1 Chapter 1

THE SO-CALLED TEENSITTER

Vion's P.O.V

"I'm going to babysit this brat of yours? Final na talaga? Uncle naman, please. Naging mabuti naman ako, ah?" Reklamo ni Drix habang kausap ang tatay ko. Masama niya pa akong tiningnan at muling bumalik sa telepono.

I crossed my arms and legs. Binalik ko ang masama niyang tingin sa akin. Wala na siyang magagawa. Even me, ayoko din siyang kasama.

So, we'll endure this until my father's craziness ends. Yeah, ganoon.

Narinig kong natapos na ang usapan nila. Ayaw nila akong kausapin? Ayaw ko rin silang kausap.

At may isa pa akong kinakainis. Nilipat ako ng school. Nilipat ng apartment na malayo sa kanila. At binagyan ng taga-bantay. As if I need a nanny. Like hell? I'm already fifteen. Lumaki ako sa hirap. Kayang-kaya kong mag-isa. Napailing ako sa kahibangan nila.

After all, I'm the blacksheep. Ayaw nila sa akin kaya dapat kaya ko na ang sarili ko. At kaya ko nga.

"Kaya mo ring suwayin ang Daddy at mga kapatid mo." Singit ni Drix. "Black cat..." he whispered and shook his head. Hindi makapaniwala akong tumingin sa kaniya.

What the hell? Mind reader?

Umiling siya sa ginawa ko. "You're whispering it. I'm not a mind reader." Itinaas niya pa ang dalawan kamay. Inirapan ko siya. Umupo siya sa sofa.

"Anong sabi ni Daddy? Saan ako mag-aaral?" I asked him casually. Kinuha ko ang tsaa sa lamesa at uminom ng kaunti.

"Wildwood International School." Sagot niya habang may kinakalikot sa phone niya.

Tumango ako at inubos na ang tsaa. Hindi na ako nagulat. Medyo kilala ko naman ang tatay ko. May pera siya kaya sa international ako pinasok. Paano kaya ang mga kapatid ko? Of course, sa ibang school at mas sosyal.

Tsk, I don't care.

"Okay lang ba 'tong apartment?" Drix asked me. Tumango ako dito.

Sa katunayan ay maganda itong apartment. Malaki at may dalawang kwarto. May kusina at dalawang bathroom. Kompleto ang gamit at halatang mamahalin. Kakalipat lang namin dito kaninang umaga.

Nakakalula lang, parang noong nakaraang dalawang taon lang, sa masikip na bahay pa ako nakatira at halos walang makain tapos biglang ganito?

Napailing ako. Dahil ito sa tatay ko. Ayaw ko man sa kaniya pero dapat tanggapin ko.

"Mas okay pa sa okay. Anyways, palipat ng mga gamit ko sa kwarto ko." Sabi ko at tumayo para magluto ng dinner.

"Ano? Pati paglipat ng mga gamit mo, ako pa?" Reklamo ulit ni Drix. Napabuntong-hininga ako.

Reklamo 'to ng reklamo. Palibasa, laki sa yaman.

"Magluluto na ako ng dinner. Gawin mo nalang." Naiirita kong sinabi sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Napangisi ako.

Pinsan ko si Drix sa side ng Daddy ko. That's why I hate him. Period.

Matapos akong magluto ng pritong manok, lumabas ako ng kusina para tawagin si Drix. Wala siya sa sala kaya pumunta ako sa kwarto niya. Nakabukas ang pinto ng kwarto niya at siya naman ay nakaupo sa kama habang nag-aayos ng gamit.

Good. Medyo masipag rin naman pala ito. Akala ko'y puro utos lang.

"Drix, let's eat." Natigilan ako sa sinabi ko. Bakit parang ako pa ang nagbabantay sa kaniya?

Lumingon siya sa akin at tumango. "Sige," aniya at tumayo. Sabay kaming kumain ng dinner. Halos mabingi ako dahil sa sobrang tahimik.

Uminom ako ng tubig at tumingin sa kaniya. "Drix, tutal, ikaw naman ang magbabantay sa akin. I just wanna know how old are you and what's your full name." Kaswal kong sinabi. Damn, nasusuka na ako sa pinagagagawa ko.

Ang plano ko, papahirapan ko siya para sumuko na siya at iwanan akong mag-isa pero bakit ganito? Ang civil ko sa kaniya.

Kumamot siya sa baba at tumingin sa akin. "Alejandro Drix Easton. Eighteen na ako." Tipid niyang sinabi at sumubo ng isang kutsarang pagkain. "How 'bout you?" Balik niyang tanong.

Kumurap ako. "Uh... 'di ba alam mo na 'yon?"

He frowned. "I want to confirm it." He said seriously.

"Vion Devlin." I said. His brow shot up. He slowly shook his head.

"No, that's not it." Bumuga ako ng hangin sa sinabi niya.

"Davionna Gal Devlin..." I trailed off. How I hate to consider this. "Mullinax." I continued.

"Davionna Gal Mullinax? What the hell! Sino nagpangalan sa'yo?" Natatawa at medyo gulat niyang tanong. Inirapan ko siya.

"My mom, duh!" Pag-arte ko at bumalik sa pag-kain. Hindi ko na kasalan kung bakit mahaba pangalan ko.

The next day is fucking boring. We're here at the mall, shopping. Gamit lang naman ang credit card ko at kasali pa ang gamit ni Drix! Kapal.

Oh! Pera nga pala ito ni Dad. Kahit anong tanggi ko sa credit card na binigay niya, wala. Talo pa rin ako. Kung makulit ako, mas makulit naman ang matandang 'yon.

