namin dahil kay William.

"Ang bango!" Sumulpot si Vion sa kusina habang malaki ang ngisi. Agad niya akong inirapan nang makita ako.

"Hindi mo 'ko tinawag!" She said. I smiled faintly. May kung ano akong naramdaman nang makita si Vion na walang kamalay-malay sa pinagagagawa ko.

"Sorry, I'm just... hungry."

Dumaan ang kalahating oras, narinig namin ni Vion ang doorbell. Agad akong tumayo at pinagbuksan ang nagdoorbell.

"Nice crib, Drix!" Natatawang bati sa akin ni Hux, kaibigan ko. Nagbro-fist kami pero ang mukha ko ay nanatiling seryoso.

"Why're you here?" Tanong ko at pinagsingkitan siya ng mata. Alam na niyang dito ako nakatira?

"Nothing! May race mamaya, ano? Sama ka?" He asked. Naalala ko ang nangyari kanina.

Street racing is my only one stress reliever.

Agad akong tumango at ngumisi na sa kaniya. "You know me, bro." Sabi ko. Natatawa siyang tumango sa akin.

"Sinu-sino tayo mamaya?" Tanong ko sa kaniya.

"Tayong apat parin. But I heard, may ipapasok si Vince mamaya. Dalawa daw." Sabi niya.

I laughed mockingly. "Iyan na naman si Vince, hindi pa rin sumusuko. Ilang beses ko bang kailangan ipakita sa kaniya na ako ang hari ng street race?" Nagtawanan muli kami ni Hux.

"Mukhang nakakalimutan mo na si Rozell, ah?" He said, chuckling. Naalala ko na naman ang mokong na iyon.

"S'yempre hindi. Katulad lang ng Sparta noon ang street race ngayon. May dalawang hari!" Mahangin kong sinabi at naiiling na tumawa na lamang si Hux sa akin.

"Goddamn, hindi ka parin nagbabago, Drix! Aalis na ako, napadaan lang ako dito. Halos isang buwan rin tayong hindi nagkita." Tumango-tango ako sa sinabi niya. Nagsimula na siyang maglakad sa harapan kung saan naroon ang kotse niya.

"Malapit na pasukan!" Pahabol kong sigaw.

Bumalik na ako ng kusina pero hindi ko na nakita doon si Vion. Tapos na sigurong kumain. Pinagpatuloy ko ang pag-kain.

William's really good at cooking.

Lumabas ako ng kusina nang tawagin ako ni Vion. Nakalumbaba pero may siyang kakaibang ngiti. Mapaglaro rin ang kaniyang mga mata kaya 'di ko napigilang pagtaasan siya ng kilay.

Ano na naman balak nito?

"Ano?" Suplado kong tanong dito.

"Drix, turuan mo 'ko mag-drive?" Nag-puppy eyes siya pagkatapos sabihin iyon. Pero may pagkamataray pa rin talaga ang mukha niya. Napamaang ako. I gave her a *are-you-serious-look. *

"Para saan?" Kunot-noo kong tanong. Nakakapanibago ang ekspresyon na binibigay niya. Desperada na ba siya?

Nawala ang ngiti at pagpapaawa sa kaniyang mukha at pinalit ang daily bitch face niya.

"Seriously, Drix? Kailangan ko pa talagang sabihin?" She sighed heavily and rolled her eyes, annoyed. Tiniim ko ng mariin ang labi.

"Of course, para maruno na akong mag-drive!" She said, lighting me up. Ngumiti siyang muli katulad ng kanina.

Does she think I'm stupid?!

"Para ano? Gamitin ang sasakyan ko?" Nakangisi kong sagot dahil alam ko na ang pakay niya. Kanina ko pa kasi siyang napapansin na panay sulyap sa sasakyan ko.

Her face brightened. She clapped and said, "bravo!"

Nawala ang ngisi sa mukha ko at pinalitan ng nagmamayabang na ekspresyon.

"No."

Nawalan ng buhay ang mukha ni Vion.

Woah! From a cute kitten to a fierce tiger?!

Nang tumayo siya ay mabilis na akong tumakbo palabas ng apartment. She shouted my name loudly as I get in my car. Binuksan ko ang makina at mabilis na pinaandar iyon bago pa ako maabutan ni Vion at baka basagin pa ang salamin ng Porsche ko.

Mabilis ko itong pinaandar hanggang sa makarating ako sa destinasyon. Suwabe akong lumabas ng sasakyan at malamig na tiningnan ang naghihintay sa akin.

Nasa squatter area ako ngayon kaya hindi na ako magtataka kung bakit pinagtitinginan ako ng mga tao kanina. Dito ko hininto ang sasakyan sa tagong lugar.

"B-Boss, hindi ko nakuha." Rinig ko ang nginig sa kaniyang boses habang nakayuko sa akin. May benda ang kaniyang noo at may black eye ang dalawang mata.

"Alam ko," malamig kong sinabi at pinamulsa ang dalawang kamay.

"S-Sorry, hindi na lang p-po ako magpapabayad—" Sinamaan ko siya ng tingin kaya natigil siya. Pinaigting ko ang panga dahil sa inis.

"Babayaran kita. Basta't gumawa ka ng paraan para makuha ang wallet ni Vion. May kailangan akong malaman sa kaniya."

avataravatar