"Hoy, gamitin mo ang pera mo!" Inis kong sinabi at pilit na inaalis ang mga school supplies niya sa cart ko.

Pinalo niya ang dalawa kong kamay at hinawi ito para bumagsak ulit ang mga gamit niya sa cart.

Brute!

Feeling ko namumula na sa inis ang mukha ko. This spoiled cunt!

"Don't you dare, Vion. Ako ang nagbabantay sa'yo kaya kailangan ko ng treat." Suwabe niyang sinabi at ngumisi sa'kin. Padabog kong binaba ang mga kamay at nanggigigil na tumingin sa kaniya.

"Sasabihin ko 'to kay Dad." Mariin kong sinabi. He crossed his arms coolly. He gave me a smug face.

"Yeah? Kakausapin mo si Uncle? Of course, masasali d'yan ang kamustahan." Sinabi niya sa akin na parang sine-save niya pa ako sa gulo. He even shrugged his shoulders! Parang sinasabi niya na bahala na ako sa buhay ko.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Nag-iinit ang ulo't mukha ko dahil sa sobrang inis. Gusto ko siyang suntukin!

"You'll cook dinner tonight, dickhead." I ordered him strictly and madly. And there, iniwan ko siyang nakatulala sa kinatatayuan niya at dinala ang cart.

Nang matapos kami sa pamimili, pinabuhat ko sa kaniya ang mga pinamili namin. Bayad niya lang 'yan sa'kin!

That frown of his makes me grin widely.

I'm walking happily while he's slowly following me. Dala niya ang mga plastic bags ng pinamili namin. Nakangisi ako habang naglalakad papunta sa parking lot.

Kita ko ang hirap sa mukha niya dahil sa bigat ng dinadala. Hindi bagay sa kaniya, sayang g'wapo't matangkad pa naman.

Para siyang nakahinga ng maluwag no'ng makasakay na kami sa sasakyan niya. Binuksan niya ang makina at pinaandar ito.

Habang nasa byahe, walang nagsasalita sa amin dalawa. At para hindi mapanis laway namin...

"Drix, what's for dinner?" I asked him like nothing happened. Suplado niya akong sinulyapan.

"I don't know. Iniisip ko pa."

"'Kay—" Naagaw ng isang bake shop ang atensyon ko. Maliit lang itong bake shop pero halatang mamahalin ang mga binebenta. Mukha ring bagong tayo ang gusali.

"W-Wait, Drix. Bababa muna ako. May bibilhin akong cake." Mabilis kong sinabi sa kaniya habang hindi nawawala ang tingin sa bakery shop.

Bigla akong natakam sa ini-imagine kong black forest cake.

Tinigil niya ang sasakyan sa harap ng bakery kaya mabilis na akong lumabas sa kotse. Excited akong pumasok sa bakery at namili ng cake sa may display.

Ngumiti sa akin ang cashier. "Good afternoon, ma'am. May I know your order?" She asked politely. I smiled back. Itinuro ko ang Black Forest na cake.

"Can I please get that one?" sinabi ko. Tumango ang cashier at ginawa ang gusto ko.

I'm smiling while walking outside the bake shop. Nang malapit na ako sa sasakyan, bigla na lamang may humugot sa wallet ko.

Halos mabitawan ko ang cake dahil sa sobrang gulat. Mabilis na tumakbo papalayo ang kawatan pero nakikita ko pa ang bulto nito. Agad kong inilapag ang box ng cake malapit sa sasakyan. Hindi na ako aasa kay Drix at mabilis na humabol sa magnanakaw.

Mas binilisan ko ang ang pagtakbo nang makitang tatawid ito sa high way.

Bitch! Nand'yan sa wallet ko ang natitirang picture namin ni Mama! Hindi niya p'wedeng makuha iyon sa akin! I don't care about the fucking money!

Goddamn! Ang layo ko na sa kaniya. Tumatawid na siya at ako naman ay tatawid palang! Nagsihintuan ang mga sasakyan at bumubusina na ng malakas dahil sa aming dalawa.

Natigil ako nang may umandar na sasakyan pero tumigil rin nang huminto ako. Napamura ako ng malakas. Sinadya niya iyon para tumigil ako at makaandar na siya. I gave the driver a double middle finger and run again.

Fuck the driver! Mas lalo akong nainis sa ginawa niya. Bwiset!

I sharpened my vision. Mas nilakihan ko pa ang hakbang at mas pinabilis ang pagtakbo.

Tumaas ang tsansa kong manalo dahil nakita kong bumagal ang kaniyang takbo. Lumala ang inis ko nang mahuli ko siya. Malakas ko siyang tinumbahan kaya natumba kami sa sahig dalawa. Hindi ko pa man nakikita an mukha niya, pinaulanan ko na siya ng suntok sa mukha.

Ugh, my knuckles are hurting because of his hard face.

Nagsigawan ang mga tao sa ginawa ko. Ang iba'y sinasabihan na akong tumigil. Because of their loud voices, tumayo ako at padabog na kinuha ang wallet ko sa magnanakaw.

Hinihingal ako at pilit na binabalik ang paghinga sa normal.

Sinamaan ko ng tingin ang mga taong may kakaibang tingin sa akin. Itinaas ko ang wallet ko habang hinihingal.

This is the worst day of my life. I'm telling 'ya.

Itinuro ko ang lalaking duguan na nanghihina na nakahandusay sa sahig.

"That motherfucker is a thief!" I said and walked out.

avataravatar
Next chapter